Chapter 05

343 12 6
                                    

Chapter 05

Remind

Aware ako sa mga nakatingin sa amin ni Haben, pero hindi ko ito inisip pa. I smiled at him and he smiled back. Naglakad na kami papunta sa sasakyan niya. Mas kumabog pa ang puso ko nang maamoy ang pabango niya.

He smells so good. And that was enough to make my heart go crazy.

"Hey, Haben."

Nahinto pa kami nang may bumati sa kanya. Mukhang taga-Uni kasi same kami ng ID lace. Tumingin ang lalaki sa 'kin, tapos kay Haben.

"Long time, no see," ani Haben at nag-handshake pa sila.

Hindi lang 'yun. Marami pang bumati, tumango, at ngumiti sa kanya. He is really popular. He is also friendly. Siya na talaga ang pambansang kaibigan.

Pagkatapos ay nagtungo na kami sa sasakyan niya. I was shy when I opened the passenger seat. Ramdam ko rin na nakatingin ang ilan sa amin.

His car was clean. Mukhang bago. Halata rin na sobrang mahal nito. The seatbelt strap also felt new.

May kumausap pa kay Haben kaya nahinto siya habang nakabukas nang bahagya ang pinto ng driver seat. Sobrang lakas pa ng aircon.

Kung si Ed nito, baka mabaliw siya dahil ayaw niyang may nakabukas kapag naka-aircon kasi sayang daw. Habang si Haben ay walang pakialam.

"Bye, bro!" sabi ng lalaki.

"Yeah, bye!" ani Haben at pumasok na nang tuluyan sa driver seat.

Hindi na naman mapalagay ang puso ko. Nanigas ang katawan ko habang nakatingin sa harapan.

Mahinang natawa si Haben at pinaandar na ang sasakyan.

"I'm sorry if they seem to interrupt us."

Ngumiti ako. "Ayos lang. Hindi mo naman 'yun mapipigilan."

Actually, puwede niya namang hindi pansinin. Pero parang nasa prinsipyo na talaga niya na pansinin ang mga pumapansin sa kanya o 'di kaya ang mga kilala niya.

"So let's go somewhere else. Iyong hindi matao," aniya.

"Ikaw bahala."

Nakalayo na kami sa University. Sinandal ko ang ulo sa salamin at nakatingin lamang sa labas. Baka 'pag tumingin kasi ako kay Haben na nagmamaneho ay hindi ko na maiwas pa ang titigan siya.

"So you're Rebecca Andres, right?" aniya. "What's your age? Your sign? Your birthday."

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. "Bakit?"

"Wala. Gusto ko lang na malaman. Getting to know kumbaga."

"Getting to know? Bakit gusto mong makipag-getting to know?"

"Lolo mo siguro si Socrates 'no? Alam mo ba na namatay siya dahil sa katatanong niya?" he asked.

"He didn't die because of his questions. He died because of instilling corruption towards the youth. His wisdom. Kaya nga sabi ng ilang historians na ang wisdom niya raw ay isang blessing, ngunit isa ring sumpa."

Haben smiled widely. Kumurap-kurap ako, iniisip na baka offending 'yun o baka hindi niya nagustuhan.

"Joke lang naman 'yun, eh," aniya at natawa.

Namula ang mga pisngi ko. "P-Pasensya na."

"Ba't ka naman nanghihingi ng sorry?"

"Kasi hindi ko nakuha ang joke mo?"

Tumingin sa akin si Haben at tumawa. Tuluyan na rin akong nahawa sa tawa niya. I love how his nose crunches when he laughs. Tapos iyong tawa niya rin... ang ganda pakinggan sa tainga.

Beneath the Moon's PhasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon