Chapter 36 |Void Unit

7 2 0
                                    

[The Void Unit]

Ilang malalaking paghakbang ang ginawa ni Silver patungo kay Fang, na halos hindi makatingin sa kan’ya ng deretso. Alam niyang mali ang ginawa niya at pinagsisisihan niya ang bagay na iyon. Ngunit ando'n na siya at tatanggapin na lamang niya ang panunumbat ng mga kasama.

Ngunit isang pagtapik lamang sa balikat niya ang tanging sagot na ibinigay sa kan’ya ni Silver.

Nagpalitan ng tingin sina Radar at Tempest na mukhang naiintindihan ang maliit na aksyon na ginawa ni Silver.

“Nagkakamali rin ang tao,” aniya at saka inilipat ang paningin kay na Radar. Tumango pa ito sa kanila, isang pahiwatig na kailangan nila ng konting oras para sa isang emergency meeting.

Nagpapalitan sila ng tingin habang nakaupo sa harapan ng isang pabilog na lamesa.

“So what are we going next?” ang tanong ni Radar na unang bumasag ng katahimikan.

“We almost have nothing. Malulubog tayo sa utang kay Lu-Shan,” ani naman ni Tempest na halatang dismayado sa ginawa ni Fang. He really knew Fang and he won’t do anything stupid like that.

“It’s on me. The whole loan, I’ll be responsible for that,” ang saad ni Fang na mababakas ang pagkadismaya sa sariling desisyon.

“Naririnig ko na you’re good at decision-making but this? It’s all excruciating in the eyes. Para kang void unit sa ginagawa mo!” ang saad ni Tempest na ikinabigla ni Radar at nagpagusot ng kilay ni Silver.

---

“Void unit?” ang tanong ng ginoong putol ang kanang braso.

“Hindi mo ba naririnig? Iyon ang tawag nila sa mga kalahi nating nalilihis ng landas. Ang tingin sa kanila ng ating lahi, mga lobong depektibo; may diperensya sa pag-iisip,” wika ni Basil habang ninanamnam ang bawat organic grapes na pinitas pa sa sariling taniman kung saan organic ang lahat ng pataba, na matiyagang inaalagaan ng kanilang mga alipin.

“Hindi ako interesadong malaman,” aniya habang nakatitig sa organic grapes na isinusubo ng kapatid. Organic grapes na alaga sa organic fertilizer.

“Hmm... Iba talaga kapag organic ang kinakain kong prutas pakiramdam ko lumalakas ako,” ang naibulalas niya habang bahagyang umagos ang katas ng ubas sa kan’yang labi na marahang pinunasan ng kan’yang kamay. Ngunit hindi pa siya nakontento, dahil ang katas na napunta sa kan’yang kamay ay kan’yang dinilaan upang masulit ang bawat katas ng organic grapes. Tila nakababaliw ang prutas na iyon; tila ba naaadik siya at ayaw niyang tigilan.

Napabuntong hininga si Bleidd kasabay ng paglalakbay ng kan’yang isipan patungo sa Amaris Garden, kung saan inaalagaan ng kanilang mga alipin ang iba’t ibang klase ng prutas at gulay. . .

Isang matandang patpating lalaki ang natanaw ang pagdating ng ilang mga gwardyang lobo kasama ang lalaking may blonde na buhok. Awtomatikong nagpatirapa siya at ang mga kasama niyang alipin upang ibigay sa kan’ya ang mainit na pagsalubong.

Napangisi ang ginoo at bahagyang inapakan ang kaawa-awang matanda sa kan’yang likuran.

“Natuto ka rin,” aniya.

Mabilis niyang ibinaling ang kan’yang atensyon sa mga kasamang gwardya, dala-dala ang tatlong mahabang lalagyan na gawa sa nylon at bioplastic at may mahabang zipper sa gitna.

“Ilabas na iyan,” ang utos niya na kaagad na sinunod ng mga gwardya.

Binuksan nila ang zipper ng mga bag at lumantad ang mga mukha ng dalawang lalaki at isang babae na nakasuot pa ng uniporme ng kanilang angkan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now