Chapter 23 (Timely Pact)

17 3 0
                                    

Nagliliyab sa determinasyon ang kanilang mga inla. Inla ng dalawang Katherin Charlton na may iisang pagkatao ngunit magkaibang panahon. Magkaibang paraan ngunit iisang layunin.

"H'wag ka nang makialam dito. Kahangalan iyang iniisip mo," ang naturan ni Katherin, na nagmula sa hinaharap.

Tumaas ang sulok ng labi ni Charlton ng nakaraan. Sa isip niya'y ang kan'yang hinaharap na pagkatao ang siyang hindi nakaiintindi sa tunay na kahulugan ng kahangalan.

"Sa ating dalawa, hindi ba't ikaw ang hangal? Naparito ka para baguhin ang nakaraan na hindi mo pa nakikita, ang mas hinaharap pa, kesa sa naranasan mo," ang sagot ni Katherin mula sa nakaraan.
"Hindi pa man nagaganap ay alam ko na ang mangyayari. At iyang katigasan ng ulo mo... Iyan ang magpapahamak sa lahat," ang sagot niya.
"Kaya ba ginagawa mo ito?" ang tanong ng nakaraang siya.
"I won't do unnecessary actions unless I have no choice," Naikuyom niya ang kan'yang kamao habang mabilis na binabalikan ang kan'yang nakaraan.
"Alam kong matibay ka. Pero habang nandito pa tayo, magtiwala ka. Maghintay ka. Hindi kita bibiguin," ang sabi niya. Isang pangako para sa sarili niya at para sa mga taong pinoprotektahan niya.

Sumilay ang mapait na ngiti sa labi ni Katherin habang nakatitig sa kan'yang sarili. Iniisip kung kakayanin nga ba niyang ipagsapalaran ang buhay ng kahit isa pang buhay ng taong mahalaga para sa kan'ya.

Ngunit ang madilim na lugar ay biglang nagliwanag. Liwanag mula sa katawan ni Silver na kasalukuyang walang malay.

"Anong nangyayari?" ang nasambit ng labi ng hinaharap na Katherin. Hindi niya maalalang naganap iyon sa kan'yang nakaraan.

Napahawak siya sa kan'yang ulo at humiyaw ng malakas. Sa pakiwari niya ay sasabog ang kan'yang ulo sa mga eksenang nag-uunahan sa kan'yang utak. Mga bagong alaala na sa unang pagkakataon ay nasaksihan niya.

Walang duda... Sa kan'ya ang mga alaalang iyon.

"Ngunit bakit?" ang tanong ni Katherin mula sa hinaharap.
"Nagbabago na ang nakaraan, hindi mo ba napapansin, future na ako?" ang tanong ni Katherin.
Napakagat sa dulo ng kan'yang hinlalaking daliri ang hinaharap na Katherin.

Sa hitsura niya ay malamang na nag-iisip siya. Napansin rin ng ilang taong naroroon ang paggalaw ng bola ng kan'yang mga mata na sa tingin nila ay pinagmamasdan sila.

Mas nagliwanag pa ang katawan ni Silver. Kasabay ng pagkakaroon ng malay ni Saber.

"Anong ginawa mo?" ang tanong ng future Katherin na halatang naguguluhan. Umangat ang sulok ng labi ng Prinsesa habang matiim na nakatitig sa kan'yang mga mata.

"Hindi ako," ang sagot ni Saber at saka sinulyapan ang binatang marahang iminulat ang kan'yang mga mata na tila ba walang nangyari sa kan'ya.

Nabigla si Katherin Charlton at sa pagpintig ng pulso ng kan'yang sintido, ay bumalik ang mga pangyayaring naganap sa kanila sa loob ng katawan ni Silver. Pangyayaring hindi niya inaasahan. Lumabas ang Nox na siyang tumulong kay Saber upang siya ay magapi. Nox ang tawag sa natutulog na kasamaan sa loob ng isang tao.

"Bakit?" ang tanong ng future Charlton.
"Hindi ba't ako dapat ang nagtatanong sayo? Bakit mo ito ginagawa? Pare-pareho tayong bayani ng Etherea. Dapat tayo ang nagtutulungan," ang saad ni Silver.
"Ganoon din ang paniniwala ko dati. Pinaniwalaan ko ang pangako mo at ng mga taong naririto," ang tugon niya.
"Pero suntok sa buwan ang muling ipagkatiwala ang kinabukasan ng mundo sa inyo," ang dagdag pa ni Katherin mula sa hinaharap.

"Pero suntok din naman sa buwan ang gusto mong mangyari. Wala kang kasiguruhan na kapag pinatay mo siya ngayon ay magbabago ang hinaharap. Gaano ka ba kasigurado na mababago mo ang takbo ng kapalaran ng bawat isang naririto kung gayong hindi mo rin naman nabago ang kasalukuyan mong sitwasyon?" ang tanong ni Paxton.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now