Chapter 12

332 13 1
                                    

Chapter 12

Secret Spot

Halos magkasama kami ni Haben araw-araw. Nag-aaral kami para sa paparating na exam. Kung saan-saang coffee shop na rin kami tumambay. Sa tuwing may nakakakilala sa kanya, binabati siya. Tumitingin din sila sa akin.

I know they are curious. Iyong mga ka-block ko ay panay rin ang tanong. Ang mga kaibigan ko naman, nagpapatay-mali kahit gustong-gusto na rin nilang maki-tsismis. Lalo na si Shyra.

They were all linking me to Haben.

Some were neutral about it. Some were really asking me about our status.

"Naku, friendly naman talaga si Haben Serese. Baka nga magkaibigan lang talaga sila," rinig kong sabi ng isang ka-block.

"Baka nasa dating stage na sila. Sobrang flirty kaya ni Haben."

"Siguro nanliligaw."

Of course, hanging out with Haben would create a fuss. He's popular after all. Para bang nasali na rin ako sa tsismis nila. Hindi lang sa university ko, pati na rin sa ibang eskuwelahan.

They all labeled me as his new friend. Hindi na rin naman daw bago para sa kanila.

Hindi ko na rin pinansin. I am happy to be Haben's friend. That's all that matters.

Pagkatapos ng huli kong exam, pagod akong umupo sa bench na nasa labas ng department building namin. Kahit tapos na ang exam, nanlalamig pa rin ang mga kamay ko sa kaba.

Unang lumapit si Beth sa akin na kakalabas lang din ng building. Halata ang pagod sa mukha niya. Mukhang iiyak na nga, eh.

"Ang hirap," daing niya. "Sumasakit ang ulo ko habang nag-e-exam."

"Ako rin. Hindi ko akalain na sobrang hirap nilang magpa-exam ngayon."

"Sana talaga wala akong bagsak." She clasped her hands like she's praying. "Sana talaga. Ayaw ko nang ulitin pa ang mga subject na iyon. Sobrang hirap."

Ako rin ay napadasal na. "Oo nga. Sana wala akong bagsak para hindi na ako mahirapan pa."

"Tapos wala na kayo kung sakali! Naku, wala na akong makokopyahan. Tsaka mag-isa na lang ako. Ayoko no'n."

I sighed. "Kinakabahan tuloy ako."

Beth groaned. "Kapag nasa exam, blangko ang utak ko. Ngayong tapos na, sobrang active naman nito sa pag-o-overthink! Nakakainis."

Shyra frowned when she saw us both. Hawak niya ang bag niya na nakasablay sa kanyang kanang balikat. Kumpara sa aming dalawa, masigla siya.

"What's the fuss all about?" aniya.

"Iniisip lang namin kung bagsak kami this sem," sabi ko.

Beth even knocked on wood. Sobrang ayaw talaga naming bumagsak. Nasubukan ko na minsan. Sobrang hirap kasi hindi mo kilala ang mga kasama mo sa klase, kaya sobrang hirap magtanong.

Once lang 'yun at pinangako ko na hindi na ito mauulit. Pero mukhang malabo kasi sobrang hirap talaga ng huling exam.

Nag-aral naman ako, pero iba pa rin ang kutob ko. Gusto ko tuloy umuwi at yakapin si Mama at Papa.

"Sobrang nega ninyo," suway ni Shyra. "Dapat nga ay maging masaya kayo kasi tapos na ang exam. Summer vacation is coming!"

"Bakit? Confident ka ba masyado sa mga sagot mo sa exam?" ani Beth sa kanya.

"Hindi. But it doesn't matter. Basta tapos na ako. Iyan ang importante."

"Hay, hindi ka man lang ba nag-aalala kung babagsak ka this sem?" it was my turn to ask.

Beneath the Moon's PhasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon