Chapter 3

59 6 10
                                    

Nakasunod lang ako kay Justin habang naglalayag ang isip ko. "Dali! Nagsisimula na ang ehersisyo!" Bigla nyang sabi sabay takbo kaya napatakbo rin ako kahit di ko sya gets.

While running, may papalakas na tunog akong naririnig. Omg there's speaker! May speaker dahil ang lakas lakas ng tunog! Nagkaroon ako ng pag-asa na makakahanap ako ng phone.

Kailangan kong manghingi ng tulong para masundo nila ako rito.

After seconds of running, nakarating kami sa isang basketball court. May matatanda at bata na nagsasayaw sa court habang tumutugtog ang speaker. Budots pa nga

"Zumba?" Tanong ko sa katabi ko pero umiling sya. "Ehersisyo"

Diba same lang yun? May tugtog and pangzumba yung steps nila, Zumba to!

Pumunta si Justin sa court habang hatak hatak ako. Why? "Ehersisyo" sabi nya ulit tapos biglang sumayaw. Wth?

Tinanguan nya ko kaya napatitig ako sakanya. Biglang lumakas ang music kaya hindi ko napigilang magheadbang ng konti. Sumayaw sya with bigger steps kaya napaindak din ako dahil palakas nang palakas ang tugtog.

Sht my dancer side wants to dance dahil sa tugtog pero pinapangunahan ako ng hiya. "Ayan. Sige! Go!" Justin shouted at hinawakan pa ang dalawa kong kamay.

I gave up. I can't control my body. Music starts to control my body instead.

"Hahahahahahahaha" busy akong makipagsayaw kay Justin pero when I heared laughs from familiar voices, napatigil ako bigla. Oh shiz

"Ano yan, sexy dance?" Ken is laughing pero naintindihan ko yung sinabi nya. I just glared at him at iniwan si Justin doon sa court. Nawala ako sa mood sumayaw. Putek. Nahiya ako bigla!

Lalo akong nahiya kasi napapansin ko yung mga tao dito na nakatingin sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Bigla akong napasuklay sa buhok ko kasi naalala kong hindi pa ako nagsusuklay! Omg wala rin nga pala akong make-up!

Pinagtitinginan ako ng mga tao nagsasayawan sa gitna kaya parang naging uncomfy ako. Bare faced ako right now. Wala akong kaayos ayos. I'm not confident para humarap sa ibang tao nang walang kaayos ayos at make-up.

Lumapit sa akin si Justin and the four other guys. Mukhang tapos na ang morning exercise nila kasi nagstop narin ang music.

"Justin, wala kayong phone pero may speaker kayo rito?"

We started to walk narin at hindi ko alam kung saan kami pupunta. "Ah yung speaker? Dala yan ng mga doktor na nagboboluntaryo dito. May mga music tapes din silang binigay yun yung pinapatugtog doon tuwing umaga. Para sa kalusugan"

Napatango nalang ako. So may mga volunteered doctors na pumupunga dito for medical mission?

Nilapitan ko si Pau at kinalabit, "psst Pau?"

Tinaasan nya ko ng noo, "bakit?"

"Yung phone ko?"

"Wala ka namang phone na kasama nung nalunod ka" napahinto ako sa paglalakad sa sinabi nya. I saw a girl na naglalakad malapit sa mga gamit ko while I'm drawning. Malamang, hindi ko hawak phone ko kasi nakababa doon sa buhangin.

I'm starting to lose hope. Hays

Pero bakit si Justin, di alam yung phone tapos si Pau, alam naman nya? So wala ako sa past.

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now