Chapter 22 (Past, Present, and Future)

35 7 2
                                    

Humahangos na mga yabag patungo sa pinakamataas na parte ng tore ang maririnig. Sa pagtapak ng mga yabag na iyon sa palapag ay nasilayan kaagad ng kanilang mga mata ang isang summoned black cat spirit.

Ang summoned spirit ni Katherin na hanggang ngayon ay hindi niya ginagamit dahil hindi pa niya ito makontrol. Pilit tinatanaw nila kung sino ang taong komokontrol kay Leonidas ngunit dahil sa kadiliman ay hindi nila ito makita.

"Sino ka? Magpakita ka!" ang sigaw ni Douglas na bahagyang nasisilayan ang maliit na pangangatawan ng taong komokontrol sa summoned spirit.

"Kahit kailan ay napakaingay mo Paxton," ang saad ng taong nagtatago sa dilim. Isang pamilyar na boses na kabisado na ng lahat.

Isang pagpitik ang kan'yang ginawa na siyang nagbigay liwanag sa buong lugar. Nagliyab ang mga sulo na tila ba nakikisama sa kan'yang kagustuhan. Liwanag na nagbigay ng kaunting linaw sa malabong katanungan sa kanilang mga isipan.

Pagkagulat ang siyang gumuhit sa kanilang mga mukha nang lumantad sa kanilang harapan ang natatanging tao na kanina pang nagpapahirap sa kanila.

Napalingon si Douglas sa bayaning nasa kanang bahagi niya, si Charlton. Ngunit muling ibinalik ang paningin sa kalabang hindi nila inaasahan, si Charlton?

"Cha-Charlton?" ang nasambit ni Aegir na lumilipat ang paningin sa dalawang Katherin Charlton na naroroon sa iisang palapag ng clock tower, sa parehong oras at pagkakataon.

Isang mahabang katahimikan ang siyang namagitan sa lahat. Tila ba naparalisado ang kanilang mga katawan at dila sa hindi malamang dahilan.

"Anong ibig sabihin nito Charlton?" ang tanong ni Valin na puno ng pagdududa ang mga mata.

"Hindi ko rin alam kaya wag mo akong titigan ng ganyan, Bakulaw," ang sagot niya na halatang may iritasyon sa kan'yang pananalita at saka ibinalik ang paningin sa hindi malamang kalaban.

Kinilatis niya ang babaeng kamukhang-kamukha niya mula ulo hanggang paa. Walang duda siya ay kamukha niya. Sila ay may iisang mukha.

Mas mahabang katahimikan ang muling namutawi sa pinakamataas na palapag ng tore kung saan makikita ang paggalaw ng mga piyesa ng tore.

Ngunit ang mapait na ngiti ng kataka-takang Katherin Charlton ang siyang tumapos sa katahimikang kahit sila ay hindi maipaliwanag.

"Isinugo ka ba ng kampon ng kadiliman para gayahin ako at guluhin kami?" ang tanong ni Charlton, ang masasabing tunay na Charlton. Walang nakakaalam sa kasalukuyang sitwasyon.

"H'wag mong sabihin na kampon ako ng kadiliman dahil tayo ay iisa lang," ang sagot ng maaaring huwad na Charlton.

"Iisa?" ang tanong ng tunay na Charlton na mas lalong naguluhan sa naging sagot niya.

Ngunit ang inaakala nilang huwad na Charlton ay mabilis na binalikan ang nakaraan. Ang nakaraan na sa panahon na kanilang tinutungtungan ay hindi pa nasusulat.

Isang nakaraan na naging dahilan kung bakit siya mas tumibay at naging mas malakas na Katherin Charlton. Mga karanasang hindi niya hahayaang masayang dahil lang sa isang rebeldeng susulpot para sirain ang lahat.

Nakita iyon ng mga mata ni Saber. Ang karanasang madilim pa sa itim na siyang humubog sa ganoon kalakas na bayani. Hindi siya huwad! Siya at ang Charlton na kasama nila ay totoong iisa. Siya ang Katherin Charlton sa hinaharap.

Hindi iyon paniwalaan ni Saber. Hindi niya inaasahan ang paggulo ng takbo ng oras. May mas igugulo pa ba ang kanilang paglalakbay na iyon?

"Ano bang nangyayari?" ang nasambit ng labi ni Saber.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now