Chapter 17 (The Twelve Founders)

14 6 0
                                    

Salpukan ng dalawang malakas na pwersa ang siyang gumulantang sa mamamyan ng Horatius. Ngayon na lamang nila ulit naramdaman ang ganoon kalakas na pwersa na hindi maitatangging nakakabahala. Maging ang ilang bayani na nakaramdam ng pwersang tila gumising sa kanilang kaluluwa ay namangha sa tila dalawang bapor na nagbanggaan sa gitna ng malawak na karagatan. Binabalutan ng kulay lilang shark spirit ang kanang kamao ni Aegir Blackbeard samantalang nababalot ng kulay kahel na Orca spirit ang kamao ni Silver. Isang bagay na nakakuha ng atensyon ng kanina pang nanahimik na si Fjord Lancaster! Iyon ay ang kan’yang special move na ipinantatapat niya sa lakas ng pinsang si Aegir. Hindi niya kilala ang binatang iyon ngunit dahil nakuha nito ang atensyon nito ay wala siyang magagawa kundi ang makialam. Sa banggaan ng dalawang malaking bapor ay isang Fjord Lancaster ang nakitampisaw sa kalaliman ng kanilang laban. Isang malakas na pwersa ang siyang kumaladkad sa kan’ya na siyang naging dahilan sa pagdagundong ng paligid.

“Fjord h’wag kang makisawsaw dito. Laban ko ito!” ang sigaw ni Aegir na siyang nakapagpatindig ng balahibo ng mga taong nakaramdam ng pagtaas ng kan’yang flair existence. Tila napakabigat ng existence na iyon na siyang muntik nang magpabuwal sa tuhod ng unang Prinsesa ng Gabrelius sa ika- apatnapu’t isang henerasyon ng mga Vermillion. Ngunit hindi na iyon kagulat- gulat para sa kan’ya dahil siya ang susunod na hari ng Eldoris!

Eldoris ang kaharian sa kailaliman ng karagatan ng Atlantic Ocean kung saan siya patuloy na namumuhay ng mga kalahating tao at kalahating lamang- dagat. Kung babalik sa tinutuntungan nilang panahon ay si Haring Gali pa ang namumuno. Pinalaki sa layaw ni Haring Gali si Aegir kaya’t lumaking palalo. Hindi niya hahayaang siya ay mapahiya o insultuhin ng kahit na sino man. Hindi niya hahayaang mapahiya ang angkan ng isang Blackbeard.

Ngunit isang Fjord Lancaster ang kan’yang kaharap. Hindi rin ito magpapatalo kahit na pinsan pa niya ang kaharap niya. Siya ang susunod na Hari ng Antartic Ocean. Nagpalabas ng kulay pulang sirkulo si Fjord at pinataas ang kan’yang existence. Isang pwersa na siyang lumukob at nagpahina sa katawang lupa ng ilang mga taong nasa paligid nila. Sa pagkakataong iyon ay napaluhod si Prinsesa Saber ng maramdaman ang dalawang existence na nagsasagupaan. Ang kanilang spiritual spirits ay tila naglalaban sa himpapawid na siyang nagpapahagulgol sa hangin. Ang shark spirit na sa Jinbei at ang orca spirit na si Franky ay nagwawala na. Muli sa ikalawang pagkakataon ay muling dumagundong ang paligid ng magdaop ang kamao ng dalawang bayani mula sa unang henerasyon! Mga naglalakihang bapor na kahit ang malakas na unos ay hindi mapalulubog.

“Ito ang kapangyarihan ng mga bayani ng unang henerasyon?” ang nangingilabot na nasambit ni Saber sa kan’yang isipan kasunod ng paglingon niya kay Luan na hindi man lang natitinag sa dalawang existence na nagbabanggaan.

Isang sibat ang pinalabas ni Fjord mula sa isang summoning circle na lumitaw mula sa lupa sa simpleng pagbikas niya ng mahiwagang salita. Nabalutan ito ng kulay pula na awra na siyang ginamit niya sa pagbitaw ng isang atake patungo kay Aegir na sinalag naman niya gamit ang isang malaking bolo na mabilis niyang hinugot sa isang nakasisilaw na liwanag. Isang nakaririnding serena ang siyang umalingawngaw sa gitna ng Horatius na siyang nagpadaluyong ng malakas na hangin na tila ba unos na sumira sa signage ng shop ni Kairos at ng iba pang kahanay na pamilihan.

Subalit sa gitna ng girian ng dalawa ay isang malakas na pwersa ang siyang kumaladkad sa kanila na siyang ikinagulat ni Saber at ng ilang taong pinapanood ang hidwaang nagaganap. Marahang nilingon ng Prinsesa ang taong pinagmulan ng malakas na pwersa. Nakatayo ito ngunit nagdidilim ang kan’yang mukha na bahagyang natatakpan ng kan’yang buhok. Walang bumabalot na awra sa kan’yang katawan ngunit nag-uumapaw ang isang existence na hindi mawari ng mga taong naroroon. Tila sinisilo ang kanilang hininga ng existence na hindi nila nakikita. Iyon ang pagkakataong unti- unting nagnanakaw sa kamalayan ng Prinsesa. Ngunit hindi siya maaaring magkamali, “Silver?” ang nasambit niya sa kan’yang isipan habang dahan- dahang sumasara ang talukap ng kan’yang mga mata.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now