Chapter 08

354 15 2
                                    

Chapter 08

Prize

"O, saan ka galing?" tanong ni Shyra nang pumasok ako sa kuwarto. Mukhang kakarating niya lang kasi hindi pa siya nakakapagbihis. Si Beth naman ay wala pa rin.

"Nagtapon lang ng basura," I replied.

She nodded. Kinuha na niya ang toiletress at nagpaalam na pupunta sa public bath. Nang ako na lang mag-isa ay naupo ako sa kama ko at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

Inisip ko iyong tungkol sa offer ni Drake. It was absurd. How could he ask me to that something so petty? Para na rin akong naging watchdog kung ganoon.

Ang dami kong tanong na dapat ko sanang tinanong kanina. Kaso masyado pa akong naguluhan. Mag-iisip pa naman ako. Hindi pa ako pumapayag.

It is also scary. Paano kung malaman ni Haben na nirereport ko lahat sa half brother niya? Nakaka-offend naman 'yun.

Kinuha ko ang cellphone at nakita ang text ni Drake do'n.

Drake:

This is Drake. Do reply if you have already decided.

Pati sa text ay parang nag-e-email lang. Sorbang pormal niya. Ibang-iba kay Haben.

Pagbalik ni Shyra ay magkasama na sila ni Beth. Naka-pantulog na siya. Si Beth naman ay mukhang kakauwi lang din. They were giggling. Ngunit nahinto sila nang makita ako.

"Bakit?" I asked, raising my brow.

Tumingin si Shyra kay Beth, tapos sa 'kin. "Kasi nag-usap kami ni Beth. Double date raw."

Ngumiti si Beth at inilagay ang bag niya sa upuan. They all looked at my weird expression.

"Double date? Eh, palagi naman talaga kayong magkakasama."

Kahit saan naman kami pumunta, halos parang naging double date na. Fifth wheel nga lang ako, pero okay lang din naman. We would go to pubs or restaurants. We would hang out and they're all lovey-dovey.

"Iba kasi, Becca," ani Shyra. "Formal date. Iyong sa mga restaurant. Iyong mga gano'n."

Lumapit si Beth sa amin. "Yung parang sa mga pelikula. Na susunduin kami nina Polo at Ed rito tapos naka-casual kami."

Shyra sighed dreamily. "Tapos may pa-flowers at pa-reservation."

"Excited na ako! Tapos may pa-wine."

"Tapos seryoso 'yung pag-uusapan natin, alam mo 'yun."

Napangiti ako nang makita ang mga mukha nilang nag-uusap tungkol sa date. Seeing them happy makes me happy, too.

Humagikhik si Shyra. "Tapos iba ang mood kasi may pa-jazz music sa background."

"Tapos hahalikan ni Polo ang kamay ko."

They both sighed dreamily. Ngunit naputol ang imahinasyon nila nang tumingin sila sa akin.

"Bakit?" I asked.

"Ayos lang ba sa 'yo?" tanong ni Shyra. Tumingin siya sa kay Beth, tapos sa akin. "Kasi siyempre date 'yun. Double date. Tapos ikaw..."

Kaagad naman na sumingit si Beth. "Gusto ka naman naming isama Becca, kaso..."

Nakuha ko kung ano ang gusto nilang sabihan. I am happy that they are even considerate about it. Nag-aalala talaga sila. And I am so lucky to have them.

"Ano ba kayo," sabi ko at ngumiti. "Ayos lang. Double date 'yan. Puwede naman na hindi ako kasama."

"Pero kasi..." Beth trailed off.

Beneath the Moon's PhasesWhere stories live. Discover now