Chapter 30

9 3 0
                                    

[The Prodigious Crow]

A large stone fireplace with burning logs, tapestries hanging from the walls, and an elaborate crystal chandelier that sparkled in the firelight were all features of a lavish, dimly lit ancient room. The room's grandeur left Gulliver's guests in awe as they cautiously entered.

“They were here,” Gulliver informed the man, who was always spitting smoke out of his mouth.

“We need your help Professor,” Silver uttered.

---
Lumalalim na ang gabi at mas tumitindi pa ang ingay sa paligid. Ingay na musika sa pandinig ng mga sanggano habang nakababasag naman sa pandinig ng mga bagong salta sa lungsod. Mabigat ang kanilang tugtugin, makabasag lalamunan at tenga. 

Napabalikwas sa pagbangon si Silver mula sa kan'yang kama, hindi dahil sa ingay ng paligid niya kun'di dahil sa ingay ng kan'yang isipan. Mabilis na nangapa sa dilim at hinanap ang switch ng ilaw na nagpapatay-sindi na sa kalumaan. Naglabas ng isang malalim na buntong-hininga nang sa wakas ay maging pirmi na ang malamlam nitong liwanag. Sandaling natulala si Silver. Sandaling nagbalik-tanaw sa kan'yang dating maliit na silid, sa dati niyang tahanan sa mundo ng mga tao- kung saan unti-unti niyang binubuo ang kan'yang maliit na pangarap; kung saan nagiging malaya siya; at kung saan nagiging kahit ano siya; kung saan nagiging  matapang ang isang Sylvester Del Grande.

Napailing si Silver at kaagad na pinahid ang mababaw na luhang pumatak sa kan'yang mga mata. Binabalik-balikan na naman niya ang tahanang naging kan'yang selda. 

“Ba‘t di ka pa natutulog?” ang tanong ni Radar nang maalimpungatan sa malamlam na liwanag na nanghihimasok sa kan'yang mapungay na mga mata. Kaagad na napatalikod si Silver at maayos na pinahiran ang kan'yang mga luha.

“Masakit sa tenga ang ingay,” pinabulaanan niya.

Subalit iba si Radar. Nararamdam niya ang emosyon ni Silver. That’s his biggest weakness or maybe his strength. 

Humalumbaba siya sa harapan ni Silver habang nakarehistro sa mukha niya ang salitang nagsasabing alam niya ang nararamdaman niya; na nababasa nito ng malinaw ang kan’yang nararamdaman.

“Padayon bro. Matagal ka nang malaya sa‘yong nakaraan. H’wag kang magpabilanggo ulit,” ang payo niya na nagpaawang ng mga labi ni Silver. 

“Parte ng buhay natin ang ating nakaraan. Iyan ang humubog at bumuo sa atin, pero kailangan nating magpatuloy,” dagdag pa ni Radar at saka muling nahiga sa kan‘yang kama. 

Nagawa pang iusal ang kan‘yang reklamo sa kung gaano katigas ang kan‘yang kama bago muling umugong ang kahimbingan niya sa pandinig ni Silver. Napatawa siya sa kung gaano kabilis itong nilamon ng kahimbingan.

Pambihira!

Pinatay niya ang ilaw at marahang inilapat ang pintuan sa kan’yang paglabas kasabay ng pagmulat ng isang pares ng mga mata.

Dumadagundong ang ingay ng musikang hindi naiintindihan ni Silver. Naaamoy niya ang pinaghalong alak at usok ng yosi, idagdag pa ang nanunuot na amoy ng pawis.

“Bata inom muna!” Magiliw na paanyaya ng isang matabang sanggano, na balbas-sarado. Ngunit maaayos niya itong tinanggihan dahilan upang makantyawan siya ng mga sanggano.

“Tigilan n’yo na ‘yan. H’wag n’yong pilitin kung ayaw,” ani Clay na mabilis siyang nilapitan si Silver.

“Sumunod ka sa akin,” anas niya na ikinabigla niya.

Maingay ang paligid ngunit tila naging mas madagundong ang ingay ng kan’yang puso at yabag. Katulad ng mga araw na nararamdaman niya sa tuwing alam niyang mapapahamak siya.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Donde viven las historias. Descúbrelo ahora