Chapter 19 (Strongest Powerless)

27 7 1
                                    

Tumutunog na ang orchestra mula sa kalangitan at ang lahat ng mga mata ay nakatuon sa nag-iisang bayani na magiging parte ng kasaysayan. Ang lalaking walang kapangyarihan ngunit ang ituturing na pinakamagiting na bayani ng Etherea!

Sa pamamagitan ng imbensyon ni Techno ay nakalipad siya upang subukan ang unang pag-atake na inaabangan ng mga kabataang nagmula sa Seventeenth Generation Heroes.
Isang suntok ang binitawan ni Bleidd. Ngunit ang unang attempt niyang iyon sa pananaw ni Saber ay isang katangahan. Napakunot ang kan'yang dalawang kilay.
"Walang kwenta," ang nasambit niya sa kan'yang isipan.
"Yan ba ang gusto mong patayin kanina?" ang pabulong na tanong ni Saber sa katabi niya.
"Wala siyang kalaban- laban," ang dagdag pa niya.

"Hindi ako naniniwalang iyon lang ang kaya niyang gawin. Ang Paralysis ay flair din niya." ang sabi ni Silver na nagpasilay ng matamlay na ngiti sa labi ni Techno.
"Ang flair niyang iyon ay hindi sa kan'ya. Pero ang flair na ito... ito ang tunay niyang kapangyarihan. Nakakatawa man sa una ay nakakatakot naman sa huli," ang sagot niya at saka sinabi sa kanilang panoorin ang mga susunod na mangyayari.

Ilang ulit na nag- attempt si Bleidd ngunit ilang ulit siyang nabigo. Ni hindi siya tinutulungan ng ibang bayani kahit na gustuhin nila. Tila ba iyon ang pangunahing tauhan na siyang gagawa ng isang malaking hakbang upang mahawi nang tuluyan ang tabing ng entablado at magbibigay daan upang ang kapwa niya tauhan ay magkaroon ng kinang na nakasisilaw.

Paulit- ulit nilang nakita ang pagbagsak ni Bleidd pero paulit- ulit siyang bumabangon at muling nagpapatuloy.

Nakiusap pa si Techno na maghintay pa at bigyan siya ng oras upang magawa ang kundisyon ng kan'yang flair. Isang kundisyon upang magamit ang buong potensyal ang kan'yang flair. Ngunit iyon ang hindi nila naiintindihan.

"Tigilan na natin ito. Walang kwenta ang ginagawa niya." ang sabi ni Saber na kaagad na pinigilan ni Delmira.

"Maghintay ka pa. Panoorin mo lang," ang pakiusap niya na siyang sandaling nagpabago sa kan'yang desisyon.
Nagpatuloy ang labang sa tingin ni Saber at Silver ay dehado ang sinasabing utak ng unang henerasyon ng mga bayani. Ngunit sa paulit- ulit na pag- atake niya ay isang bagay ang pumukaw ng atensyon ng Prinsesa. Isang bagay na napansin rin ni Silver.

Ngunit ilang subok pa ang ginawa niya upang mas maintindihan ng dalawa ang tunay na nangyayari.

"Mas... lumalakas ba siya?" ang nabitawang salita ng labi ni Saber. Isang pangyayari na sa tingin niya ay imposible pero iyon ang nakikita ng kan'yang mga mata. Mga salitang nagpasilay ng ngiti sa kanilang mga labi.

"Impact magnification," ang sabi ni Techno na malinaw na nababasa ang tumatakbo sa kanilang isipan.

"Ang bawat pag-atake ng kalaban ay hinihigop niya at dinodoble ito para gamitin ito laban sa kan'ya. Ang bawat sakit na natatamo niya ay dinodoble niya at ibinabalik ng doble papunta sa kalaban o sa sino mang target niya." ang paliwanag ni Techno na hindi nawawala ang paningin sa taong labis niyang inirerespeto at hinahangaan.
"Ito na ang panahon para tumulong." ang sabi ni Aegir na umabante na rin sa battle area kung saan naroroon si Bleidd.

Mas pinalakas niya ang kan'yang existence na nagpasilay ng ngiti sa labi ni Bleidd Grandeur na noon ay nagtamo na ng maraming sugat.
"Pasikat ka talaga Aegir." ang komento ni Bleidd nang may halong biro at saka iniharap sa kan'ya ang kan'yang kamao.

"H'wag ka nang maarte. Kailangan mo rin naman ang tulong ko." ang sagot niya at saka idinikit ang sariling kamao niya sa kamao ng nasabing traydor na bayani.

Sa pagdaop ng kanilang mga kamao ay isang malakas na enerhiya mula kay Aegir ang siyang dumaloy at hinigop ni Bleidd na siyang dinoble ng kan'yang katawan. Ang lakas na doble pa sa lakas ni Aegir at lakas ni Guiness ay naging isa sa katauhan ni Bleidd Grandeur.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now