Chapter 14

24 6 0
                                    

Ilang araw na lamang ang natitira bago niya pansamatalang lisanin ang Gabrelius. Naroroon muli siya, ang unang Prinsesa sa ilalim ng mayabong at makasaysayan na Narra Tree sa Asthorian Park habang pinagmamasdan ang papalubog na araw sa kanlurang bahagi ng Gabrelius. Habang dahan- dahang bumababa ang kulay kahel na liwanag ay marahan namang binabalot ng kadiliman ang buong paligid. Isang malamig na hangin ang biglang nagdaan na nakapagpayakap sa kan'yang sarili nguni't daglian rin iyong napalitan ng init na yumakap sa kan'yang puso ng sandaling masulyapan niya ang Ginoong nagbigay sa kan'ya ng kan'yang suot na panlamig. 

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat ay nag-aayos ka sa iyong pagpunta sa Lucien Empire?" ang tanong ng Ginoong hindi man suot ang kan'yang baluti ay suot naman nito ang maskarang patuloy na nagkukubli sa kan'yang tunay na pagkatao. 

"Naayos ko na ang lahat ng mga gamit ko," ang sagot niya ng may magaang ngiti sa binatang admiral. Tinugon naman ni Admiral Argyros ang ngiting palagi niyang inaasam- asam na makita. Naging matagal rin bago niya ulit iyon nasilayan at hindi na niya maaatim na mawala o masayang pa iyon sa pagkakataong iyon. 

"Kung ako nga lamang ang masusunod ay mas gugustuhin ko nang umalis ngayong gabi." ang dagdag pa niya habang pinagmamasdan ang bayang dahan- dahang nagliliwanag na.

Napangiti naman ang Admiral na sumilay ang mapuputing ngipin, "Bakit parang hindi ka makahintay? Ano bang dahilan at kating- kati ka nang umalis?" ang tanong ni Argyros na may isang bagay mula sa kan'yang nakaraan ang inaalala. Mabilis iyong sinagot ng binibini. Isa lamang ang kan'yang layunin at nais sa simula pa lamang. Ang lisensya niya upang puksain ang mga rebeldeng nagkakalat ng kaguluhan. 

"Kapag natapos na ang kaguluhang ito, makakabalik na ang lahat sa normal." ang sabi ni Saber sa kan'ya na nawala ang ngiti dahil sa katahimikang iisa lamang ang ibig sabihin sa kan'yang sariling pananaw. 

"Bakit ka natahimik? Hindi ka ba naniniwalang magagawa kong sugpuin ang rebelyon?" Tila may pagdadamdam ang tanong na iyon. Dahil sa kan'yang pananaw ay hindi naniniwala ang lalaking iniibig niya na malaking tulong ang paglabas  niya sa mundo ng mga bihasang bayani. Umiling ang binatang Admiral, "Ang iniisip ko ay hindi ko nais na sumabak ka sa labanan. Kung ako ang tatanungin mo ay hindi kita hahayaang ilagay mo ang sarili mo sa kapahamakan." ang naging sagot niya na lihim na nakapagpangiti sa Prinsesa. Makikita ang pag-aalala sa mga mata ng binatang Admiral na labis niyang ikinatutuwa. 

"Ang sabi mo ay hindi ka na mag-aalala sa akin? Bakit ngayon ay kulang na lamang ay igapos mo ako sa kaharian?" ang tanong niya na kunwari pang nagsusungit ng maalala nito ang sinabi sa kan'ya ni Argyros ng iligtas siya laban sa rebeldeng lobo. 

"Natural na mag-aalala ako. Ikaw ang unang Prinsesa ng Gabrelius. Yaman ka ng Gabrelius." ang tanging sagot niya. Isang bagay na ikinakunot ng kilay ng binibini. Nawala rin ang kan'yang magandang ngiti na lihim niyang itinatago sa binata. Palagi na lang ganoon ang binatang Admiral sa kan'ya. Papakitaan siya ng pag-aalala ngunit sa huli ay sasabihing para iyon sa bayan o di kaya ay sinasabing sumusunod lamang siya sa kung ano ang nararapat. Madalas siyang umaasa na baka iniibig rin siya ng binata ngunit kung gaano iyon kadalas ay iyon rin ang dalas na mawalan siya ng pag-asa. Madalas pa nga niyang iniisip na may napupusuan na ito ngunit masyado itong malihim. Ni hindi nito binabanggit kung saan siyang bayan nagmula. Wala siyang pagkakakilanlan na kahit ang ama niya ay ipinagtataka iyon. Tila isa siyang bulalakaw na bigla na lang sumulpot sa Gabrelius. Isang hulog ng langit para sa kanilang bayan. Ngunit ang kagalakang iyon ay madalas napapalitan ng pagdududa dahil sa madalas niyang pagiging malihim sa lahat.

"Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaguluhang ito," ang pagsisinungaling niya. Dahil sa sariling pananaw niya, ang kaguluhang iyon ay malayo pa sa katotohanang magtatapos na. Simula pa lamang iyon ng mas malawak na kaguluhan. Kung pwede nga lamang ay siya na ang tumapos. Ngunit hindi maaari iyon. May sinusunod siya, "Pero gusto kong umuwi ka ng ligtas sa Gabrelius habang wala ako," ang dagdag pa niya na ikinakunot muli ng kilay ng unang Prinsesa.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon