Chapter 21 (The Witch)

20 5 1
                                    

Dumadagundong na katahimikan ang lumukob sa mga taong naroroon ng makita si Katherin na nakatayo sa labas ng Rouxben Clock Tower, kasama nila.

"Charl! Anong ginagawa mo dito?" ang sa wakas ay naibulalas ni Delmira ng mapagtantong wala sa loob ng Clock Tower ang sinasabi ni Cross na kumuha kay Silver.

"Ano bang sinasabi ninyo kanina pa akong nandito. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ninyo napapansin ang aking presensya." ang sagot niya na nakapagpagulantang sa lahat lalo na kay Cross.

"Pero... Ikaw ang nakita kong kumuha kay Silver." ang naguguluhang sagot ni Archer na siyang nakapapasilay ng mapait na ngiti sa labi ni Aegir.
"Isa na naman ba ito sa kasinungalingan mo Archer?" ang tanong ni Aegir na nakapagpakuyom sa kan'yang kamao. Sa pakiwari niya'y nakatingin sa kan'ya ang lahat at hinughusgahan siya base sa nakaraang kasalanan niya.
"Hindi ako nagsisinungaling." ang sagot ni Cross na tila naging pipi sa mga taong bingi sa katotohanan.

"Naniniwala ako..." ang nasambit ng isang pamilyar na tinig kasunod ng pagsilay ng isang magaang ngiti na siyang nakapagpawala ng maingay na ugong sa kan'yang pandinig at nakapagpaliwanag ng mundong sandaling nagdilim.

"Naniniwala akong hindi magagawa ni Cross na magsinungaling sa 'tin. May dahilan ang lahat ng mga nangyayari..."

"At maiintindihan lamang natin iyon kung masisira natin ang salamangkang pumipigil sa atin." ang sabi ng bukod tanging tao na walang bahid ng pagdududa sa kan'ya.

Ang nais niya ay maipakita sa lahat na nag-iba na si Cross. Na maaari na rin nilang ibigay ang tiwala ng katulad ng ibinibigay nila sa kan'ya.

Ngunit ang inis ni Aegir ay hindi nakatuon sa bayani mula sa bayan ng Ulric. Sa tingin niya ay karespe- respeto ang Ginoo dahil nagmula ito sa maayos at tinitingalang angkan at kailanman ay hindi niya kaiinisan o pagdududahan. Kabaligtaran ng pakikitungo niya kay Cross na sinungalang at sa kan'yang pananaw ay magiging habangbuhay na sinungaling. Hindi siya magbabago. Iyon na siya hanggang sa siya ay malagutan ng hininga.

"Aegir... Pwede ba akong humingi ng pabor?" ang tanong ni Bleidd sa kan'ya habang nakangisi.
"H'wag mong masyadong pag-initan si Cross. Gusto ko lahat kayo ay magkasundo na parang mga nakababatang kapatid ko." ang sabi niya ng may ngiti. Isang ngiti na lingid sa kaalaman ng lahat ay nakapagpapalambot sa puso ng isang Aegir Blackbeard.

"Hindi ko maipapangako. Pero susubukan ko." ang sagot ni Aegir na madaling napaamo ng isang Bleidd Grandeur. Isa iyon sa hindi maunawaan ni Saber. Sinsero ang Ginoong sinasabing traydor ng bayan. Hindi niya nakikitang sa hinaharap ay magiging ganoon ito kasama at magiging dahilan ng rebelyon sa kasalukuyan.

Nagsimula na ang operasyon ng mga bayani. Ilang pag- atake at salamangka ang kanilang sinubukan upang ito ay masira. Ngunit ni isa ay walang naging matagumpay.

"Hindi mo ba talaga salamangka iyan, Charlton?" ang tanong ni Valin na nauubos na ang pasensya. Tila mas malakas pa iyon kaysa sa Vandal na nakakalaban nila. Umarko ang mapait na ngiti sa labi ni Charlton habang hinihiling na sana nga ay ganoon kalakas ang kan'yang salamangka. Isang salamangka na inaasam niya sa kan'yang ilang paulit- ulit na pananaliksik para mapalakas ang kan'yang flair at para hindi mahinto ang kan'yang pagkatuto at para mapagbuti ang kasalukuyang kakayahan. Ideolohiya ng isang Katherin Charlton... Ang pananaliksik sa larangan ng itim na salamangka.

Nakaramdam si Katherin ng inggit. Inggit na sa tingin niya ay itutulak siya sa mas mataas na lebel ng kasalukuyang siya. Sa isip niya'y sisigurihin niyang ilalampaso niya ang taong nagmamay- ari ng ganoon kalakas na salamangka upang mapatunayan na mas malakas siya.

"Gremlin, ano bang pwede nating gawin?" ang tanong ni Bleidd sa alkimistang nagtawag ng isang ermitanyong kabute upang suriin ang salamangkang hirap silang malaman kung paano kokontrahin.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now