CHAPTER 26

15 2 0
                                    

[Trip to Palcrow]

Naselyuhan na ang pagpupulong. Ang grupo na binuo para pagtibayin ang alyansa ng mga bayani laban sa Amaris ay sisimulan na.

Sa utos ni Gilford, ay tutungo ang unang grupo sa Palcrow, ang City of Crows, ang bayan na pinagmulan ni Clay Griffin.

Itinalaga ni Gilford si Reaper para maging Captain ng grupo at Vice Captain si Monkie, nang piliing tanggihan ni Fang ang posisyon at imungkaheng ang Ginoo mula sa Ape Guild, ang nararapat sa nasabing puwesto.

Ibinaba niya ang kan’yang pasya at sinang-ayunan ang mungkahe ni Fang subalit nagbitaw ng isang desisyon na hindi mananatili ang kasalukuyang Kapitan at Bise Kapitan.

“Ang bawat isa ay may kakayahang maging lider. Hasain ninyo ang katangiang nararapat sa isang pinuno habang kayo ay nasa gitna ng misyon,” aniya. Tila hindi isang bata ang kausap nila. Ang kan’yang isipan ay nasa lebel na ng isang hari.

Sa direksyon ng dalawang makisig na lalaki mula sa magkaibang Guild at magkaibang paniniwala, ang gulong ay iikot na.

Humuhuni na ang mga maya at ang ilan sa mga taong pinili para sa misyon ay nakahanda na.

Inilibot ni Fist ang kan’yang paningin sa mga unang grupo na naroroon na. Alam niyang sa loob-loob niya ay namangha siya, dahil ang grupong iyon ang isa sa pinakamalakas na binuo ng Asthoria.

“Ang lakas ng unang grupo,” ang saad niya sa unang prinsesa na kanina pang nananahimik sa sulok habang iniintay ang kanilang makakasama sa ikalawang grupo.

Ngunit walang kahit na anong salita mula sa prinsesa ang narinig niya. Isang patunay na sinasang-ayunan niya ang kan’yang opinyon.

Ni hindi siya pinipigilan sa kung paano niya purihin at ilarawan ang bawat isang bayani mula sa karibal na Guild.

Sina Reaper at Monkie na nagmula sa magkaibang Guild at hindi maitatanggi ang kabihasaan sa paggamit ng kanilang kapangyarihan.

Si Fang ang lider ng Wolf Guild na may itinatago pang galing na hindi pa nalalantad sa lahat. Alam niyang may kakaiba sa kan’ya. Tila may lihim siyang itinatago sa lahat ngunit hindi pa siya makapagbitaw ng salita dahil hinala pa lamang iyon.

Ang genius na si Zero mula sa parehong Guild na nasasakupan ni Fang. Isang prinsipe mula sa ibang bayan at hindi matukoy ang tunay na pakay.

Sina Freeze at Death, mga misteryosong baguhan na nagpamalas ng galing sa Annual Guilds Battle.

Si Radar at Zorro na ngayon pa lamang nagsisimulang ipakita ang mga tunay na kakayahan.

At higit sa lahat ay si Silver. Ang interesanteng flair seeker na tila isang bulalakaw na bigla na lamang bumulusok sa pambihirang oras at pagkakataon.

“Wait there’s another one. . . But nevermind,” ang nawika ni Saber na nawalan ng gana nang mapatingin sa isang miyembro ng Wolf Guild na ni minsan ay hindi niya kinakitaan ng kahit na anong galing sa pakikipaglaban, si Kick.

“He’s the joker,” ang nasambit ng ikalawang Prinsesa ng Gabrelius kasabay ng maugong na pagkalembang ng kampana mula sa cathedral ng Gabrelius.

Sandaling natahimik ang dalawa sa salitang binitiwan niya. Naging seryoso ang mukha nila ngunit binasag ng pagtawa ni Fist, at Aire na nakikinig rin pala sa kanilang pag-uusap.

“I won’t argue with you. He looks funny, and. . . he really is!” Aire giggled.

“Puro kayo kalokohan,” ang saad ni Saber na tinitigan ng matiim si Kick, pagtitig na may halong pagdududa. Subalit kaagad niyang ibinaling  sa iba ang paningin niya sa nasabing bayani, nang mahagip ni Silver ang kan’yang kumakastigong mga mata.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now