Chapter 30

73 6 6
                                    

"Oh, kahit makakauwi ka na, alam mo na dapat mong gawin ha?" Paalala ni Zeinab sabay tingin sa akin. Napairap nalang at pinunasan ang bibig ng anak ko habang nagbbreastfeed sya.

"Pahinga. Oo nga, alam ko. Di pa ba pahinga yung 3 months sa ospital?" Sagot ko kaya tumawa sya ng mahina. Pauwi na kasi ako sa condo, kakadischarge ko lang sa hospital with my daughter.

"Diba nga chineck pa yung kalagayan mo? Donna, nacoma ka for 5 months tapos nanganak ka pa, CS pa. Sa tingin mo ba madidischarge ka lang nang ganon kadali?"

Napatingin ako kay Daryl na nagdadrive ngayon. "Dapat na sigurong patahimikin si Zeinab, Daryl. Masyado na syang maalaga, bigyan mo nga yan ng aalagaan nya"

Pinagtawanan ako ni Dj kaya natawa rin ang katabi nya. Aba! Ewan ko sainyong dalawa, bagay na bagay nga kayo!

"Don't worry, Donnalyn, your wish is my command. I'll shut her up later" nahampas sya ni Zeinab kaya natawa sya. "Ang bastos mo naman!"

"Bakit ano bang sinabi ko? Wala namang bastos don! Ikaw yung nag iisip dyan ng bastos!"

Tinitigan ko nalang ang baby ko kasi nag aaway na silang dalawa ron sa harap. Maiinggit lang ako kapag pinansin ko pa sila.

"After natin makapagtake ng rest, I will find your daddy na, okay? Sleep ka na"

---

Ibinaba ko na ang anak ko sa crib nya sa tabi ng kama ko. Napaikot ang tingin ko kasi nakaayos na dito. Pinaayos ni mommy ang kwarto ko rito sa condo bago sya umalis pabalik ng Japan. Hindi kasi sya pwedeng magtagal dito kasi nandoon yung mga kapatid ko, they're all young kaya hindi nya maiwan ng matagal.

Sobrang dami ko nang plano before pa kami madischarge sa hospital. Matagal din yung 3 months, 3 months narin ang anak ko.

Now that I can walk na on my own, pwede na kong maghanap, right? Wala ni isa sa paligid ko ang nagsasalita about kay Josh. Justin's number is out of reached narin after nyang sumagot 3 months ago.

Inaalala ko lang, paano ako maghahanap kung kaming dalawa lang ni Jc dito? I mean, paano ko sya iiwan? Tsaka maiiwan ko ba sya? Hindi ko rin naman sya pwedeng dalhin.

Nagreresponse narin si Jc sa akin. Kapag kinakausap sya, madalas na syang ngumiti. Umuungol din sya kapag sumasagot sya. Ang cute cute!

Naaawa lang ako sakanya kasi wala man lang syang makitang daddy. Nasan ka na ba kasi, daddy? Hinahanap mo ba kami? Pwede mo naman kaming puntahan anytime eh, nandito lang naman kami sa condo.

Pero sigurado naman akong hindi kami nakalimutan ni Josh. Maybe, may dahilan sya kung bakit hindi pa sya bumabalik. Baka may importante lang syang ginagawa. Babalik yun kapag okay na.

Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sakanyang masama dahil sa akin. Miss na miss ko na sya.

"Miss na miss ko na daddy mo, nak. Don't worry mommy will find him! I can't wait na magkita na kayo kasi magkamukha kayo. Sa ngayon, tyaga tyaga muna sa pictures ni daddy sa phone ni mommy, okay?"

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now