Chapter 13

40 4 9
                                    

Josh knocked on the door kaya napabukas ako agad don. Alam kong sya yon kasi kami lang naman dito, okay? Nasabi nila Pau kanina na mauuna na sila, okay?

At nakabihis narin ako kaya binuksan ko agad yung pinto, okay?

(A/N: Di naman namin tinatanong bakit ka defensive?)

Heh!

"Tara na excited na ko!" Hinatak ko na agad yung t-shirt nya para lumabas ng bahay. "Nakakapunta naman ako dati sa mga fiesta pero para lang magperform!" Kinikilig pa ko kasi naman kami kasi nagdecorate dito! Ayieeee. First time!

Napahinto ako sa paglakad nang makitang sobrang daming tao sa labas! Ang layo layo ng plaza, bakit pati dito maraming tao?

"Dami namang tao" sabi ko sa katabi ko. Tiningnan lang naman nya ko tapos naglakad na. Makikipagsiksikan kami dyan? Ganito talaga dito?

Hinabol ko sya tapos humawak ako sa kamay nya. Gagi baka iwan ako nito tapos mawala ako! Mahirap na.

Bigla syang huminto sa paglakad tsaka napatingin sakin at sa kamay namin. Bakit? Ayoko lang namang mawala.

"Dalian mo malelate na tayo" sabi ko lang. Totoo naman! Naniniwala naman kayo saken diba?

Ako lang naman yung nakahawak kaya walang malisya---okay pinagintertwined nya kamay namin tapos hinila nya ko palapit sakanya. Ehhhhh

Nakarating kami sa plaza, di parin nya binibitawan kamay ko. Chansing na to masyado hindi pwede. Pahard to get tayo dito gurl. Bitaw!

Binitawan ko ang kamay nya tapos lumapit na kay Justin. Nasa gilid na kasi sya ng stage at nagmamic check.

"Ate, kita ko kayo kanina ni kuya Josh, naghoholding hands while walking"

Nahampas ko sya agad sa braso. Bwisit na batang to chismoso. "Marami kasing tao! Epal to. Chismoso ka boy?"

He just laugh at me. Hays. Ang dumi ng utak!

Tsaka program started. Nagpalaro lang para sa mga elders, youths at children. Wala kaming nagawa kundi tumawa nang tumawa kasi ang kukulit nila. Ang saya ng lahat pati yung mga dumayo dito para makinood.

Kinalabit ako ni Pau at saka binigay sakin yung mic. "Ikaw na" sabi nya after mag announce na kakain na. Kakanta na ko?

Kinuha ko sakanya yung mic at sinaksak ko sa phone yung speaker. Naghirap pa ko kanina magdownload ng minus one kasi ang hina ng signal! Buti nalang natapos madownload habang nagbibihis ako.

I will sing my latest released song. Itatama pa ba o tama na

The music starts kaya napatakbo ako paakyat ng stage. All eyes are on me. Nakatingin silang lahat sakin habang kumakain. Namiss kong kumanta sa harap ng maraming tao.

"Nang tayo't lumuha, sumabay ang panahon" I smiled nung unang line palang, nagpalakpakan na sila. Omg!

"Umulan ng malakas nang magwakas ang pagsasama ng dal'wang taong nagmamahalan pa dahil kailangan lang talaga, bigyan ang isa't isa ng oras para makahinga"

"Whoooooo!!" Muntik na kong matawa nang biglang sumigaw si Justin. Abnormal talaga tinotoo yung ichicheer daw ako. HAHAHAHA

"Kumidlat tila langit ang nagsasabi, bumalik na ako sa Iyong tabi. Wag ka muna limutin ngunit nahihirapan lang akong sagutin." Di ko rin alam kung anong nangyayari sakin pero napatingin ako kay Josh. Shet he's looking at me attentively. Pinapakinggan nya talaga ako.

"Kung itatama pa ba o tama na pano ka malilimutan, kaya ko bang mag-isa? Itatama, tama, tama, tama, itatama, tama, tama pa ba o tama na?"

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now