Chapter 18

51 5 6
                                    

"Careful, madulas" sabi nya tsaka inabot ang kamay nya sakin. Kinuha ko yon and nagpahila ako sakanya paakyat.

"Ang aga pa gusto ko pa magbabad!" Reklamo ko. Kanina pa ko nagrereklamo kasi isang oras palang naman kaming nagbababad, nag aya na syang umalis. Bumyahe kami ng magdamag para lang magbabad ng isang oras? It doesn't make sense!

Nang makarating kami sa kotse, basang basa parin kami. Wala kaming dinalang damit kaina kaya bumalik kami ritong basang basa.

"May space sa likod, magbihis ka baka magkasakit ka sa lamig" binuksan nya ang likod kaya napatulala ako ron. Hala ang ganda! May dim lights sa likod tapos ang laki ng space! May nakalatag din na foam at maraming unan.

Nilingon ko sya agad. Nakatalikod na sya kasi sabi nya dito raw ako magbibihis. "May tulugan naman pala dito, dapat dito nalang ako natulog kagabi habang nasa byahe!"

He laughed and tapped his shoulder. Napailing nalang ako nung nagets ko. Crush talaga ako nito eh. Gusto pa nyang nangangawit para lang matulog ako beside him while he's driving. Hindi naman ako magrereklamo kung gusto nya ng ganon.

Anyway, nagbihis lang ako tapos sumakay na kami ulit sa harap. "Uuwi na tayo sainyo?"

"We're going to the beach"

"Where are we going?" Kinanta ko then clapped my hands. He laughs at inistart ang engine before sya sumagot. "To the beach!"

---

Anong ganap? Wala naman. Nagbyahe kami ng ilang oras at naenjoy ko yung byahe kasi kitang kita ko na yung view sa dinadaanan namin. Madilim kasi kagabi at nakatulog ako.

"So maggagala lang tayo?" I asked kaya tumango sya. "Buti naman akala ko mapapaaga pag-alis ko"

He again held my hand kaya napatingin ako sakanya. "Mapapaaga nga"

"Ha?"

"Uuwi ka na bukas. Napaaga ng ilang araw. I don't know why. But yeah, you're going home tomorrow"

No.

---

Naging tahimik kami sa byahe after nyang sabihin sa aking uuwi na ko bukas. Binilang ko yung araw, 4 days pa sana ako rito! Hindi pa ko ready. Bakit bukas agad?

"Anong iniisip mo? Tahimik mo ah"

Napalingon ako sakanya pero nabalik din naman sa labas. Marami akong iniisip, Josh.

"Hey, Josh. Hmm. Pigilan mo naman akong umalis" Maybe mukha akong desperada sa itsura ko ngayon but wala akong pakielam. I can't think straight nanaman. Kailangan ko ng siggestion nya and nagwewait lang akong sabihin nyang wag akong umalis, di talaga ako aalis.

"You should leave. Masyado ka nang matagal dito"

"Pero---" pero ayoko kayong iwan dito. Sobra na kong aattached sayo/sainyo, parang ayoko na kayong iwan.

"No buts."

"Hindi pa ko ready"

"Kaya nga kita dinadala rito para maiready mo yung sarili mo. Wag kang masyadong mag-isip. Lahat kami gusto kang makauwi. Yun ang original plan kaya we need to stick with it"

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now