Chapter 32

12 3 0
                                    

[Las Veras City]

Malaki na ang ipinagbago ng buong chamber. Makikita na ang karangyaan sa kanilang safehouse na dati’y tila tambakan ng basura. 

Nanabik rin sila sa lutong pagkain ng wolf guild. Tila ba matagal silang hindi nakabalik at nangulila sa napakaraming bagay na ang guild lang nila ang makakapagpunan. 

“Kumain lang kayo, marami pa rito,” ani String na siyang sumalo sa golden sandok ni Euphony na madalas sa kusina na sinisikatan at nilulubugan ng araw. 

“Namiss ko ang pagkain dito!” Naiiyak si Kick habang sunod-sunod ang pagsubo ng pagkain na alam niyang sariwa dahil bagong pitas iyon mula sa kanilang hardin. Idagdag pa ang sumasabog na amoy ng spices and herbs na inihalo nila sa pagkain. Pasalamat sila at matalino ang kanilang lider na isama sa plano ang pagkakaroon ng hardin at kulungan para sa mga alagang hayop na sa tingin nila na kahit dumaan ang taggutom o kahit mawala ang tinatamasa nilang karangyaan sa kasalukuyan ay hindi mawawala. Isang tulong rin ang pagbibigay kaalaman ni Beast sa kanila tungkol sa pagmamanage ng kanilang pondo at kung paano iyon palalaguin, paiikutin, at pananatilihin ng mahabang panahon.

“Sumasarap na rin ang luto mo String! Malapit mo nang makuha ang luto ni Euphony!” ang saad ni Zorro na nalalasahan pa ang unang pagkaing niluto ni String para sa kanila noon.

Napahalakhak si Mud. Naaalala pa niya ang agaw-buhay niyang naranasan matapos malasahan ang pagkain na si String mismo ang nagluto. Halos lahat sila ay hindi nakapasok sa academy at napagbintangang nag-usap-usap na huwag pumasok kaya nagalit sa kanila ng husto ang ilang professors.

“May balita ba kayo kung kelan babalik sina Euphony?” ang tanong ni String. 

“Ang balita ko ay matatagalan pa sila sa Kingdom of Daya. Hindi naging maganda ang sitwasyon doon. Nawasak ng mga rebelde ang kanilang bayan,” ang pagbibigay-alam ni Silver.

“Sana maging okay lang sila doon,” ang saad ni Bull.

---

Naging makulay at siksik ang kanilang naging kuwentuhan. Tila ba matatagalan na ang susunod kaya sinulit na nila. Alam nilang mas magiging mahirap ang kanilang magiging misyon kaya pinalalakas nila ang loob ng mga kasamahan.

“Naalala ko, nasaan nga pala si Hurricane?” ang tanong ni Silver na naninibago dahil wala ang pinakamakulit sa guild. 

“Naku, nasa hibernation state siya ngayon. Sigurado di n‘yo na siya makikilala sa pagbalik ninyo,” ang tugon ni Bull. Napakunot naman ang kilay ni Silver dahil alam niyang sa isang hayop lang nangyayari ang hibernation.

“Kelan pa?” ang tanong ni Zorro.

“Ikalawang araw na niya ngayon. Dumadalaw naman si Dimitri para kumustahin ang lagay niya,” wika ni Arrow.

Natigilan si Silver nang maalala  niya ang importanteng tao na kailangan niyang makausap. 

“E, si Professor Slayer? Hindi ko yata nakikita,” aniya.

Muntik nang mapahalakhak sina Bull at String. Nabanggit rin nila na masanay na si Silver na laging wala ito sa chamber para bantayan sila bente kwatro oras dahil palagi itong wala sa Gabrelius. Nakasanayan na rin nila na ilang buwan o taon na bago ito muling magpakita sa kanila.

“Pero kailangan ko siyang makausap,” ang wika niya na ikinabigla nila.

Madalang na may maghanap sa propesor at walang nagtatangkang puntahan ito sa lugar kung saan tila naging tahanan na niya; ang lugar kung saan naging mundo na niya.

“Saan ko siya makikita?” ang mausisang tanong niya.

--- 

Ilang mga yabag ang maririnig sa pasilyo na huminto sa tapat ng pintuan ng kanilang kwarto kaya't nasisiguro niyang siya na iyon. 

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Место, где живут истории. Откройте их для себя