CHAPTER 25 (New Mission)

15 3 0
                                    

A/N: Follow me on my Fb page— DreamGates Project: https://www.facebook.com/profile.php?id=100087605171431&mibextid=ZbWKwL

And on my YT channel— DreamGates: https://m.youtube.com/channel/UCgR3AUJL6HuuZe31QbrFIJg

ENJOY READING!

Natatanaw na nila ang dapit-hapon sa buong Horatius. Sa matingkad na kahel mula sa Kanluran ay nakikita na nila ang ilang Pegasus na hiniling nila mula sa Gabrelius upang sunduin sila at makarating sa tamang oras sa pagpupulong para sa isang bagong misyon nila.

Naging mainit ang pagpapaalam ng mga mamamayan ng Clock City dahil sa pagliligtas at pagprotekta nila mula kay Sheridon. Marahil kung ibang bayani ang naroroon ay pinabayaan na lamang sila.

Tila bumabalik na ang karangalan ng mga bayaning tila unti-unting ninanakawan na ng dangal dahil sa kaliwa’t kanang conspiracy sa pagitan ng mga bayaning pinapaikot ng salapi.

They work hard for money and not because they want to help and protect the people; they are solely working for their own benefits.

However, seventeenth generation  heroes is different. They set the standard for becoming exemplary.

Umiihip ang hangin. Naghahanda na ang lahat sa pagbalik nila sa Gabrelius, nang lapitan ng retiradong Sheriff si Silver na noon ay tahimik lang na pinagmamasdan ang mga bayani at ang mga tao.

“Magbaon ka ng sapin-sapin at ng sarili kong gawang tsokolate. Alam kong nagustuhan mo iyan kahit na hindi naman masarap,” ang saad ni Ginoong Kairos na natatawa at saka iniabot sa kan’ya ang isang baunan na nababalutan ng tela.
“H’wag kang mag-alala, mas masarap na iyan kaysa dati,” ang dagdag pa niya na siyang nagpakunot sa kilay ni Silver. Simula nang dumating sila ng mga kasamahan niya ay hindi pa niya natikman ang kakanin at tsokolate ng matanda.
“Walang araw na hindi ko pinagbuti ang paggawa niyan. Para sa sunod na beses na matikman mo ay sabihin mong napagbuti ko na ang lasa,” ang winika niya na naging dahilan upang bumalik sa kan’ya ang alaala ng paglalakbay nila sa nakaraan.

“Naaalala pa ninyo?” ang tanong ni Silver na nanlalaki ang mga mata.

“May mga araw na nakakalimot na ako dahil sa katandaan. Pero ang mga alaala mo ay hindi ko hinayaang mabura,” ang tugon ng matanda. Ngunit ang ngiti niya ay napalitan ng kaseryosohan.

“Naganap ang kinakatakutan natin. Ginawa ng lahat na baguhin ang hinaharap pero may mga bagay na hindi naiwasan,” aniya na parang naluluha pa.

Naikuyom ni Silver ang kan’yang kamao. Tila hindi nakatulong ang kanilang paglalakbay sa nakaraan para baguhin ang kasalukuyan.

“Alam kong nadidismaya ka. Pero huwag mong hayaan na kainin ka ng galit tulad nila. May pag-asa pa. Alam kong magagawa mo. Hindi man nila nagawa, pero ikaw oo,” ang saad ng Ginoo na tila nakahawak na lamang sa huling pisi ng pag-asa, si Silver.

Sandaling natahimik si Silver at tinitigan ang Ginoo mula ulo hanggang paa. Naalala rin ng kan’yang gunita ang dating hitsura nito.

“Pero ikaw, nagawa mo,” ang namamanghang wika ni Silver na lalong nagpakunot sa noo ng matanda.

“Nagawa ko?” ang tanong ng Ginoong Sheriff na walang ideya sa nagawa niyang pagbabago para sa sarili.

“Bago kami mag-travel sa nakaraan, isa ka lamang simpleng taga-repair ng orasan. Pero ngayon ay naging Sheriff ka dahil ginusto mong magkaroon ng pagbabago sa sarili mo,” ang paglalahad ni Silver ng katotohanan sa kan’ya.

Napaawang ang bibig ng matanda. Pinahiran ang mga luhang bigla na lamang pumatak mula sa kan’yang mga mata. Luha ng kasiyahan na hindi niya maipaliwanag.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now