Chapter 33

11 4 0
                                    

[The Worldly Place]

Tila gumagaralgal sa pag-iyak ang kalangitan. Tila nagbabadya para sa isang unos na hindi nila gugustuhing sapitin.

“Parang may bagyo yata,” ang saad ni Radar habang pinagmamasdan ang malakas na pag-ulan habang sila ay nakasilong sa isang gusali malapit sa kalsada kung saan hindi magkandamayaw ang mga tao na tila pauwi pa lamang sa kanilang mga tahanan ng ganoong oras.

Ngunit mariing tumutol si Fang, “Sadyang ganito na ang lugar na ito.”

“Anong ibig mong sabihin?” ang tanong ni Kick na tinutuyo ang kan‘yang jacket na nabasa ng ulan.

“Sabihin na lang nating hinuhugasan ng kalangitan ang kanilang mga kasalanan,” ani Fang habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad habang nakasilong sa kanilang mga payong.

Karamihan sa kanila ay may karangyaan sa kanilang mga kasuotan. Ang mga kababaihan ay kaakit-akit ang mga hitsura: mala-sutla ang buhok at mala-perlas ang kaputian; malalantik ang mga pilik at mapupula ang mga labi. Ang kanilang kasuotan ay malamang ay katumbas ng limampung ginto, petticoat pa lamang nila. Malamang ang kanilang mga sapatos ay katumbas ng tatlumpong ginto, ngunit ang kanilang mga kaluluwa ay malamang wala nang halaga. 

Rumerehistro sa mga mata ni Fang ang mga itim na aninong handa nang higupin at sibasibin ang kanilang kaluluwa, hanggang sa kanilang natitirang hininga. 

Napalingon sa gawi nila ang isang bigotelyong Ginoo na nakasuot ng puting waistcoat,black tail-coat at trousers, na tenernohan ng itim na sumbrero na sa tingin ni Fang ay nagkakahalaga ng cien oro, sa kabuuan. Isa sa pinakamayaman sa Las Veras City at lahat ng gustuhin niyang babae ay nakukuha niya dahil sa kan'yang yaman. 

“Mathias Morgan,” anas ni Tempest habang kumakawala ang usok sa kan’yang labi, marahil sa malamig na panahon.

“Kilala mo?” ang tanong ni Radar nang marinig ang sinabi ng katabi niya. Napakurap si Tempest at saka tumingin sa ibang direkyon. 

“Hindi,” tugon niya sa malagum na tinig, na siyang nagpasilay ng isang ngiti sa sulok ng labi ni Radar, dahil sa wakas ay narinig niya itong magsalita.

Mag-iisang oras na pero naroroon pa rin sila sa tabi ng isang maliit na gusali na naglalabas ng usok mula sa isang chimineya. Napatingala si Tempest, alam niyang pamilyar ang lugar na iyon; ang ilang mga tao, at maging ang amoy na lumalabas sa chimineya. Tahimik siyang napakuyom ng kan'yang kamao. Alam niyang hindi na siya makababalik pa. 

“Amoy pandesal,” ang saad ni Silver kaya napaturo si Fang sa kan'yang likuran, kung saan makikita ang isang matanda na nagbubukas na ng kan‘yang tindahan. Isang maliit na bakery na nagbebenta ng iba’t ibang klase ng tinapay at mainit na tsokolate.

“Ginoo, bukas na po ba kayo?” ang tanong ni Silver na nangangatal pa rin sa lamig.

“Hindi pa hijo,” ang saad niya kasunod ng pagsilay ng ngiti sa labi ng matanda. 

“Pero para sa inyo, magbubukas ako,” dagdag pa niya.

Saktong alas kwatro ng hapon ay hinainan sila ng matanda ng bagong lutong pandesal at isang mainit na tsokolate na umiikot ang aroma sa loob ng apat na sulok, ng maliit na panaderya. 

Unang kagat ay nalasahan na nila ang sarap ng mainit na pandesal na lalong pinasarap ng keso sa loob ng tinapay. Sinabayan pa nila ng matunog na paghigop ng mainit na tsokolate na naglalaban ang pait at tamis, na siyang tila yumakap sa kanilang mga nanlalamig na katawan.

“Namiss ko ito,” ang bulong ni Silver sa kan'yang sarili at muling kumagat ng isa pa sa pandesal na dati rati ay kinakasawaan na niya.

“Mabuti naman at nagustuhan ninyo,” ang natutuwang saad ng matanda na biglang natigilan nang mamukhaan niya ang isang binata na tahimik na humihigop ng kan'yang tsokolate. Pamilyar ngunit hindi niya matandaan kung saan nga ba niya nakita.

SILVER: THE SON OF THE REBELLION 2Where stories live. Discover now