Chapter 11

29 5 2
                                    

Itim na pusa ang bigla na lamang sumulpot sa harapan nila na ikinabigla ni Bleidd. Hindi niya alam kung bakit naroroon ito. Tila kinabahan siya dahil madalas ay tinutulungan nito si Conrad na makawala sa mahika niya. 

"Katherin, anong ginagawa mo rito?" ang tanong ni Luan na halos nangingintab na ang nagbubutil niyang pawis na unti- unting sumasagana sa kan'yang mukha. 

"Nandito lang ako para bigyan kayo ng babala. Alam ninyong ayoko ng paulit- ulit, hindi ba?" ang sabi ng itim na pusa na kaharap nila na biglang nabalot ng itim na usok na mabilis na nagpalit ng anyo. Isang batang babae na may kulay itim na mahabang buhok at kulay luntiang mga mata na nakasuot ng itim na lolita fashion ang bumungad sa isang pag- kisap ng mata. Tenernohan ng itim na sapatos na tila hindi nalalapatan ng kahit na anong dumi o alikabok. Tila isang batang manika na may dala- dalang itim na payong ang binigyan ng buhay ng salamangka ang bigla na lamang lumitaw sa kanilang harapan. Napatayo si Silver sa kan'yang kinauupuan. Tila bumalik sa ala- ala niya ang mga araw na nagde- deliver siya ng pandesal sa mundo ng mga tao. Ang babaeng palaging nakadungaw sa bintana ng malaking mansyon ay si Katherin Charlton!

"Ikaw ang Immortal Witch na si Katherin Charlton?" Ang nasambit ng mga labi niya na ikinalingon ng lahat.

"Immortal Witch?" Ang naibulalas ni Luan na muntik ng kumawala ang malakas na paghalakhak sa kan'yang lalamunan.

Napatitig si Katherin sa binatang ngayon lang niya nakita ang pagmumukha. Isang bagong mukha na alam niyang hindi taga- roon ang presensya.

"At sino naman ang binatang ito?"

Sumagot si Luan. Ayon sa kan'yang salaysay ay isa siyang manlalakbay na mahilig sumulat ng kuwento. Naglalakbay siya upang makahanap ng inspirasyon upang maipagpatuloy ang kan'yang libro na balak ilimbag.

"Nag- babasa ako ng libro. Anong libro na ba ang naisulat mo? Sikat ka ba?" Ang tanong ni Katherin. Nabigla si Silver dahil hindi niya alam ang isasagot. Mabuti na lamang at sumingit si Bleidd at sinabing baguhan pa lamang ang binata. Tumango lamang ito at muling ibinalik ang usapan sa kan'yang pakay. Tinitigan pa niya ang Prinsesa na noon ay humihigop ng kape.
"Binigyan na kita ng babala Prinsesa. Tigilan mo na ito." Ang sabi ng babaeng nasa husto na ang kaisipan ngunit nasa katawan ng isang batang babae. Hindi nagsalita ang Prinsesa at sa halip ay nginitian lamang niya ang mga babalang iyon ni Katherin.

"Charlton, at ano namang babala ang tinutukoy mo?" Ang tanong ni Bleidd sa kan'ya na nag-uumapaw ang kuryosidad sa kan'yang malikot na isipan.

"Usapan iyon sa pagitan ng dalawang babae at wala kang pakialam sa bagay na iyon, Wolf." Ang naging sagot ni Katherin sa kan'ya  nang bigla na lamang pumasok ang isang ipo-ipo sa loob ng clock shop na nagpalipad ng ilang dokumento at nagpa- uga sa mga orasan na nakasabit sa dingding ng shop ni Kairos. Nahulog pa nga ang isang babasaging orasan na yari sa salamin na koleksyon pa ni Ginoong Kairos.

Tumagal pa ang maliit na ipo- ipo na hindi nila alam kung paanong nakapasok sa loob ng shop. Ngunit napagtanto nilang salamangka iyon ng marining nila ang paghalakhak ng isang batang lalaki.
"Hindi na ito nakakatuwa, Paxton!" Ang sigaw ni Katherin at isang kuryente mula sa kan'yang itim na payong ang dumaloy patungo sa ipo- ipo na nakapagpalabas sa isang batang lalaking may itim na tungkod. Nakasuot ng isang itim, magara, at mahabang coat at cravat sa may leeg, in victorian style. May panloob na kulay gray na vest at ang pang- ibaba niya ay itim na shorts. May makintab na itim na leather shoes at mahabang itim na medyas. Kung titingnan ay isang kagalang- galang na maharlika na kulay asul ang kanang mata at red albino ang kaliwang mata.

"Anong klaseng entrada iyon Douglas? Pasikat." Ang sabi ni Katherin na medyo naiinis sa ginawa ng makasariling henyo pagdating sa salamangka. Ang Ageless Wizard na si Douglas Paxton na mula sa angkan ng mga hybrid dogs. Ang angkan ng mga taong aso. Ang mortal na kaaway ni Katherin Charlton na nagmula naman sa angkan ng mga hybrid cats.

