Chapter 13

309 16 1
                                    

Chapter 13

Line

Hindi na ulit ako bumalik sa loob ng bar. Nanatili ako sa tabi ni Haben. The silence turned into small talks. And it was peaceful. Quiet. Comfortable. It's the true Harold Benedict. Unlike the one he usually displays.

'Di na rin naman ako nagtagal pa kasi tumawag si Shyra at tinanong kung nasaan na raw ako. Kailangan na naming umuwi kundi ay maabutan kami ng lights out sa dorm.

We were rushing. Shyra was so drunk. Hindi na namin siya makausap nang maayos. Beth, Ed, and I were the only normal. Si Polo kasi ay tulog na at nalasing. Pero si Shyra talaga, eh...

Sobrang ingay niya kapag lasing. Nagpatugtog siya ng kahit na anong kanta mula sa cellphone niya. She was singing along even if it's not the right lyrics.

Ang boyfriend niya naman na nagda-drive ay nakangiti at tawa nang tawa. In love, eh. Habang kami naman ni Beth ay halos itulak na si Shyra.

"Ang dami niya bang nainom?" tanong ko kay Beth.

"Oo. Sila lang yata ni Polo ang nakaubos ng mga alak. Ed did not drink even once. Ako naman ay sakto lang."

Tumango-tango ako. I looked at Ed. Nitong mga nakaraang araw, hindi na siya umiinom ng alak. Siya pa naman itong todo-laklak dati.

Gusto kong magtanong. Gusto ko rin na tuksuhin siya. Pero hindi ko na lang siya inistorbo. Sobrang nag-e-enjoy kay Shyra na panay ang kanta. Nasa passenger seat pa siya, ah.

"Saan ka ba kasi nagpunta?" ani Beth sa 'kin.

I smiled. "Sa labas lang. Nagpahangin."

"Ng dalawang oras? Hindi ka ba nabagot man lang?"

"Hindi."

Beth looked at me like I'm lying. Of course, nagsisinungaling naman talaga ako.

"Kasama mo si Haben?" aniya.

Tumingin ako sa labas ng bintana. "Oo."

"Nag-usap kayo?"

"Hindi," I lied. "Hindi ko siya kasama nang buong magdamag. Nagkita lang kami sa labas at nag-usap sandali."

I don't want them to exaggerate. Kahit na hindi man nila sabihin, ramdam ko ang pag-aalala nila. I was wreck when Scott and I broke up. Dapat na matakot ako roon, pero mas naging matapang lang ako ngayon.

Haben is very different from Scott. My ex was a better man. May prinsipyo. Kaya naman nauwi sa mabuting usapan ang hiwalayan namin. He was intelligent and full of dignity.

Haben... he was more like a boy next door. Puro fun. Ayaw ng commitment.

Kung ikukumpara ko man silang dalawa, Scott is the better option. Haben will only cause me heartbreak. But at this moment, I don't care anymore.

"Kaya niyo ba siya?" tanong ni Ed nang dumating na kami sa harapan ng dorm.

Nakaakbay si Shyra sa amin ni Beth. Pareho kaming nabibigatan, pero wala rin naman kaming choice. Bawal pumasok ang mga lalaki sa dorm.

"Kakayanin," sagot ni Beth. "Ikaw na bahala kay Polo."

Beth's boyfriend was sleeping peacefully in the backseat. Ito talaga ang ayaw ko sa mga gala, eh. Mahilig maglasing si Shyra, pero kami palagi ni Beth ang kakarga sa kanya pag-uwi.

"Mauna na ako," paalam ni Ed.

Hindi na namin hinintay ang sasakyan niya. Nagtungo na kami ni Beth sa loob ng dorm. Sakto naman at ini-lock na ng guard ang pinto pagpasok namin.

Beneath the Moon's PhasesWhere stories live. Discover now