Chapter 15

24 6 1
                                    

Marahang tinatahak ng ilang mga yabag ang makipot na hagdanan paakyat, patungo sa rooftop ng isang gusali. Marahan niyang binuksan ang pintuan at sinilip ang dalawang taong nag-uusap tungkol sa isang bagay na nakapagpasilay ng kuryosidad sa kan'yang mga mata.
"Subukan natin kung iyon lang ang paraan para makabalik sa hinaharap ng oras na ito," ang nasambit ng binatang pamilyar sa kan'ya ang hitsura. Nakita na niya ang binatang iyon. Kahit hindi siya pamilyar sa mga tao sa Clock City ay namumukhaan niya ang binata.

Hinaharap. Gusto niyang malaman ang mangyayari sa hinaharap. Kung makukuha niya ang loob ng binatang iyon o ng dalagang kasama niya, siguradong magtatagumpay siya sa mga planong matagal na niyang binubuo.

Ngunit ilang mga yabag ang kan'yang narinig kaya't nagmadali siyang umalis upang hindi siya maabutan ng taong pamilyar sa kan'ya ang existence. Ngunit sa kan'yang pagmamadali ay sumabit ang kan'yang coat sa pintuan na sumara't bumubukas sa tuwing hinahatak niya na awtomatikong nakapagpalingon kay na Silver at Saber na hanggang sa mga oras na iyon ay pinag-uusapan pa rin ang planong pagbalik sa kasalukuyan.
Sinubukan niyang umalis ngunit hindi niya mahatak ang nag-stuck niyang coat. Madali namang lumapit si Saber at Silver at sa paglapit nila ay biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang mukha ng dalubhasa at henyo sa larangan ng alkemiya. Ang henyong alkimista, si Gremlin Ainsworth.

"Siguro naman ay tapos na ang trabaho ko, Oink." Ang sabi ng summoned black boar na bunga ng kan'yang mahika.
"Oo naman, maaari ka nang makabalik sa mundo mo," ang nakangiting sagot ni Gremlin at isang patak ng likido mula sa kan'yang erlenmenyer flask ang kan'yang ipinatak sa baboy na pinalibutan ng isang pentagram na naglabas ng ipo-ipong tila lumamon sa kaibigan niyang baboy at nagpabalik sa kan'yang pinagmulan.

"Ginoong Gremlin!" Ang nasambit ni Silver na medyo nabigla dahil hindi niya akalaing matutukoy nito sa maikling oras ang kanilang lokasyon. Napailing siya mula sa likuran ng kan'yang isipan. Bakit nga ba siya magtataka? Ang henyo nga palang Alkimista ang kaharap nila.

Marahang gumalaw ang itim na bilog ng Alkimistang bayani mula kay Silver patungo sa babaeng kaharap niya. Iyon ang existence ng taong tumangay kay Silver habang sila ay nag-uusap tungkol sa traydor na bayani sa hinaharap.
"Wala akong nakikitang problema, dahil sa palagay ko ay kilala mo ang binibining kasa- kasama mo." Ang nasambit ni Gremlin na muling ibinalik ang paningin kay Silver. Napalingon naman ang binatang si Silver sa Prinsesa at saka sinagot ang kan'yang tamang hinala. Kaibigan... Iyon ang terminong ginamit niya upang ipakilala si Saber sa Ginoo. Awtomatiko namang tumaas ang kan'yang kanang kilay sa narinig dahil hanggang sa oras na iyon ay nasa kasalukuyang pa rin niyang pinagdududahan ang binata. Ang mga salita pa rin ni Admiral Argyros ang palaging sinusunod niya.

Bahagyang sumilay ang isang ngiti sa labi ni Ginoong Gremlin. Tila may isang bagay ang naglalaro sa kan'yang isipan.
"Ginoo, hindi ba't kilala ninyo ang lahat ng mga bayani? Maaari ba ninyo silang tipunin para sa amin... para makabalik na kami sa kasalukuyang oras," Pakikiusap iyon mula sa binatang bayani ngunit isang pagtanggi ang itinugon ni Gremlin na ikinabigla ng dalawa.

"Ba-bakit po Ginoo?" Ang nauutal niyang tanong. Hindi niya maintindihan kung bakit tila nag-iba ang awra ng Ginoo. Tila may kakaiba at may kalamigan na ang pakikitungo nito sa kan'ya. Nangamot si Gremlin sa kan'yang batok bago nagsalita, "Ang totoo niyan ay malaking katanungan pa ang inyong identidad sa akin," ang sabi niya na nakapag-pataas ng kilay ni Saber. Hindi niya akalaing siya ay paghihinalaan ng bayaning Ginoo. Kailanman ay hindi pa iyon nangyari sa kan'ya.

"Nag-iingat lang ako. Mahalaga ang mga bayani sa Etherea at hindi ko maaaring ipagsapalaran ang kanilang mga buhay dahil lang sa isang kahilingan ng mga taong ngayon ko lamang nakilala." Ang pagtatapat ni Gremlin sa kanila na nag-iwan pa ng isang magaang ngiti na biglang napalitan ng seryosong ekspresyon at kahungkagan sa kan'yang mga mata. Nangilabot ang dalawa dahil tila ba nag-iba na ang taong kaharap nila.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now