"Gusto ko lang namang subukan ang salamangka na natutunan ko." Ang naging sagot ni Douglas.
"Pero hindi ito ang tamang lugar. Matalino ka at dapat alam mo iyon." Ang panenermon ni Katherin na may kasamang pagkasartika sa kan'yang tinig.
"Inggit ka ba, Charlton? Hindi mo kasi kaya ang ginawa ko." Ang pang- aasar naman ni Douglas.
"Bakit naman ako maiinggit? Wala namang kainggit- inggit sa walang laman mong utak!" Ang sabi niya at saka ibinukad ang kan'yang itim na payong at nagsimulang tahakin ang daan palabas sa maliit na tindahan ni Kairos.

"Wala na tayong magagawa. Matanda na talaga ang isang iyon." Ang sabi ni Douglas sa kanila na ikina- iling nilang lahat. Aalis na rin sana ito ngunit bago ito umalis ay inilabas muna niya ang kan'yang mahiwagang wand at pinaikot sa hangin habang binibigkas ang isang salita, "Redono!"

Tila isang recorded movie na biglang na nag-fast backward ang lahat. Bumalik ang lugar sa dati nitong kaayusan na para bang walang nangyari. Mula sa kamay ni Kairos ay muling kumawala ang bawat piraso ng nabasag na orasan na kusang bumalik pa sa dating kinalalagyan nito. Namangha si Silver sa kakayahan ng Ageless Wizard. Ganoon na rin sa kakayahan ng Immortal Witch. Nakamamangha rin ang kapangyarihan ng Sorcerer King na si Luan. Hindi niya alam kung paanong sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napunta siya sa timeline ng unang henerasyon ng mga bayani at nasaksihan ang lahat ng iyon. Hindi rin niya maintindihan kung bakit sa lahat ay siya lamang ang naroroon. Halos maghapon na rin siyang naglilibot sa buong Horatius pero ni anino ng mga kasamahan sa kasalukuyan ay hindi niya nasisilayan. Sa paglabas ng Ageless Wizard ay ang pagpapaalam ni Silver sa mga bayaning una niyang nakilala. Ipinaliwanag niyang may kailangan siyang tuklasin. Nag- alok naman ng tulong si Luan at ang Ginoong hindi pa rin niya alam ang pangalan, ngunit tinanggihan niya ito dahil naniniwala siya, na siya lamang ang maaaring makatuklas ng totoong dahilan kung bakit siya napadpad sa panahon at oras nila.

Pagitan iyon ng paglubog ng araw sa kanluran  at ang paglamon ng dilim sa buong kapaligiran ng Clock City. Mas kumapal na rin ang mga tao dahil mas pabor sa kanila ang paglabas ng mga ganoong oras. Sunod- sunod na ring binuksan ang mga pailaw sa buong Clock City na mas nagpaganda pa sa abala at maingay na syudad. Inilibot niya ang kan'yang paningin at natanaw ang henyong wizard na noon ay humahalo na sa mga tao.
Napatakbo si Silver upang mahabol ang Ageless Wizard pero kahit anong pagpupumilit niya ay hindi na niya ito naabutan. Napabuntong hininga si Silver. Bigo siya na makausap ang lalaking sinasabing pinaka- henyo sa hanay ng first generation heroes. Malakas ang kutob niyang ito ang makakatulong sa kan'ya upang makabalik siya sa kasalukuyan. 

Madilim na at naglalakad siya sa isang malapad na kalsada na halos walang katao- tao at naiilawan ng mga street lights na may lapat ng spanish style. Tahimik ang paligid malayo sa sentro ng bayan na nakabibingi ang ingay. Napatingin siya sa paligid at nakita ang isang maliit na palaruan. Ngunit nabaling ang kan'yang atensyon ng biglang mas magliwanag pa ang paligid ng mahawi ang mga ulap na tumatakip sa maliwanag na buwan. Itinaas niya ang kan'yang palad at tila inaabot ang buwan ng mapansin niya ang isang orasan na tila nakabaon sa likuran ng kan'yang palad. Natigilan siya dahil noon lamang niya iyon napansin. 

"Kelan pa?" Ang nasambit niya sa kan'yang isipan at saka tinitigan ang relong hindi gumagana. Pero nagliliwanag ang mga numero mula una hanggang siyam. Nakaturo ang maliit na kamay sa ika-siyam  na numero. Hindi niya alam kung bakit nakakabit ang bagay na iyon sa kan'ya. Hindi niya alam kung bakit ang siyam na numero ay nagliliwanag. Naging magulo pa ang kan'yang isipan at hindi namalayan ang kumakaripas na karawahe patungo sa kan'yang direksyon. Napatanga na lamang siya sa gitna ng kalsada ng sandaling malapit na siyang masagasaan ng rumaragasang  karawahe. Mabuti na lamang at isang taong nakasuot ng balabal na may talakbong ang ulo ang sumagip sa kan'ya. 

"Babae?" Ang nasambit niya nang maramdaman ang kakaibang malambot sa pakiramdam na dumampi sa kan'yang braso. Napalunok pa siya ng laway at pilit na sinilip ang mukha sa likod ng balabal.

Tumigil ang isang magarang karawahe at mula roon ay bumaba ang isang patpating lalaki kasunod ang isang lalaking may matikas na pangangatawan na nakasuot ng isang uniporme at isang gintong bituin ang nakasabit sa kan'yang kanang dibdib. 

"Si King Cross at Admiral Redbear!"  ang nasambit niya sa kan'yang isipan. 

THANK YOU FOR READING GATEKEEPERS!



SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now