Chapter 18 (The Frail Hero)

22 6 2
                                    

Gumagaan na ang kan’yang paghinga at naimumulat na niya ang talukap ng kan’yang mga mata. Ngunit hindi niya inaasahan ang kan’yang nakikita. Umiilaw ang orasan na nakakabit sa likuran ng kan’yang palad. Marahan siyang bumangon mula sa pagkakahimbing at saka muling inilibot ang kan’yang paningin.

“Ang mga bayani ng Etherea?” ang nasambit ni Saber sa kan’yang isipan habang binibilang ang mga bayaning nasa tala ng kasaysayan. Ngunit ang nag- iisang bayani na gustong masilayan ng kan’yang mga mata ay ang babaeng hinahangaan niya sa larangan ng pakikidigma, si Delmira Clare! Ngunit ang ipinagtataka niya ay bakit wala ito samantalang umiilaw ang bawat numero sa orasan sa likuran ng kanilang palad?
“Nasaan siya?” Hinahanap niya ang Independent Warrior na simbolo ng kanilang Guild. Ngunit wala... Maliban sa labing- isang bayani ng unang henerasyon na naroroon ay si Ginoong Kairos, Silver at Alois lang ang naroroon.

Subalit natigilan siya ng mapagtanto ang isang posibilidad na maaaring totoo. Sa pagtayo niya ay napahinto ang kan’yang paningin kay Alois. Ang babaeng kanina lang nila nakilala. Ngumiti ito sa kan’ya dahil tila nababasa na rin nito ang iniisip niya.

Pero ang sandaling iyon ay napalitan ng pagkabigla ng maramdaman niya ang pagdaan ni Silver upang sugurin ang kan’yang main target, si Bleidd Grandeur.

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Silver papunta sa direksyon ni Bleidd ngunit mabilis na kumilos si Saber upang pigilan ang pag-atakeng iyon. Inilabas niya ang higante niyang pamaypay upang pigilan ang pag- atakeng bumalik ng doble kay Silver ang naging impact.

Intimidasyon ang siyang gumuhit sa mukha ng mga bayani ng unang henerasyon ngunit hindi sa mga mata ni Luan na hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin sa existence ng Prinsesa.

Pilit na bumangon si Silver sa malakas na impact ng kan’yang sariling pag- atake na sa oras na iyon ay tila ba nahimasmasan siya sa kan’yang ginawa.

Napalingon siya sa Prinsesa na naglalakad papalapit sa kan’yang harapan at mabilis siyang hinatak sa kan’yang kuwelyo.
“Sinabi ko na sayo. Wala kang babaguhin sa nakaraan.” ang bulong ni Saber na mababakas ang galit sa diin ng kan’yang pananalita.
“Pero siya ang dahilan ng kaguluhan sa Etherea ngayon!” ang mahinang sagot ni Silver ngunit sapat na upang marinig ni Saber. 
“May tamang solusyon sa lahat ng problema at hindi iyon sa panahong ito! Kung gagawa ka ng solusyon, sa sariling panahon natin iyon gagawin. Mag- isip ka!” ang naiinis niyang panenermon kay Silver.
“Ito lang ang nakikita kong pagkakataon.” ang sagot ni Silver na pinipigilan ang pagluha habang iniisip ang isang kaibigang kailangan pang magsinungaling sa kan’ya. Na kinakailangan pang isakripisyo ang sariling kalayaan para maitama ang mga kamalian.
“Maaaring may mga taong mawala sa hinaharap or worse, may isilang na mas nakakatakot pa sa kasalukuyang iniiwasan mo!” ang sagot niya sa binatang nahimasmasan din sa wakas. Tila sinang- ayunan ng kan’yang isipan ang sinabi ng Prinsesa.

“Ngayon kung naiintindihan mo na... Humingi ka ng tawad sa kan’ya.” ang utos ni Saber na may tingin ng pagbabanta. Ngunit labag iyon sa kan’ya. Sa isipan niya ay magkakamatayan na muna pero hindi niya gagawin ang sinasabi ng Prinsesa. Ngunit dahil sa kaartehan niya ay piningot siya ng Prinsesa at saka hinatak papunta sa harapan ni Bleidd. Pinagtawanan pa siya ng mga bayani dahil wala siyang nagawa sa isang babae.

“Sige na. Ayusin mo!” Ang utos ni Saber na nakapagpamangha kay Bleidd Grandeur. Siya ang eksaktong bersyon ng kan’yang kasintahan na si Aria. Hindi niya malaman kung nagkataon nga lang ba iyon. Isang hindi makapaniwalang ngiti ang sumilay sa labi ni Bleidd nang maging maamo sa kan’yang paningin ang binatang kaharap. Kakaiba si Silver at ang babaeng kasama niya na sa tingin niya ay parehong nagmula sa hinaharap ng oras nila dahil sa pagkakapareho ng kanilang uniporme. Humingi siya ng paumanhin sa Ginoo kahit labag sa kan’yang kalooban. Wala namang pagdadalawang isip siyang pinatawad ni Bleidd. Tumayo si Silver at tinitigan ang Ginoo sa kan’yang kulay asul na mga mata. Isang pares ng matang sa pakiwari niya’y nakasisilaw dahil sa pag- asa at sinseridad na ipinapakita nito. Tila ba ibang tao ang kaharap niya ng oras na iyon. Iba sa magiging hinaharap niya...

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now