Chapter 12

22 5 1
                                    

Isang patpating binata na may blangkong mga mata ang lumapit sa kanila upang alamin ang kalagayan nila.  Napalunok pa nga ng laway si Silver ng makita ang haring malayo na ang naging hitsura sa nakaraan niya. 

"Nasaktan ba kayo?" ang tanong ni Cross Archer na may malumanay na tinig ngunit nakakikilabot ang presensya. Tila isang  sisidlang walang laman. Isang hungkag. Nauutal na sinagot iyon ni Silver, "H'wag po kayong mag-alala Ginoo. Hindi po ako nasaktan." ang sagot ni Silver nang may paggalang.

Nakita niya ang pag- ismir ng Admiral na kasama niya. "Maayos naman pala siya, Cross. Tara na. Nagmamadali tayo hindi ba?" Ang sabi ni Admiral Redbear. May kayabangan at pagka- arogante na simula't sapul kahit mababa pa lamang ang ranggo nito.

"Sinisigurado ko lamang na maayos ang kalagayan nila. Bayani tayo kaya dapat tayo ang pagmulan ng kaligtasan, hindi tayo ang pinagmumulan ng kapahamakan nila." Ang sagot ni Cross na itinuon ang paningin sa Admiral na kasama niya na napahalakhak pa sa naturan ng patpating bayani.

"Kakasama mo iyan sa lobong iyon. Para kang baliw Cross," Ang sabi niya at saka umakyat pabalik sa loob ng karawahe.

Ibinalik ni Cross ang paningin niya sa dalawang taong nasa harapan niya at bahagyang ngumiti ang kan'yang labi ngunit nanatili ang kan'yang mga matang tila kawalan at walang kinang.
"Ipagpaumanhin ninyo ang asal ni Roald. Mabait iyan, napagod na nga lamang sa trabaho." Ang sabi ng binatang si Cross Archer. Pagkatapos ay inilahad ang kan'yang palad sa binatang noon pa lamang niya nakilala.

"Mabuti at walang nangyari sa iyong masama, pero sa susunod ay mag- iingat ka, Ginoo. Hindi natin alam kung kelan darating ang kapahamakan." Ang paalala pa ni Cross na sinagot lamang niya ng pagtango at pag-ngiti.
Nagpaalam na ang patpating binata na siyang magiging hari sa hinaharap ngunit napansin ni Silver ang paglampas sa kan'ya ng babaeng nakasuot ng balabal, maging ang dala nitong bagay na inilabas na niya. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ng babaeng iyon upang pigilan siya sa kan'yang binabalak. 

"H'wag mo akong pigilan," ang halos pabulong na sagot ng dalaga sa pagpigil sa kan'ya kaya napaharap sa kanila si Cross na noon ay napatigil sa pag- salta niya sa karawahe, "May problema ba?" ang tanong ni Cross sa kanila ngunit mabilis na sumagot si Silver at ibinigay ang kan'yang pamamaalam sa Ginoo.  

Pagkatapos ay hinarap niya ang babaeng nakasuot ng cloak at nag-ligtas sa kan'ya. Pinasadahan pa niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa bago nagsalita.

"Bakit mo nagawa ito?" Ang tanong ni Silver na tila ba kilala na niya ang kan'yang kaharap. Halo- halo ang emosyon na dumadaloy sa kan'yang sistema. Galit; saya; pagkalito. Hindi niya maipaliwanag kung paano nangyari? Kung paanong nagawa niyang lokohin siya, na itinuring niyang nag-iisang kaibigan. Napadako pa ang paningin niya sa kamay ng babaeng kaharap niya. Muli niyang nakita ang tattoo ng yin at yang sa kan'yang kamay. Isang patunay na hindi siya nagkakamali sa kan'yang kutob. Mabilis naman iyong tinakpan ng babaeng nakasuot ng cloak ng mapansin nito ang pagtitig ni Silver sa kan'yang tattoo.

"Seren." ang nasambit ni Silver na siyang naging dahilan upang tigilan na niya ang pagkukubli sa kan'yang tattoo. Napaatras siya upang ihanda ang sarili sa pagtakas niya mula sa nag-iisang kaibigan niya ngunit natigilan siya ng marinig ang mga salitang iyon mula sa kan'ya. "Pagtakas ba ang solusyon na naiisip mong gagamot sa sakit ng mundo ito?" ang naging tanong ni Silver na humakbang ng isa papalapit sa kan'ya na tinugon naman ni Seren ng isang malalim na pagbuntong hininga, "Hindi ako tumatakas," Ang naging sagot niya at saka marahang itinaas ang talukbong ng kan'yang balabal na nagsiwalat sa mas nangangayayat niyang mukha. Nahalata iyon ni Silver na napabuntong- hininga sa nakitang pagbawas ng kan'yang laman na makikita kaagad sa kan'yang mukha, bagaman ay hindi nabawasan ang kan'yang kagandahan ay nag-aalala siya kung nakakakain ba ito ng maayos sa poder ng mga taong pinili niyang samahan.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon