Chapter 3

32 9 0
                                    

Pilit na itinatanong ni Kick kung ano ba ang nakita ni Silver sa rooftop ng gusali. Pero dahil sa kakulitan niya ay sinabi na lamang niyang pusa ang kan'yang nakita sa itaas. Hindi rin naman niya gustong mapahamak ang mga bata kung sakaling malaman ni Kick ang katotohanan.
Magkita lamang sila ulit ay sisiguraduhin na niyang matutulungan na niya ang mga ito.
Inilibot niya ang paningin sa paligid. Masyadong mahangin sa buong syudad at nadadala nito ang makakapal na alikabok sa paligid at maaaring mga mikrobyo. Marumi at makalat rin ang paligid na siguradong dahil sa mabilisang paglikas ng mga tao ng marinig ang banta ng rebelyon.
Inakyat nila ang isang gusali na tila tore ang taas. Mula sa hagdanan paakyat ay makikita ang buong syudad. Walang buhay ang lugar at kapansin- pansin ang mas makapal na usok at alikabok. Mas matindi pa iyon sa gitna ng syudad. Sa tingin ni Silver ay magkakasakit ang mga mamamayang nananatili sa lugar na iyon. Hindi lang sakit sa baga at maaaring sakit rin sa balat. Naalala muli niya ang dalawang bata. Siguro'y sa kapaligiran nila ngayon, ay doon nila nakuha ang sakit nila sa balat.

Muli silang nagpatuloy sa pag- akyat sa tore at naabutan ang isang matanda na halos kuba na at ang isang lalaking hindi pa gaanong katandaan. Nakakunot ang kilay ng mas batang lalaki at nakasimangot ang kan'yang mga labi na napalilibutan ng balbas. Naaalala pa ni Silver ang ganoong ekspresyon. Iyon ang palaging sumasalubong sa kan'ya noon tuwing umaga sa panederya. Iyon ang ekspresyon na ipinapakita sa kan'ya ni Mang Ben upang maiparating sa kan'ya na hindi nito gusto ang presensya niya. Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. Hindi niya maintindihan na sila na ang tumutulong ay mukhang wala ang buong tiwala nito sa kanila.

"Pumasok muna kayo sa loob," ang paanyaya ng matanda sa kanila kaya naman sumunod ang grupo nila sa loob. Hinainan sila ng kaunting biskwit at tsaa na kaagad na linantakan kaagad ni Kick dahil nagwawala na ang kan'yang sikmura. Bahagya pa nga siyang siniko ng katabing si Zorro dahil napakasiba nito. Ni ayaw magpakipot sa harapan ng pagkain.

"Ano ba? Nagugutom ako e," ang sabi ni Kick na nakapagpahalakhak sa matandang kaharap ngunit lalong nagpakunot sa kilay ng anak nito.

"Pasensya na kayo, masiba ho talaga ang isang ito," Ang paghingi ni Fang ng paumanhin sa matanda. Pero sumenyas lamang ito na okay lang. Hindi iyon malaking bagay sa kanya. Matapos ay naging seryoso na ang kanilang usapan ng sumingit na si Jahleel.
"Ano bang plano ninyo para masiguradong mapoprotektahan nyo ang lungsod namin? Ano ba ang kaya n’yong gawin?" Ang tanong nito na nakapagpaseryoso sa mga kabataang nasa harap niya.

"Marami kaming kayang gawin. Mga baguhan pa lamang kami pero huwag ninyong maliitin ang mga kakayahan namin," ang sabi ni Fang na hindi nagustuhan ang tabas ng dila ng kausap nila.
Napataas ang kilay ng anak ng pinuno ng lungsod.

"Patunayan ninyo. Hindi kami magbabayad kapag wala kaming nakitang magagawa ninyo," ang sabi nito na lalong nakapagpaseryoso sa mukha ng mga kabataang bayani. Ngunit isang ngiti ang sumilay sa sulok ng labi ni Fang. Isang dating gawi ang pumasok sa kan’yang isipan, isang bagay na hindi na yata maaalis dahil nakasanayan na niya, ang sugal.
"Sige. Pero kapag may nakita kayong magagawa namin at pagbabago, dodoblehin ninyo ang bayad na itinalaga ng Kanaloa," Ang sabi ni Fang sa kanila na ikinagulat ng dalawang matanda na kausap nila.

"Hindi kami mga bayaning mangmang. Marunong kaming makipag- areglo. Tamang pakikitungo, tamang pagtrato. Tamang usapan, tamang trabaho," Ang sabi pa ni Fang na ipinatong ang dalawang paa sa lamesa at pinag- ekis pa ang mga ito.

Pumayag si Jahleel sa kasunduang inihain ni Fang kahit naging tutol ang ama nito dahil kumpyansa siyang walang magagawa ang mga ito katulad ng ilang bayani na ipinadala sa kanila ng Kanaloa. Mga bayaning pinapaikot ng pera, iyon ang tingin niya sa lahat ng bayani ng bawat henerasyon.

Pagkatapos ng pag- uusap nila ay ipinahatid ng pinuno ang kanilang mga bisitang bayani sa kanilang tutuluyan. Doon ay nagsimula silang magplano upang maprotektahan ang bayan. Pagkatapos ng kanilang pagpupulong ay napagkasunduan ng lahat na maglibot sa buong syudad upang mapag-aralan ang lugar. Kung may kailangan silang baguhin o idagdag sa plano.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now