Chapter 22

46 3 4
                                    

Present

Napadilat at napaupo ako bigla. "You okay?" Rinig ko ang boses ni Zeinab at nakita ko syang nakaupo sa paanan ng kama ko. "Nahimatay ka nanaman. Akala ko ba okay ka na?"

Akala ko rin kaya pumayag na kong tumanggap ng guestings and shows. "Pinacancel na ni Marie yung guesting mo sana tonight."

Ah. Sayang yon. Ano ako ngayon, hihilata nalang dito?

"You should take a rest. Malapit nang magtag-ulan, paano ka na nyan?"

Iniwan nya ko rito sa kwarto kaya napahiga nalang ako ulit sa kama. Paano nga ba? Bakit tuwing umuulan at nakakakita ako ng dagat, nanginginig nalang ako bigla sa takot? Nilalabanan ko naman, kusa lang gumagalaw ang katawan ko at kusang nagiisip nang kung ano ano ang utak ko.

Sobrang lala ng trauma ko sa lahat ng nangyari sakin. Imbis na masayang memories ang maaalala ko kapag inaalala ko yung araw na yon, sobrang trauma ang inabot ko.

Bumangon ako sa kama para magbihis. 10pm palang pero matutulog na ko. Kesa naman makaisip nanaman ako ng something.

I took off my pants at may nahulog mula sa bulsa ko. Oh sht nakalimutan ko yung binigay ng lalaki sakin kanina.

I don't know why pero nakaramdam ako ng kaba habang pinupulot yung lukot na lukot na papel. I opened it and binasa yung sulat kamay na nakasulat don.

Miss you - JC

I smiled and my tears started to fall again. Lintik na luha. Miss you too, sobra. Hindi ko kilala yung lalaki kanina pero kilalang kilala ko yung initials na to. After 3 months, Josh. Finally

Nakuha ko agad ang phone ko sa tabing kama at itetext na sana sya but someone is calling. Si Marie

"Hello, Donnalyn? Buti naman gising ka na"

"Ah yeah. I'm fine na. Bakit ka tumawag?"

"Nakausap ko na yung agency for your last music video." Napahinga ako ng malalim sa sinabi nya. Oh, nakausap na pala nya.

"Anong sabi?"

"Syempre nagtatanong kung bakit last na. Wala naman akong maisagot kasi hindi ko rin alam. We need to know the reasons para mapag usapan namin. You're done na talaga sa career mo?"

"Yeah. Matagal naman na ko sa industry na to. May mga naipon narin naman ako. Tsaka I have something importang to do kasi"

"Importante? Ano yan? I'm your manager, you need to tell me para aware ako"

"Soon. I will tell you soon. Please pakiasikaso na para maishoot ko na siguro next week. This is my last mv, kailangan bongga" Natawa ako pero hindi man lang sya tumawa. Alam ko namang she's against it. Ayaw nya kasi kung kailan bumalik ako, tsaka ko bibitawan yung trabaho ko. Pero kailangan kasi.

"Last? Last mv?" Napatingin ako sa likod ko at nakita si Zeinab na hawak ang doorknob ng pinto. Uh-oh

"Basta pakigawa yung plans. Bye, Marie." Binaba ko ang phone kasabay ng paglapit sakin ni Zei. Kinakabahan ako! Hindi ko talaga alam kung paano sasabihin sakanila kaya hanggang ngayon hindi ko pa nasasabi.

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now