Chapter 06

352 10 2
                                    

Chapter 06

Talk

Nagtipon kami nina Shyra at Beth sa kuwarto upang mag-brainstorm para sa gagawin naming birthday surprise para kay Ed. Kanina pa niya kami tinatanong dahil walang maisip si Shyra.

"Hindi rin naman kasi ako sanay sa mga ganito kaya wala akong alam," she dramatically said and slumped down on Beth's bed.

"Kung yayain mo na lang kaya siya sa dinner?" tanong ni Beth.

"Hindi nga kasi. Gusto ko ng surprise. 'Yung mga party kumbaga."

"Eh, 'yung mga typical na surprise na lang," sabi ko at lumapit sa kanya. "Iimbitahan mo lahat ng mga kaibigan niya sa isang closed place. Tapos sasabihin mo na may nangyaring masama o 'di kaya'y papupuntahin mo siya ro'n. And then, surprise!"

Tumawa si Beth. "Parang teacher's day lang."

"Pero gumagana pa rin naman." I nodded my head.

Shyra was worried. "Paano kung pumalpak?"

"Paano kung hindi?" tugon ko naman.

Tinitigan ako nang matagal ni Shyra. Ngumiti ako sa kanya.

Na-surprise ko na si Scott noon gamit 'yun. Naalala ko pa kung gaano ito gumana sa kanya at kung paano niya ako hinalikan sa pisngi pagkatapos. I was the happiest. Kaya naman gagana rin ito kay Shyra.

Mahal na mahal kaya siya ni Ed. They started out as flings but things got serious. Kahit minsan lang din sila nagp-PDA kasi ayaw ni Shyra, nakikita ko rin naman na malakas ang tama ni Shyra kay Ed.

"So 'yun na ba ang plano?" ani Beth at naghikab na.

"It's not a bad idea." Tumayo si Shyra at kinuha ang cellphone niya. "Since next week na, I should call his friends, right? Pati na rin iyong lugar at mga inumin?"

"Malamang," ani Beth. "Pero unahin mo na muna ang mga kaibigan niya."

Tumango ako. "Oo nga. Para ma-estimate mo iyong mga dapat mong bilhin at 'yung capacity ng lugar."

Beth raised her hands. "I know a lot of places. Ako na bahala diyan."

"Thank you!" si Shyra. "So who am I going to call? Kaunti lang ang medyo ka-close ko."

"Just make sure they won't spill anything," sabi ko. "Naku, hindi na 'yan magiging surprise."

Tumayo si Beth at nag-inat sa space na nasa gitna ng mga kama. "Tawagan mo na lang ang isa niyang kaibigan, 'yung may maraming kakilala."

Shyra scrolled at her phone, focusing so much. Nagpunta ako sa desk ko upang mag-aral nang konti. Hindi pa rin naman ako inaantok, eh. Si Beth mukhang naghahanda nang matulog.

Shyra gasped. "Alam ko na!"

We both looked at her. Nagkatinginan kami ni Beth, parehong nagtataka. Lalo na nang tinuro ako ni Shyra. I got scared when she marched towards me.

"Bakit?" takot kong tanong.

"You can contact Haben! He knows a lot of people. He knows Ed's friends!"

"Bakit ako?"

"Eh, close kayo!"

Umiling ako. "Hindi kami close."

"Hindi kayo close pero nagcha-chat gabi-gabi?"

I looked at her, completely dazed. Hindi ko alam kung paano dedepensa kasi tama naman siya.

Hindi ko alam kung close na ba kami ni Haben. I have a feeling that we have shared a lot but it seems like I still can't reach him.

Tsaka hindi naman gabi-gabi. Every other day lang.

Beneath the Moon's PhasesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt