Chapter 15

45 4 2
                                    

Donnalyn's PoV

Masaya akong gumising. Hindi ko rin alam kung bakit magkatabi kami ni Josh dito at kung bakit nandito na kami pero hindi nalang ako magrereklamo. Sana lang di ako masanay no?

I grabbed my phone at saka na lumabas para pumunta sa gilid ng bahay. Tumuntong ako sa upuan para makasagap ng signal. Halos isang linggo akong hindi nakapag check ng twitter.

Maraming notification. Nag dm pala si Zeinab.

Zeinab:

Nabasa ko mga message mo. Donnalyn, ikaw ba talaga yan? I saw your posts last week.

Magrereply ba ko? Pano kung ipasundo ako dito?

Muntik na kong mahulog sa upuan nang biglang lumitaw si Jah sa harap ko. "Ate"

"Bakit?"

"Ate sorry. Nagpost kasi ako nung isang gabi habang nagpupulong tayo tungkol sa palaro."

Kumunot ang noo ko. Ano naman?

"Maraming likes yung pinost kong picture mo. Umabot ng isang milyon. Maraming replies. Ate kumalat na yata na buhay ka"

Agad kong sinearch ang username ni Jah at saka hinalungkat ang mga pinost nya. Lahat ng tweets nya na may picture ko, maraming likes. Paano nila to nakita?! Wala namang nakafollow sakanya!

User1: Sino yung nilibing kahapon?!

User2: Hindi ko pa nakita tong mga pictures na to ni Donnalyn, ever! Sya ba talaga to?

User3: Teh hindi sya edited. Legit sya teh!

Nagscroll pa ko ng konti bago tumingin kay Justin. Nginitian ko nalang sya kasi wala naman na kong magagawa. "Okay lang, Jah. Ako nang bahala" nginitian nya ko pero halatang nag aalala sya. "Okay lang talaga"

Iniwan na nya ko kaya agad kong inopen ang dm ni Zeinab. Magrereply nalang ako. Kailangan din naman nilang malaman. I can't keep a secret from them dahil bestfriend ko sya.

Me: Hey it's me

Zeinab: Baka nanloloko ka lang! Ikaw ba talaga yung nakita ko sa tweet ng isang user kahapon?!

Me: ako nga

Zeinab: video call

Me: mahina signal dito

Zeinab: send me proof

Me: di ako makainstall ng messenger!

Zeinab: send me proof nga!

Me: Marupok ka! Nag away kayo ni DJ habang nagmomall show tayo last month tapos iniwan mo kami don to suyo him.

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now