Chapter 20 (The Bad Cat)

22 6 0
                                    

Sinisipat ng mga mata ni Silver ang nanahimik na bayani mula sa Aslan. Hindi niya alam kung dahil ba sa sinabi niya sa Ginoo ay magkakaroon ng pagbabago sa hinaharap.
“Bahala na,” ang naturan niya sa kan’yang isipan nang lapitan siya ni Prinsesa Saber.
“Saan ka nanggaling?” ang tanong niya.
“Pinanood ko ang operasyon na ginagawa nila Professor Techno kanina.” ang sagot niya nang mapansin ang sugat sa kaliwang kamay ng Prinsesa.
“Anong nangyari d’yan?” ang tanong niya sabay hablot ng kan’yang kamay na ikinabigla ni Saber at awtomatikong nagpalapat ng kanang kamay niya sa pisngi ng kawawang binata.
“Ano bang problema mo?” ang may inis na naisambulat niya ng mabigla sa sampal ba mainit- init pa sa kan’yang pakiramdam.
“Nabigla ako. Basta mo na lang akong hinawakan!” ang namumulang sagot niya. Nararamdaman pa niya ang kakaibang init sa kan’yang mukha at tenga.
“H’wag kang over acting d’yan.” ang nawika niya at saka may kung anong dinukot sa kan’yang bulsa. Isa iyong maliit na ointment na ibinigay pa sa kan’ya ni Healer para sa tuwing magkakaroon siya ng mild wounds or burns ay magagamot niya ito. Marahan niyang inabot ang kan’yang kamay at pinahiran ng ointment. Napatitig naman si Saber sa kan’ya habang ginagawa iyon. Naalala niya si Admiral Argyros na ganoon rin kung mag- alaga sa kan’ya. Si Argyros na hindi nawawaglit sa kan’yang isipan kahit na nasaan siya.
“Tama na,” ang sabi niya sabay hatak sa kan’yang kamay mula sa binata. Natigilan si Silver nang maalala niyang ang unang Prinsesa nga pala ng Gabrelius ang hinahawakan niya. Ano bang karapatan niyang lapitan o ang mahawakan siya. Humingi na lamang siya ng tawad at saka ibinigay sa kan’ya ang ointment na madaling nagpapagaling ng sugat o paso.

Dumating na rin ang ilang mga tao ng Horatius upang maglinis at tumulong sa pagkukumpuni ng mga nasirang establisyemento sa lugar ng pag- atake ni Guiness. Tumulong na rin si Silver at ang ibang mga bayani ng makita ang masisipag at masayahing mga tao ng Clock City. Nagbuhat ng semento si Aegir at Fjord na halatang nagpapayabangan sa bilang ng semento na kanilang buhat- buhat. Si Silver bumuhat ng dalawang sako ng semento mas maliit sa bilang ng bitbit nina Fjord at Aegir ngunit kapansin- pansin siya sa kadalagahan ng Clock City lalo na’t nakikita ang magandang hubog ng kan’yang katawan dahil sa pagkasira ng kan’yang kasuotan sa naging laban nila kanina.

“Hindi ka ba nagseselos? Tinitilian ang kasintahan mo.” ang panunukso ni Delmira kay Prinsesa Saber na pinamulahan kaagad ng pisngi.
“Lady Delmira, nagkakamali kayo!” ang pag- angal niya na lalong nagpatingkad ng ngiti sa labi ni Delmira. Kahit na ipilit niyang walang namamagitan sa kanila ay hindi ito paniwalaan ng magiting na bayani.

Samantala isang lalaking patpatin ang siyang nagpakitang gilas at siyang bumuhat ng anim na semento sa kan’yang balikat, “Hindi mo dapat ginagawa iyan Cross.” ang pagpuna sa kan’ya ni Roald na hindi man lang niya pinansin.

“Bakit di mo na lang siya hayaan. Hindi na batang alagain ang tagapagmana ng Topaz City.” ang makahulugang nasambit ni Aegir na natigilan nang ibagsak ni Cross ang anim na semento sa lupa. Napahanda naman ng paghugot ng espada si Roald na siyang nagbigay ng takot sa ilang mga nakasaksi.
“Itigil mo iyan Roald.” ang utos ni Cross sa kanang kamay niya.

“H’wag kayong magalit. Ganoon talaga. Minsan ay masakit ang katotohanan.” ang banat pa ni Aegir na siyang dahilan kung bakit siya siniko ng pinsan niya.
“Masyadong matabil ang dila mo Aegir. Bakit hindi na lang natin ito tapusin. Puro ka yabang wala ka namang galing.” Insulto iyon para sa isang Aegir Blackbeard. Alam ng lahat na hindi iyon palalampasin ni Aegir kaya napatakbo ang ilan sa mga tao. Mariin naman siyang hinawakan ng pinsan niyang si Fjord.
“H’wag kayong mag- alala... Hindi ko papatulan ang mga latak ng Topaz City.” isang salita na tila pumunit sa natitirang dangal ng isang Cross Archer at Roald Redbear. Mga salitang mas mapanira pa kaysa sa kahit na anong kapangyarihan. Mga salitang kayang magpabago sa kasalukuyan at ang magiging mitsa ng mas malaking kaguluhan sa hinaharap.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon