Chapter 25

363 14 2
                                    

This is the final chapter followed by the End. Thank you!

--

Chapter 25

Date

Malamig ang gabi kaya mas hinila ko nang mas mariin ang cardigan na suot sa katawan. Hindi rin nakatulong na kinakabahan ako kaya parang yelo na ang kamay ko.

Simula nang nag-usap kami ni Haben, alam ko na kaagad kung ano ang dapat na gawin—I will tell my friends about it. I will properly introduce him to them. Not yet as a girlfriend. Pero si Haben na rin naman ang may sabi.

Sana nga lang maging maayos ang gabing ito.

Nag-vibrate ang cellphone ko at nadismaya nang si Beth lang pala ang nag-text.

Beth:

Wala pa ba siya? Biliiiiis nag order na kami

Me:

Wala pa

Beth:

Basta pag dumating na ang food di na namin kayo hihintayin :P

Natawa lamang ako at hindi na nag-reply.

Nasa labas ako ng restaurant para hintayin si Haben. Nag-insist talaga ako kasi hindi ko kaya ang mga tingin sa akin ni Shyra. Nakalabas din mula sa ospital si Ed dahil maayos naman na ang lagay niya.

Mas mabuti rin iyon para makontrol niya ang girlfriend niyang parang halimaw kung magalit. She really hates the idea of having dinner with Haben.

It has been days since the talk but it still feels like yesterday. Haben was slowly fixing his self and his family. I was always there for him.

Madalas ay sabay kaming tumatambay sa coffee shop upang mag-aral. Noong isang araw nga ay nakasama namin ang pinsan niya at iyong girlfriend na kaibigan ni Haben at sobrang dami ng tattoo.

Slowly, we were getting comfortable. We were getting there. At ayaw kong padaliin ito. Gusto ko na masanay na muna siya.

It's rare for men to open up with their issues in life. Kaya sobrang nagpapasalamat ako kay Haben dahil sinabi niya sa akin lahat.

Kaya naman kailangan na may gawin din ako. This is one thing.

My friends are everything to me. Para ko na rin silang pamilya. Gusto ko siyang ipakilala sa kanila nang mas maayos. I refrained the idea of telling them about Haben's reasons because it's not my story to tell... but they already have an idea.

Mas nadagdagan ang kaba ko nang dumating ang sasakyan ni Haben. I watched him park at the far end. Maya-maya pa ay namatay ang makina nito at lumabas na siya mula sa driver's seat.

Kaagad niya akong nakita. He gave me a cheeky smile. Ngumiti rin ako pabalik. Inayos niya ang buhok niya at naglakad na papunta sa 'kin pagkatapos na isara ang pinto ng kanyang sasakyan.

Haben Serese was wearing a white polo and off-white pants. His thin gold watch made his entire look extra fancy. Ang pogi masyado.

"Hey," aniya at tinapik nang marahan ang tuktok ng ulo ko. "Pwede naman na huwag mo na akong hintayin."

"Kinakabahan ako, eh."

He just chuckled. Kinuha niya ang kamay ko at naglakad na kami papasok sa restaurant.

"Pero disclaimer lang, si Shyra... 'yung girlfriend ni Ed?"

Tumango siya.

"Kasi... kapag galit ay masasamang salita ang lumalabas sa bibig niya. Baka mapag-initan ka."

Beneath the Moon's PhasesWhere stories live. Discover now