Chapter 2

75 7 6
                                    

Nakatulala lang ako sa bintana habang ang lakas lakas ng ulan. Ang lamig! Plus, hindi semento ang pader nitong kubo kaya siguro doble lamig. My whole body is shaking and I can't even feel my hands dahil sa sobrang lamig nito. God! It's freezing cold in here! I want to go home and turn on my heater. Tapos magbabalot ako ng kumot to stop my body from shaking. Sht

I heared multiple knocks from the door kaya agad akong napayakap ng katawan kasi I'm scared pa. Sobrang daming katok kaya napasigaw ako dahil kinakabahan nanaman ako.

"Who's there?" I shouted kasi malakas parin ang ulan. Narinig naman nya siguro?

"Justin!" Justin?

"Justin who?" Then dun ko lang naalala na may Justin nga pala sa mga lalaki sa labas. Yung cute na matangkad. I bet he's the youngest. Not sure

I heared giggle from outside kaya napakunot ang noo ko. Justin opened the door and closed it after he enters.

"Just in!" He said while giggling. Is he joking? Is that a joke? Hmm. Justin, Just In. OOOOOHHHHHH! I get it! Oh

"Ang corny" I commented at bigla syang napasimangot. Hehe. Cute

I noticed na may dala syang dahon ng saging with a rice and grilled fish on it. Alam kong inihaw kasi it's black and nakikita pa yung usok from it. Parang kakaluto lang.

Lumapit sya sa akin at ibinaba yung hawak nya sa harap ko. Anong gagawin ko dyan? I looked up at him and he gave me a smile. "Kain ka na. Hindi pa tayo makakauwi sa isla kasi malakas ang ulan. Baka kainin lang tayo ng dagat"

Tinalikuran nya ko agad kaya nakatitig lang ako sa likod nya hanggang sa makalabas sya ng kwarto. Pagkasara nya ng pinto, napatitig ako sa foods na binigay nya.

I just stared at the food for almost I don't know how long. Dito ba kami magdamag? Kasi just by looking outside, feel ko matagal tagal bago huminto ang ulan. Dito lang ako sa maliit at madilim na kwarto na'to with five strangers outside? Wtf

Bahala na. Nagugutom narin kasi ako eh. Wala naman siguro tong lason no? Kung gusto nila akong patayin, hindi na nila ako dadalhin dito, diba? Inamoy amoy ko yung food. Mabango naman eh. Kumukulo narin tyan ko nung inamoy ko!

Okay fine dahil gutom ako, I will eat this. Bahala na si Batman.

---

"Oy gising" Nakarinig ako ng boses kaya napadilat ako bigla. Nakatulog ako? Napaupo ako at saka tiningnan yung food. Naubos ko pala! Gising pa naman ako kaya alam ko na ngayon na walang lason. Thank god!

"Anong iniisip mo dyan?" Napatingala ako dahil sa masungit na tono ng boses na yon. I rolled my eyes when I saw Josh. Sa dami ng pwedeng gumising sa'kin, why naman po itong lalaki pa na'to?

"Pwede namang si Justin manggising sakin. Bakit ikaw pa?" Hindi ko rin inexpect na masasabi ko yan pero keri lang. Nasabi ko na eh. Di ko naman na yun mababawi. Nakakunot na kasi yung noo nya.

He rolled his eyes, "Bumangon ka na dyan! Oh!!" after he said that, may binalibag syang jacket sa mukha ko. What the hell?! Napakabastos!!!

I glared at him pero hindi man lang nya ako tiningnan. "Isuot mo yan. Aalis na tayo. Dalian mo"

Tinalikuran nya ko bigla kaya ibabalibag ko sana sakanya yung jacket pero I can't kasi ang soft at parang ang sarap suotin. Mabuti naman naisipan nya akong bigyan kasi konting konti nalang, I'm freezing to death na. Mamamatay na ko dito.

Whatever, sinuot ko tong binigay nya and napahinga ng maluwag dahil nabawasan ang lamig ng katawan ko. As Josh told kanina, nagmadali na kong lumabas at naabutan silang lima na nakatayo lang while talking. They suddenly stop nung makita akong lumabas.

"Aalis tayo ng gabi?" Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Tama nga ako, kubo lang yung tinuluyan namin kanina, madilim pa dito sa labas at huminto narin ang ulan.

