Chapter 26

51 5 6
                                    

"Good morning!" Bati ko kay Marie pagkabukas nya ng pinto ng van. Nakasimangot sya sa akin pero sinenyasan na akong pumasok na kaagad.

Pagkasara ng pinto agad nya kong hinampas sa braso. "Gaga ka talaga, Donnalyn! Anong ginawa mo?"

"Natulog"

"Natulog lang? Sure ka?"

"Ha?"

Hinarap nya sa akin ang phone nya at matik na nanlaki ang mata ko. Ako yun, at si Josh yung nakatalikod. Hawak hawak nya ang kamay ko. Yan yung kagabi na pinipigilan nya kong umalis. Ohmygod!

"Natulog, huh?" She sarcastically said at pumindot pa sa phone sabay harap ulit sa akin. "Naghallucinate ka nanaman kagabi no? Nung umulan?" Nakatitig lang ako sa phone nya habang iniscroll nya yun. May picture akong nakaupo sa isang sulok sa lobby at nakatakip ang mga tenga ko.

"Trending ka" inalis nya ang pagkakatapat ng screen sa mukha ko at umayos ng upo sa front seat.

"Tawag nang tawag sakin yung management and they keep on sending me articles about sayo kagabi. They're asking narin kung ito ba yung reason kung bakit gustong gusto mong umalis sa trabaho"

No! Hindi yan yung reason.

"Sino ba tong lalaki?"

Napalingon sya sa akin nang hindi ako sumagot. I can't say anything!

"May non-showbiz boyfriend ka ba?" Napailing ako agad. Wala! Hindi ko naman boyfriend si Josh. Oo nga pala, di nga pala kami pero may baby na kami.

"Sige na. Ihahatid ka namin sa condo mo, magbihis ka. Cancel ang mall show mo, didiretso tayo sa management building"

Napapigil ako ng hininga. Anong sasabihin ko sakanila? Magsasalita ba ko? Hindi ko na talaga alam!

---

Kabado akong naglalakad papunta sa office ng CEO ng company. Papagalitan ba ko? Kinakabahan ako!

Naiwan si Marie sa pinto at ako lang ang pumasok. Pagkakita sakin ng CEO, ngumiti sya agad. "Donnalyn!"

"Hello po"

Lumapit ako sakanya at umupo sa upuan sa tapat ng table nya. He's now looking at me seriously. Nagbago ang expression ng mukha nya at pinagtaklob pa ang mga palad.

"I guess alam mo na yung issue about sayo, right?"

Napatango ako. Syempre kaya nga ako nandito, dahil doon.

"What can you say about it?"

"Uhm. He's not my boyfriend. Hindi sya yung reason kung bakit ako aalis"

Napatango tango sya at inilapat ng mga palad sa table. "So anong reason?"

---

"Ano? Anong sabi?" Usisa ni Marie paglabas ko ng pinto. Napangiti ako at tumango, "okay naman"

"Eh? Anong sabi?"

"I can stop na."

"Ganon kadali?" Naglalakad na kami palabas ng company kaya tinanguan ko sya. Napapangiti pa ko habang pumapasok ng van.

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt