Chapter 11

37 3 3
                                    

Donnalyn's PoV

Napadilat ako nang makaramdam ako ng lamig. Ang sakit ng ulo ko shutek!

"Putangina?" Napaupo ako agad mula sa pagkakayakap kay Josh. The hell?! Bakit to nandito?!

We both stare to each other at bigla ko syang nasipa kaya bigla syang nahulog sa sahig. Rinig ko yung pagbagsak nya at yumanig ang kubo.

"Aray naman!!!" Reklamo nya pero wala akong pakielam. What happened?!

"Bakit ka nandito?!" Napahinga ako ng malalim at iniiwasan kong hindi magpanic pero bakit nakabra lang akoooo!!!!

Sinilip ko sya agad at napahinga ako ng maluwag kasi nakat-shirt sya. Pero BAKIT SYA NANDITO!!!

Kumuha ako ng unan at saka yon binalibag sakanya. "Hayop ka bakit ka nandito!! Labas!!!!"

Pagkalabas nya, nagbihis ako agad. Mygosh! Anong nangyari?

"A--"

"Bakit kami magkatabi?"

"Te Lyn. Magkatabi kayo kagabi?" Nanlaki ang mata ko nang makita si Justin sa bintana. Gagiiii!!!! Narinig ba nya?!!

Nakita kong papalapit na sila Pau, Stell at Ken kay Justin. BAKIT SILA NANDITO SA TAPAT NG BINTANA

"Anong nangyayare? Ang aga aga rinig sigawan nyo. Nag aaway ba kayo?" Bungad ni Stell sa akin nang makita akong nakadungaw sa bintana. Rold, help me!

"Huy Josh nandyan ka pala. Bakit nag aaway nanaman kayo?" Napatingin si Pau sa gilid kaya pinasok ko agad ang ulo ko at saka lumayo sa bintana.

"Tangek hindi. Dito na kayo kumain magluto tayo." Rinig kong sagot ni Josh kaya napahawak ako sa dibdib ko. Anong nangyayare saken!!

---

Third Person's PoV

Napalingon si Josh sa bintana at napahinga ng maluwag nang hindi makita si Donnalyn doon. Lumapit sya agad kay Pau at saka bumulong. "Dito na kayo kumain. Samahan nyo ko. Inaaway ako kapag kaming dalawa lang"

Natawa bigla si Ken dahil sa narinig nya. "Nag aaway din naman kayo kahit nandito kami a?"

Nag aalala si Pau na tinapik sya sa balikat. "Diba sabi ko sayo pwede naman sya namin ni Jah? Kami lang naman eh. Lagi kayong nag aaway, ayos ka pa ba?"

Nagwoworry na sila kay Josh kasi lagi nga talaga silang nag aaway. Pero napailing ito sa sinabi ng kaibigan nya.

"Okay lang naman ako. Dito nalanh sya. Samahan nyo lang ako"

Walang nagawa ang apat kundi pumasok sa loob at magtulong tulong sa pagluluto ng umagahan. Tahimik lang sila nang biglang magsalita si Justin. "Kuya Josh, magkatabi kayong natulog kagabi?"

Nabulunan bigla si Josh kahit wala naman syang kinakain. Nasamid sya sa sarili nyang laway kasi saktong lulunok sya. "Ha? Huy magkatabi kayo?!" Pasigaw pero pabulong din na usisa ni Stell.

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now