Chapter 2

46 11 0
                                    

Isang imbitasyon ang natanggap ng lahat ng mga bagong bayani ng Etherea mula sa hari ng Lucien Empire. Tungkol iyon sa gaganaping pagdiriwang sa pagbabalik ng salamangka ng Endoras sa Sagrada Castalia.

Tuwang- tuwa si Kick nang marinig ang tungkol sa imbitasyon. Mukhang magsasaya siya sa isiping paliligiran siya ng naggagandahang mga babae. Ngunit ang imahinasyong iyon ay biglang gumuho nang marinig niya ang tungkol sa ikalawang sulat. Mula iyon sa kanilang bayan, sa hari ng Gabrelius. Tungkol iyon sa pagderetso nila sa isang misyon patungo sa Owl City dahil sa banta ng mga rebelde sa lungsod na iyon.

"Makakapagsaya pa ba tayo? Misyon agad ang sumasalubong sa atin," ang reklamo ni Kick na mukhang nasira ang magandang mood ng gabing iyon.

"Wala tayong magagawa. Mga bayani na tayo at may sinumpaan tayong tungkulin," ang tugon ni Silver na ipinasa kay Fang ang imbitasyon mula sa Emperador at ang liham mula sa Hari nila.

"So what's our plan?" ang tanong ni Kick na napakurap na lamang matapos matagpuan ang sarili mula sa mahabang pagkakatulala ng mapagtanto niyang ni isa ay walang pumunta sa kanila para sa pagdiriwang sa palasyo ng Lucien Empire.

Hindi matanggap iyon ng kan'yang munting isipan kaya't nagsisigaw siya upang mabulabog ang mga kasamahan niya. Ngunit isang malakas na sipa mula kay Fang ang natanggap niya na nagpasungasub sa kan'ya sa sahig. Pinagbantaan pa siya nito na kapag hindi nanahimik ay makararating siya sa impyerno. Parang tuta na nanahimik si Kick nang marinig iyon. Wala siyang magagawa kundi ang sundin ang kagustuhan ng karamihan sa kanila.

Mahimbing na ang lahat. Kahit si Kick na kanina lamang ay nagrereklamo ay mahimbing nang natutulog.

Nang biglang mapabalikwas si Silver sa kan'yang higaan. Panaginip. Nanaginip na naman siya. Ang araw na iyon. Ang gabing iyon ay naging maliwanag sa kan'yang alaala.

Ang Prinsesa ang nakalaban niya ngunit hindi niya sigurado kung may alam ba ang unang Prinsesa na siya ang lobong iyon.

Binuksan niya ang double door na yari sa kahoy na may magandang pagkakalilok, patungo sa balkonahe. At doon ay kumawala ang malakas na hangin na dumampi sa kan'yang balat.

Madilim pa ang paligid at maririnig pa ang ingay sa pagdiriwang sa palasyo. Mukhang napakalaking bagay ng pagbabalik ng Endoras sa kanila.

Napangiti si Silver nang bigla na lamang kumawala ang isang mahinhing pagtikhim mula sa lalamunan ng kung sinong nasa kabilang balkonahe sa tabi ng kwarto nila. Dahan- dahang nawala ang ngiting iyon nang makita ang unang Prinsesa.

"Hindi ka rin pumunta sa pagdiriwang?" Ang tanong ni Silver sa kan'ya na para bang nawala na ang pagkainis niya sa Prinsesa.

"Kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong mo?" Ang iritableng tanong ng Prinsesa.

Napangiti naman si Silver sa naging sagot niya. Tila isang mailap na hayop ang kaharap niya.
"Pwede mo namang sagutin ng matino. Bakit talagang gan'yan? May mga magulang ka naman, kaya siguro naturuan ka nila kung paano rumespeto," ang sagot niya na hindi na ganoong masama ang loob sa Prinsesa hindi kagaya noong una.

Malinaw pa sa kan'yang alaala ang mukha nito noong araw na pasukin nito ang existence niya. Nagpapasalamat siya at tinulungan siya nito kahit na alam niyang hindi naging maganda ang kanilang mga engkwentro.

"Ibinibigay ko lang ang aking respeto sa mga taong deserve na makatanggap nito. Hindi ko iyon basta ipinamimigay," ang sagot niya.

Muling napangiti si Silver na siya namang nakapagpataas ng isang kilay ni Saber.
"Kung gano’n, marami pa pala akong dapat gawin para mabigyan mo ako. Susubukan ko, para makuha ang respetong iyan, Saber," ang wika ni Silver na nakapagpaharap sa Prinsesa.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now