Chapter 29

50 5 2
                                    

Napadilat ako. All I can hear is baby crying at ingay ng paligid.

"Donnalyn, it's okay. Tulog ka lang dyan" I saw Jelai carrying a baby at pinapadede ito.

Naramdaman kong may nagpapahiga sa akin kaya napatingin ako sakanya. "Zebby?"

Nanlaki ang mata nya at napatingin kay Jelai. Napabalik ang tingin ko sa baby na hawak nya.

"Gagi Jelai. Nagsalita si Donna" mukhang gulat na gulat si Zebby kaya napakunot ang noo ko.

Napahawak ako sa tyan ko nang maalala kong buntis ako. My tears started to fall nang walang maliit na umbok ang tyan ko. "Zebby, y-yung baby k-ko. N-nasan?!" Nagstart akong magpanic. No! I can't lose my baby. Hindi pwede! And Josh? Where's Josh?!

"Donna" Zeinab hugged me kaya napaiyak na ko lalo. Bakit sila malungkot? Bakit?

"S-si Josh? Nasaan?!"

"Shhh. Calm down. Sobrang saya ko na nakakapagsalita ka na ulit pero wag mong biglain sarili mo" They're both crying kaya mas lalo akong naiyak. Bakit ba sila umiiyak! Ano ba yung sinasabi nilang nakakapagsalita na ko?! Tsaka nasan ba si Josh! Yung baby namin, wala na sa tyan ko!

Yung baby na buhat ni Jelai, umiyak narin. Ano bang nangyayari!

"Naaksidente kami ni Josh! Okay ba sya? Nasan sya?"

Napahiwalay sa pagkakayakap sa akin si Zebby at nagpunas sya ng luha nya. "Yan ba ang last memory mo? Hindi mo maalala yung nangyari? Hindi mo alam na nanganak ka na?"

Nanganak? Napatawa ako out of disbelief. I looked at the baby at napailing. "You're kidding me, right? Paano ako manganganak eh 4 months pregnant palang ako"

"No. Nanganak ka na. You're comatosed for 5 months. They needed to CS you para malabas ang baby mo"

Napatunganga lang ako kay Zeinab.

"Tatawagin ko yung doctor." Paalam nya kaya nasundan ko sya ng tingin hanggang sa makalabas sya.

---

"You're on a coma for 5 months"

"3 days ago, nagising ka but you're not responding. Pwede kang mag normal delivery kung nagrerespond ka but no kaya we decided to perform a CS"

"You're so lucky"

Paulit ulit lang sa utak ko ang sinabi sa akin kanina ng doctor. Naniniwala na kong nacoma ako. I looked at the baby na buhat ko habang nagbbreastfeed sa akin. Napahawak ako agad sa mukha nya at hindi ko nanaman mapigilan ang luha ko.

"Hi, anak" my tears can't stop falling. Masaya ako to see my baby pero ni isa sa mga kasama ko rito sa room ang sumasagot sa tanong kong nasaan si Josh. Iniiwasan nila ako kapag tinatanong ko yon sakanila kanina pa.

"Tumawag ang mommy mo, flight nya ngayon from Japan. Sya na daw magbabantay sayo" nakatitig lang ako kay Zebby. Nagtatampo ako sakanila. Bakit hindi nila sinasabi sakin kung nasaan si Josh?

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now