Chapter 23

50 4 2
                                    

"Here. Ito na yung swimsuit" inabot sa akin nung stylist ko ang swimsuit na isusuot ko for today's shoot. Nagbihis naman ako agad sa dressing room at sandaling tinitigan ang katawan ko.

"Good." Tinanguan ko pa ang sarili ko bago lumabas.

Nagstart kaming magshoot at naging maganda naman ang mga nakuhang shots. "Okay! Mamayang gabi ulit" sigaw ng co-director ko kaya nagbihis ako agad ng damit. Magshushoot kami mamayang gabi para sa dark scene sa bandang dulo ng mv.

Sobrang pagod ko pero okay naman. "3pm palang" Marie said paglabas ko ng dressing room.

"Aalis muna ko" aalis na sana ko nang hawakan nya ang braso ko. "Why?"

"Sama. Hindi ka pwedeng gumala nang ikaw lang mag isa. Baka dumugin ka"

Napailing ako at sinuot ang cap at mask ko. "Hindi yan. Don't worry mag iingat naman ako"

Wala syang nagawa nang iwan ko sya ron. Maggagala lang naman ako saglit sa mall para magtanggal ng pagod. Stress reliever ko ang pagshashopping.

I parked my pink sports car sa parking at dun na dumaan papasok ng mall. Kailangan ko ring bumili ng gift for Zebby and Jelai kasi may plano kaming magkita bukas.

Nandito ako ngayon sa men's wear dahil sasama daw si Dj bukas, boyfriend ni Zeinab. Magvavlog kami at syempre di pwedeng mawalan sya ng regalo dahil friend ko rin naman sya.

"Bagay naman kuya, diba?" Napalingon ako sa likod ko nang makarinig ng pamilyar na boses.

"Oo nga" sagot ng isang lalaki rin na pamilyar ang boses. Is that Jah and Pau? Narinig ko sila, di ako pwedeng magkamali!

I saw two familliar back kaya napatakbo ako ng maingat to follow them. Palabas na sila ng store kaya hanggat maaari ay binilisan ko ang takbo.

"Ma'am" napatingin ako kay kuya guard nang harangin nya ko. Tinuro nya ang kamay ko at hawak ko pa pala yung tshirt na tinitingnan ko kanina. "Hindi pa po bayad yan, ma'am"

Inabot ko sakanya agad yon at saka napalingon sa labas ng store. "Sorry kuya. Babalik nalang ako."

Napatakbo ako palabas pero hindi ko na sila makita. Sila ba yon? Namamalikmata lang ba ako? Kaboses nila! Kilala ko rin ang mga likod nila!

Inabot yata ako ng kalahating oras sa paghahanap sa buong mall pero wala akong nakita. Napahawak ako sa tyan ko nang kumulo yon. Shocks nagugutom ako!

Napaliko ako sa cr para magpunas ng pawis. Hindi ko pwedeng tanggalin ang mask at cap ko sa labas kasi baka may makakilala sakin.

Nagreretouch lang ako rito at thank god, walang tao, ako lang.

"Dalian mo naman, Ken!" Napatingin ako agad sa likod nang marinig ang boses ni Stell. Oh my god! Si Stell yon! Di ako pwedeng magkamali!

"Ito na nga oh!" Narinig ko ang boses ni Ken kaya lalabas na sana ako ng restroom pero may biglang pumasok na babae. Napabalik ako sa tapat ng sink at sinuot ang mask at cap ko to cover my face. After non, tumakbo na ko palabas.

I saw two men walking palayo sa akin at agad ko silang hinabol. "Stell!"

Hindi sila humarap kaya hinawakan ko si Stell sa likod. Napabitaw ako agad nang makitang hindi si Stell yon. "Miss?"

Gone? (JoshLyn) BOOK 1Where stories live. Discover now