Beginning

750 18 0
                                    

Beginning

I sighed as I chewed the edge of my pen out of frustration. Kanina ko pa sinasagutan itong assignment ko ngunit hindi ko talaga masagutan. It was just an essay. Kaya ko naman pero naubusan na talaga ako ng ideya.

Usually, my mind goes blank nowadays. I don't know why.

Gusto ko mang isisi lahat sa breakup ko, hindi naman yata tama kasi matagal na akong naka-move on do'n. Maybe, I'm having a burn out. Or maybe I just don't want to answer it now.

"Iwan mo na nga muna 'yang mga assignment mo, Becca," singhal ni Shyra, roommate ko sa dorm.

Natawa lang ako at tiningnan siyang mag-ayos kasama si Beth na kasamahan ko rin sa dorm. Galing kami sa magkaibang schools nang pumasok sa university. Noong una ay hindi pa kami magkasundo at nagkakahiyaan pa. But after two years, we became college buddies.

Sakto rin na pareho kami ng kinuhang kurso, ang Business Administration. Kaya naman mas nagkalapit pa kami.

Pareho silang naghahanda dahil may lakad raw silang dalawa. Sa palagay ko ang gagala na naman ang dalawa. Halos gabi-gabi na lang may lakad.

"Mas importante kasi 'to," sabi ko at tinuro ang papel na nasa study table ko.

"Naku, nag-ibang tao ka na talaga simula nang mag-break kayo ni Scott. Akala ko ba naka-move on ka na?" tukso niya.

Tumawa ako. "Naka-move on na nga ako."

"Eh, kung naka-move on ka na nga, sumama ka na sa amin."

Napailing na lang ako habang may maliit na tawang kumawala sa bibig ko.

It has been a year since Scott and I broke up. High school sweethearts, ika nga nila. Tatlong taon din na naging kami kaya naman hindi madaling makalimutan lahat lalo na at dahil lamang sa long distance ang naging hiwalayan namin.

I passed the entrance exam of a government university. Siya naman ay nakapasa sa isang unibersidad sa Cebu. Dalawang taon lang ang kinaya namin.

It was a mutual decision. We both got tired and we have different lives now. We just couldn't keep up with the adjusments given the fact that we're miles away.

"Naku, palusot mo lang 'yan para sumama ako, eh," sabi ko kay Shyra.

"Sumama ka na kasi, Rebecca," ani Beth. "Nakakasawa na ang babaeng 'to kasama, eh. Para naman may new face."

"Tsaka malay mo makahanap ka ng ka-forever doon," ani Shyra habang at tinaas-baba ang mga kilay.

Natawa ako. "Hindi ka-forever ang gusto kong makilala. Taga-sagot ng assignments ko ang kailangan ko ngayon."

"Hahanapan ka namin ng taga-Business Ad ro'n!" sabi ni Shyra.

Humalakhak ako. "Ewan ko sa inyo."

Tumalikod na ako upang basahin ulit iyong mga tanong sa kailangan kong sagutan kahit wala naman akong maintindihan.

Lumapit si Shyra sa 'kin. "Sige na kasi... Ang tagal mo na kayang hindi sumasama sa 'min sa bar."

"Ayaw kong maglasing. May klase pa ako bukas."

"Hindi ka naman maglalasing, eh. Chill-chill lang tayo ro'n."

"You also need to wind up, Beck," ani Beth habang nag-a-apply ng lipstick.

Ngumuso si Shyra nang tumingin ako sa kanya, pinipilit pa rin akong sumama. Pati si Becca ay pinilit ulit ako.

I usually go with them to hangout. Hindi rin naman ako masyadong nakatuon ang pansin sa eskuwela at gusto ko ring gumala. Still, I care for my grades.

Beneath the Moon's PhasesWhere stories live. Discover now