CHAPTER 27

15 4 0
                                    

[Palcrow City]

Ilang pares ng mga mata ang saksi sa pagdatal ng isang itim na tren sa harapan ng Palcrow Station, kasabay nang paglapag ng hindi mabilang na uwak na tila sumasalubong sa hindi kilalang mga bisita.

Matitikas at isa-isang lumalabas ang mga kabataang nakasuot ng puting uniporme, kasunod ang ilang kabataang gumagapang at hindi maipinta ang mga mukha, marahil sa hilo.

Umiikot ang kanilang paningin sa nakakabigla at nakakahilong biyahe nilang iyon. Tila hindi nahulaan ng ilan sa kanila na magiging katakot-takot ang kanilang unang subok sa Elidor.

Mukhang may nagtatawag na rin ng uwak sa gilid na naging dahilan upang pagtawanan sila ng ilang mga taong hindi na bagong makakita ng mga dayuhan na unang beses na narating ang kanilang lugar.

Ilang mga ngiti rin ang sumilay sa dilim nang hindi nila namamalayan.

"Ano bang klaseng tren 'yun?!" ang reklamo ni Kick kasunod ng muling pagsuka niya.

"Wala ba tayong ibang pwedeng sakyan? Ayoko nang sumakay sa Elidor," ang saad ni Silver na namumutla na rin.

"Mahihina kasi kayo," ang saad ni Zorro kasabay ng paglabas ng kan'yang kinain sa araw na iyon mula sa kan'yang bibig.

"Mayabang," ang saad naman ni Ferro na natatawa sa kayabangan ni Zorro at sa sinapit nila Kick at Silver na hindi sanay sa mga ganoong pangtransportasyong sasakyan.

Iyon ang unang beses niyang makasakay sa Elidor ngunit may mga ibang train station na rin ang may ganoong klase ng serbisyo kaya't hindi na sa kan'ya bago ang kanilang sinapit. Malamang ang iba rin niyang kasamahan na madalas niyang nakakasama sa misyon at ang mga taong palaging ipinapadala sa mga importanteng misyon katulad ng ipinunta nila sa Palcrow ay sanay na rin.
Ngunit tila nahiwagaan si Ferro sa isang Ginoo na mukhang sanay na sa ganoong mga sasakyang pang-transportasyon kaya’t naging interesante sa kan’yang paningin, ang binansagang henyo ng kanilang henerasyon.

Mayamaya pa ay may lumapit sa kanila ang isang grupo. May oversize na damit at nakasuot ng bonet. Mahahaba at may iba’t ibang kulay ang buhok. Ngunit ang kapansin-pansin sa kanila ay ang lalaking nasa early middle age, na makikitaan ng kakaibang kumpyansa sa kan’yang tikas at tindig.

“Mga bagong salta kayo. Kailangan ninyo ng tulong?” ang tanong ng lider nilang may malagong balbas at buhok na tila walis sa tigas. Nakasuot ng newsboy style na sumbrero at lumang lyocell shirt at suspender na tenernohan ng lumang sapatos na tagpi-tagpi.

“Hindi na,” ang kaagad na tugon ni Monkie na nagkaroon ng masamang kutob sa mga kaharap nila, sa unang salita pa lamang na binitiwan nito.

Sinang-ayunan rin ito ng Captain nilang si Reaper na hindi basta nagtitiwala sa kung sino.

“Aw, sayang naman. Kami pa naman ang makakatulong sa inyo. Alam namin ang pasikut sikot dito sa Palcrow,” ang wika pa nito habang hinahaplos ang kan’yang malagong bigote.

Sabay namang lumapit sina Radar at Ferro kay Fang, na mas pinagkakatiwalaan ang pagkilatis niya sa tao.

“Mukhang hindi mapagkakatiwalaan,” ang bulong ni Zorro habang kinikilatis ang mga kausap mula ulo hanggang paa.
“Hindi kaya katulad lang din sila ng mga goons sa Clock City. Anong sa tingin mo, Fang?” ang tanong naman ni Radar.

Ngunit natahimik si Fang at mababakas ang konsentrasyon sa kan’ya. Ginamit ang talas ng kan’yang tenga upang hatulan ang mga taong kaharap.

“Bakit hindi?” ang sabay na nawika ng dalawang tao mula sa panig nila.

Napalingon sa isa’t isa sina Silver at Zero dahil sa iisang sagot at marahil sa parehong hatol na ibinaba nila. Napalingon din sa kanila ang kanilang mga kasamahan dahil sa hindi maipaliwanag nilang dahilan kung bakit mas pinipili nilang pagkatiwalaan ang mga goons na kaharap nila.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now