Chapter 18

298 11 0
                                    

Chapter 18

Rooftop

Alam ko na may kabayaran ang lahat. The kiss—it's not just a bliss. More like a curse.

Hindi ako tanga para hindi mahalata na gusto rin ako ni Haben. Na ang tagal na niyang gustong gawin 'yun sa paraan ng paghawak niya sa 'kin. I also felt the same.

But I never thought it will be like this.

Alam ko na ayaw niya ng commitment. Wala rin akong pakialam kung hinahalikan ba niya ang mga kaibigan niya. But our friendship was genuine.

I was there when he needed someone to talk to.

I was there when he got his dog.

I was there when he was vulnerable.

I was there when he showed what's beneath his phases.

Ngunit ngayon, hindi ko alam kung mag-uusap ba ulit kami ni Haben.

Simula kasi noong nagkita kami sa coffee shop ay hindi na ako nagtangka pang kumausap sa kanya. Wala na rin siyang sinabi sa 'kin.

He's still active on social media. Panay ang post niya ng IG story sa kung saang party at iba pang gala. Ngunit hindi na niya ulit ako kinausap pa.

Sobrang tahimik ng kuwarto namin.

Sina Shyra at Ed ay nagkakalabuan na. Sina Polo at Beth naman ay naaapektuhan. And I was also having this problem with Haben.

"Ayos pa ba tayo?" sabay mahinang tawa ni Beth.

Shyra did not answer.

I assured them with a smile. "Ayos pa. At maaayos din 'to."

Shyra snorted. "As if. Eh, hindi na nga ako kinakausap ni Ed. Panay ang text ko sa kanya pero ayaw niyang makipag-usap. Pinuntahan ko siya sa building nila pero hindi man lang ako pinansin."

Ramdam na ramdam namin ang galit ni Shyra. Padabog siyang umupo sa kama ni Beth at pinigilan ang kanyang luha sa pagtulo.

"Hindi ko alam kung magiging maayos pa ba 'to. Pero sana naman kausapin ako ni Ed. Hindi ko alam kung ano ang problema niya. Hindi ko alam kung ano ang naging problema. At para na akong baliw kaiisip no'n!"

Lumapit si Beth sa kanya at ipinatong ang ulo sa kanyang balikat. We let Shyra cry. Pati kami ay naiiyak na rin.

Ngayon lang kasi kami nag-away nang ganito kalaki. Sanay na kami na sina Beth at Polo ang palaging nagbabangayan. Pero hindi kami sanay na sina Ed na at Shyra.

They were strong. Inseparable.

Kahit na sobrang sungit at bossy ni Shyra, kaya ito ni Ed. Tinatawanan niya nga lang ang girlfriend niya, eh. And I can see it in his eyes that he loves her.

Kung ano man ang problema niya, sana nga ay magsabi na siya.

Hindi lang si Shyra ang naapektuhan. Pati na rin ang pagkakaibigan namin.

Isang buwan na ang lumipas at hindi pa rin kami nagkakausap ni Haben. Hindi na rin ako sumubok pa. Para bang pilit ko na lang kinalimutan iyong pagkakaibigan namin.

"Uuwi ka na?" tanong ng ka-block ko pagkatapos ng klase namin.

"Oo. Mag-aaral pa ako."

"Malayo pa naman ang exam. Tara bar tayo!"

Ngumiti ako. "Pass na muna."

"Ano ba 'yan. Noong nakaraan ay wala rin kayo. Anong problema? Hindi ko na kayo nakikita sa bar, ah?"

Beneath the Moon's PhasesWhere stories live. Discover now