Chapter 17

303 12 1
                                    

Chapter 17

Rain

Pag-uwi ko sa dorm, dumiretso na muna ako sa CR at kinandado ang sarili sa isang cubicle. Binati ako ng mga dormmate ko roon at ngumiti lang ako kahit na pilit lang.

I need to calm myself.

As in, super calm.

Tumayo lang ako sa loob ng cubicle. The ladies were going in and out and it's noisy. Mabuti na rin iyon para ma-distract ako sa katotohanan na naghalikan kami ni Haben Serese.

We made out. Hard.

Naalala ko kung paano ko hinila ang kanyang batok upang mas laliman ang halik. Para ko na ring naramdaman ang kanyang paghawak sa baywang ko upang mas mas mapalapit pa ako sa kanya.

I should be happy about this, right? Nahalikan ko lang naman ang crush ko. Isang malalim na halik. Ngunit mas nabahala lang ako ro'n.

Kinalma ko nang ilang ulit ang sarili bago lumabas ng cubicle. Baka isipin pa ng mga babae roon na may ginagawa akong hindi maganda.

Pagdating sa kuwarto, wala si Beth. Si Shyra naman ay natutulog.

Hindi pa ako inaantok. Maaga pa naman, kaya naupo na lang ako sa desk ko at kinuha ang cellphone upang maaliw.

But I just kept on stalking Haben's account.

Tumingin ako kay Shyra. I knew she was not sleeping, pero hindi ko na siya kinulit pa. Gusto ko ng kausap kasi baka kapag wala akong mapagsabihan, mabaliw pa ako ng wala sa oras.

So I messaged someone.

* * *

Napangiti ako nang huminto ang sasakyan ni Drake Serese sa harapan ng dorm. I smiled even if I was not sure if he was looking at me or not.

Pagpasok ko sa shotgun seat, nagulat ako dahil naka-casual clothes lamang siya. May suot din siya na salamin.

It was very different from the Drake I usually see. Hindi siya nakapang-trabaho ngayon. Instead, suot niya ang isang gray na sweat shorts at puting t-shirt. May suot din siya na salamin at wala sa ayos ang buhok. Pero masungit pa rin ang kanyang mukha.

"Thank you kasi pumayag kang makipagkita sa 'kin," I said.

He just shrugged and started to drive.

Hindi ko akalain na papayag si Drake nang sinabi ko sa kanya na gusto kong makipag-usap. He just replied okay, tapos ay sinabihan niya akong maghintay ng ilang minuto.

Huminto ang sasakyan sa isang convenience store. Drake stopped the engine and took his wallet with him.

"Dito ka lang," aniya at mariin akong tiningnan. "Don't touch anything else inside the car."

Ngumuso ako. "Opo. Hindi naman po malikot ang mga kamay ko."

Sinamaan niya ako ng tingin at lumabas na ng sasakyan. I just chuckled and watched him walked towards the convenience store.

After a few minutes, lumabas na siya na may dalang supot. I bet it's food. Pumasok na siya sa sasakyan at inilagay sa backseat ang pinamili.

"May binili ka bang tubig?" tanong ko.

Tumango siya. "Nasa supot."

"Pahingi ako."

Tumango ulit siya. Kinuha ko sa supot ang isang mineral water. Napansin ko na rin na may mga bottled can sa loob at iilang chips at mga pagkain.

Binuksan ko na ito at uminom.

"Kumain ka na ba?"

Muntik na akong maubo sa tanong niya. Tumingin saglit si Drake sa akin habang nakasimangot bago ibinalik ang mga mata sa daan. Sinara ko na ang bottled water at inilagay sa kandungan ko.

Beneath the Moon's PhasesWhere stories live. Discover now