Chapter 27

46 4 0
                                    

"Sorry ayaw nila akong papuntahin dyan"

"Okay lang. Kakatapos lang ng live ko"

Nakaupo lang ako rito sa sofa kasi nakabantay si Marie sa pinto ng condo ko! Gusto ko pa namang tumakas -_-

"Sure? Sorry ulit"

He said naman na it's okay pero hindi okay sakin. Hello~ nagkita kami after 3 months tapos pipigilan kaming magkita ngayon?

"Sundin mo nalang sila. Kumain ka na?"

"Opo"

Pagkatapos naming mag usap, binuksan ko lang ang TV. Nasakto namang balita tungkol sa showbiz at mukha ko at ni Josh ang nakabandera sa screen. Ano namang masama don? Wala akong nakikitang mali. Mali na bang magmahalan?

Ay naks nagmamahalan HAHAHAHA

"Tuwang tuwa ka dyan sa issue mo?" Ito namang si Marie lagi nalang mainit ang ulo. Akala mo naman naglilihi! Mas mabilis pang magbago ang mood kesa sakin eh.

Pinatay ko ang tv after ng news tsaka ko sya sinenyasan. "Marie, come here. I'll tell you something"

Napalapit naman sya agad at tumitig sa akin. "Chismosa mo naman masyado"

"Dali na ano sasabihin mo?"

Ewan ko nalang talaga Marie kung di mo pa ko payagang umalis kapag sinabi kong b---

*knock* *knock*

Napatingin kami parehas sa pinto nang makarinig ng ilang katok at doorbell. "May bisita ka?" Tanong nya sa akin.

"Wala. Wala namang bumibisita sakin"

Napatayo ako nang hindi tumigil ang katok. I opened the door at mukha ni Josh na nakangiti ang bumungad sakin. "Hala! Paano mo nalaman address ko?"

Tinaas nya ang phone nya at pinakita ang conversation nila ng CEO ng company namin. Napangiti naman ako kasi nagets ko agad. "So totoo nga? Akala ko jinojoke nya lang ako"

"Excuse me?!" Napalingon kaming dalawa ni Josh kay Marie na parang senyoritang nakahalukipkip pa ang dalawang kamay. Hinawakan ko ang kamay ni Josh para hilahin sya papasok at sinara ang pinto.

"Oh eto na yung pupuntahan ko. Ayaw mo ko payagan eh" natatawa kong sabi sakanya. Inirapan nya lang ako at itinuro ang katabi ko. "You. Take off your mask"

Sinunod naman ni Josh ang sinabi nya. Nanlaki ang mata nya nang makita ang kapogian n---ay nanlaki mata nya nung nakita nya mukha ni Josh.

"So, you're the boyfriend"

"Excuse me, di ko sya boyfriend"

Natawa ang katabi ko at napailing. Bakit? Totoo naman!

"Nandito ako para manligaw" he's laughing pa kaya nahampas ko sya sa braso. Wag syang nagjojoke nang ganyan kasi kinikilig ako! Pati si baby yata nagtatumbling na sa tyan ko kahit 2 months palang sya.

"At bakit ka naman manliligaw sa alaga ko?"

"Ay ewan ko sayo Marie. Lumayas ka na rito, di ka welcome"

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now