Chapter 16

319 13 2
                                    

Chapter 16

Almost

Nagpasya kami nina Ed, Polo, Shyra, at Beth na sabay-sabay magpa-enroll. Nag-usap din kami na sabay kaming kakain sa bagong bukas na local diner pagkatapos. It's the first time we'll be together after a month. Nakakamiss din.

"Nasa baba na raw sila," sabi ni Beth.

Naghanda na kami at isinara ang kuwarto namin. Paglabas namin sa dorm, nakaabang na ang sasakyan ni Polo. Nasa shotgun seat si Ed.

"Magandang umaga," bati ko sa kanila.

Si Polo ay ngumiti sa 'kin at bumati pabalik, pero si Ed ay tumango lang at parang wala sa mood. He was never like that. Ever. In fact, mas maingay pa nga siya kay Polo, eh.

Tsaka ko lang napapansin na parang pagod siya ngayon at namumutla. We all have moods. Baka hindi lang maayos ang gising niya ngayon.

Kaming mga babae ay nasa likuran. Pinatay ni Polo ang aircon upang buksan ang bintana.

"Huwag kayong mang-iwan, ah?" ani Shyra sa amin. "Sa College of Business tayo mauna, tapos punta tayo sa Admin."

"Kayo ba?" tanong ni Beth kay Ed ngunit hindi siya pinansin nito. Beth's eyebrows furrowed.

Si Polo ang sumagot habang nagda-drive. "Didiretso ako sa College of Engineering. Si Ed naman ay sa college nila. Pero magkikita kami bago tayo magkita-kita."

Tumango-tango si Beth ngunit hindi pa rin siya mapalagay na hindi siya pinansin ni Ed.

Tumingin ako kay Shyra kasi baka nag-away ang dalawa pero parang hindi naman. Kasi kung totoong nag-away sila, baka ang sungit na ni Shyra ngayon kasi hindi siya ang tipong nagpapatalo. Pero wala, eh.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng department namin kaya bumaba na kaming tatlo.

"Text niyo na lang ako, okay?" ani Polo.

"Okay, babe," si Beth.

Lumingon ako kay Ed pero hindi man lang siya tumingin sa amin. Polo nodded and drove away.

"Shy," I called. "Anong meron kay Ed?"

She was busy with her phone. "I don't know. Baka wala lang sa mood. He's like that sometimes and I don't want to bother him. I'll just initiate a talk if he's fine."

"Pero ang bastos lang kasi," sabi ni Beth nang pumasok na kami sa building namin.

"Hindi naman siya gano'n, ah?" I asked.

Shyra sighed. "Hindi ko rin alam diyan kay Ed. Daig pa ang babae na may period."

"Pero pansin niyo na nitong mga nakaraang buwan, ganyan din siya. 'di ba?"

I nodded at Beth. "Tapos ang KJ na niya."

Shyra shrugged, pretending that it doesn't bother her but I saw that she's worried.

"Baka may family problem lang," aniya.

I doubt it. Maayos ang pamilya ni Ed. Pero posible rin naman kasi hindi naman natin maiiwasan na magkaroon ng problema.

"Pero kahit na," si Beth. "He can just be kind, you know. Hindi na rin siya sumasama sa mga night outs natin. Are you sure he's fine, Shy?"

"Hindi ko alam. Minsan napipikon na rin ako pero hinahayaan ko na. Ayokong mag-away kami."

Hindi na namin pinag-usapan si Ed at nagsimula nang trabahuin ang mga papel namin para sa enrollment.

It was hot and the Admin building was too far. Pero nilakad namin iyon. Sobrang dami pang tao kaya mataas ang pila.

Beneath the Moon's PhasesWhere stories live. Discover now