They didn't even answer me pero nginitian ako ni Stell and Justin, not sure kung tama akong yung Stell yon pero napansin ko kasi yung nunal sa gilid ng pisngi nya.

Ken (?) and Pau (?) start to walk papunta sa isang bangka. Bangka? Lumakad si Josh at akala ko babalik sya sa loob pero tumayo lang sya sa likod ko.

Yes I'm observing every move they make. Kapag may nakita akong suspicious, I won't hesitate to run.

Saan ba kami pupunta? Ayoko namang maiwan dito kasi feeling ko walang tao dito eh. Kami lang yata.

Inalalayan ako ni Justin pasakay ng bangka. Bahala na. Kung saan man ako dalhin ng mga to. I'm starting to trust Justin narin naman, but not full okay? Gusto ko lang yung way nya ng pakikipag usap sakin. Mabait sya

"Madaling araw na po. Tara na para maabutan natin ang ehersisyo sa umaga" sagot ni Justin kaya napatango ako. Gusto ko sanang tingnan kung anong oras na pero wala naman yung phone ko. Itatanong ko nalang siguro kay Justin mamaya.

Nang makaupo ako sa itinuro nilang pwesto, sumakay narin naman si Josh. And then Pau and Stell starts paddling. Napasign of the cross pa ko nung maramdaman ko ang pagshake nitong sinasakyan namin. Rold, guide me.

"Pre, di ka ba nilalamig?" Napalingon ako kay Ken at nakatingin sya kay Josh. Napatingin ako sa lahat at ngayon ko nga lang napansin na nakajacket pala kaming lahat except Josh. He's wearing a t-shirt.

"Hot na ko di na kailangan nyan. Hina nyo naman" four men with me laughed. Gusto kong tumawa dahil sa kayabangan nya pero napakapit ako sa inuupuan ko nung biglang umalog ang bangka. Omg

Nang huminto ang pag alog, I smirked and shrugged my head. "Masyadong mahangin. Whoooo" hindi ko naman sya tinitingnan pero ramdam kong may umiirap sakin. Haha.

Gumegewang gewang itong bangka kaya I can't help but to scream. "Ahh!" boat starts to shake ulit kaya napakapit ako sa laylayan ng jacket na suot ni Justin. Katabi ko sya

"Sakit sa tenga!" Reklamo ni Josh pero hindi nalang ako sumagot.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sana naman makarating na kami kasi nahihilo na ko! Gusto ko nang sumuka dahil sumasakit na tong tyan ko. Justin just looked at me at binalik rin naman agad ang tingin sa harap.

"Miss humawak ka ng mabuti. Baka mahulog ka dyan" Rinig kong sabi ni Pau kaya lalong humigpit ang hawak ko sa jacket ni Justin. Binibiro ba nila ako o real talk yon? Feel ko realtalk kasi konti nalang talaga mahuhulog na ko sa hilo. I want to throw up.

---

After how many hours and many attemp to throw up pero ayaw lumabas, nakarating kami sa isang isla. Malapit narin magliwanag kaya kita ko na yung mga puno sa taas ng mountain.

Huminto kami sa isang daungan and si Justin ulit ang tumulong sakin para bumaba naman. "Thank you" I said at tinanguan nya ko.

Naglakad na papunta kung saan man yung apat kaya sumunod kami ni Justin. Naglalakad kami sa buhangin and may naalala ako bigla.

"Justin. Hmmm. Yung phone ko?"

He confusiously look at me kaya napakunot din ang noo ko. "Phone? Ano ba yon?" Kinamot nya ang batok nya. Seriously?!

Hoy gagi wala bang phone dito? Nasa unang panahon ba ko?! We rode a boat na wala man lang makina tapos we're here at an Island na kubo kubo lang ang mga nakatayo. Nasa past ba ko?! Or nananaginip lang ako?!

Gosh!!! I need my phone! Seryoso ba sya? Hindi nya alam yung cellphone? Paano ko macocontact yung mga kaibigan and manager ko?! How will I contact my family and sabihan sila nung nasaan ako?

Nagloloading pa tong utak ko, iniwan na ko ni Justin. Nakatitig lang ako sa likod nya habang naglalakad sya palayo. Nilingon nya ko kaya tumakbo ako para sundan sya.

I need to find a phone. Asap

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now