Chapter 24

50 5 4
                                    

"Hawak ko na yung babae"

I want to shout pero pinangunahan ako ng luha ko. God! I missed his voice.

"Hawak? Gago ka ba? Anong hawak?!"

This man laughed at saka napailing. "Dumi naman ng isip mo, man. Nakuha ko na."

"Nakuha? Keith gago anong ginagawa mo?!"

"Putangina ano ba kasi tamang word?! Nasundo! Nasundo ko na!"

I leaned forward at hindi na napigilang sumingit sa usapan. "Hey. I tought he kidnapped me"

Natahimik ang kabilang linya at saka ako may narinig na tumatawa. "Sabi sayo, Josh eh. Siraulo yang si Keith" It was Stell. Tama ako! Nandito sila!

"Mukha bang kidnapper, ate Lyn?" Justin is laughing too. Namiss ko sila. Sobra sobra.

"Gago kayo umiiyak!" Keith said nang mapalingon sya sa akin. Pinunasan ko ang luha at sipon ko at saka hinampas tong nagdadrive. "Sobra kaba ko! Binangga at binuhat mo pa ko!"

Tumawa sya kaya napasandal ako sa sandalan ng upuan. Sobrang kinabahan ako nung binuhat nya ko! Ingat na ingat ako tapos bigla bigla akong tinapon dito sa loob ng sasakyan.

"Gago ka Keith dalian mo! Anong ginawa mo kay Donnalyn" rinig ko pa si Pau bago sila pinatayan nitong si Keith.

"Wag ka ngang umiyak! Naiiyak din tuloy ako!" Napatawa ako sa sinabi nya. He's kind naman pala. Mukha lang masamang tao dahil sa tingin at awra nya.

---

"Iwan na kita. Pasok ka lang dyan tapos akyat ka sa 9th floor. Room 143"

Napatango lang ako bago nya ko iwan. Sabi nya hindi na nya ko mahahatid kasi iniwan nya lang saglit ang trabaho nya para sunduin ako.

Napahinga ako ng malalim at napahawak sa tyan bago umakyat. Magkikita na kayo.

Sinunod ko ang sinabi ni Keith. Umakyat ako sa 9th floor at kabang kaba ako habang paakyat itong elevator.

Pagbukas ng pinto ng elevator, naglakad na ako habang nakayuko. Kailangan kong ikalma ang sarili ko bago kami magkita--

"Hey"

Napatigil ako sa paglakad nang marinig ko ang boses nya. Napangiti ako nang makitang nakatingin sya sa kamay ko. I'm gently rubbing my belly.

"Hmm" Tinanguan ko sya at napangiti nang maibalik nya ang tingin nya sakin.

"Hoy ano yan magtititigan lang ba kayo?" Napalingon kaming dalawa sa kakalabas lang ng pinto. "Baka gusto nyong pumasok? Wag kayo dito sa hallway magharutan" tumatawa pa si Stell habang niluluwangan ang pagbukas ng pinto.

Napatingin ako kay Josh nang lapitan nya ako at agad na binigyan ng mabilis na halik sa labi. Yieeeee. Hinawakan nya ang kamay ko at iginiya papasok ng unit nya.

"Ate Lyn!" Niyakap ako agad ni Justin kaya malapit nanaman akong umiyak. Namiss ko tong batang to! Pati si Stell, Ken at Pau na nakangiti lang sa akin habang nakaupo sa sofa.

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now