Chapter 14

325 13 1
                                    

Chapter 14

Haha

Dahil patapos na ang sem, kaunti na lang ang mga tao sa dorm. Ang iba ay umuwi na sa kani-kanilang mga bahay. Iyong iba naman ay mananatili rito dahil sa summer classes. I was left behind before. It was very lonely. Kaya naman susulitin ko ang bakasyon.

Nakaugalian na naming tatlo na may magaganap na general cleaning bago kami umalis. Kaya naman naglinis kami sa mga kalat namin.

"So ako ang unang aalis, 'di ba?" tanong ni Shyra sa amin habang nagpa-pack na siya ng mga gamit niya.

"Yup. My parents will be here tomorrow or the day after that. Didiretso na kami sa Palawan," ani Beth.

"Di ba, sasama si Polo sa 'yo?"

Beth shrugged and looked away. Nagbuntong-hininga si Shyra at humalukipkip habang nakatingin nang mariin sa kanya.

"Don't tell me, nag-away na naman kayo?"

Hindi sumagot si Beth.

"Naku, Elizabeth... Panay ang away ninyo ni Polo nitong mga nakaraang araw, ah?"

Lumapit ako kay Beth. "Ayos lang ba kayo?"

"Ewan ko sa kanya! Nakakainis! Kahit sa mga maliliit na bagay, pinag-aawayan namin. Pagod na pagod na ako sa kanya."

"Edi hiwalayan mo."

"Shyra," suway ko pero inirapan niya lang kami at nagpatuloy sa pag-iimpake.

"Kung pagod ka na kasi, Beth, hiwalayan mo na. Ba't mo pa pinapatagal kung hindi na kayo masaya?"

Minsan, gusto ko talagang i-stapler ang bibig ni Shyra. Alam naman namin na insensitive at straightforward siyang tao, pero minsan talaga ay walang preno, eh.

Shyra scoffed and looked at her. "Hindi mo mahiwalayan 'no?"

"Shy..." tawag ko.

"Hindi, Becca. Pag-usapan natin 'to." Humarap siya kay Beth. "Sabi mo na pagod ka na sa relasyon niyo? Ba't ayaw mo pang hiwalayan?"

Hindi sumagot si Beth.

"Kasi mahal mo pa. A relationship isn't just about butterflies and rainbows, Beth. Parte rin diyan ang pagsasakripisyo at sakit. Nasa sa 'yo na kung hindi mo kayang magtiis para kay Polo."

Well, she has a point. Kinapa ko na lang ang likuran ni Beth para pakalmahin siya. Gusto ko mang sumabat sa pangangaral ni Shyra, I think she had enough.

"Kaibigan ko rin si Polo, Beth. Naririnig ko rin ang mga hinaing niya tungkol sa 'yo. You always run away when there's a problem. Talk to him. Fix it."

"Madali lang kasi sa 'yo na sabihin 'yan."

Suminghal si Shyra. "Wala naman kasing madali. Hindi ko naman relasyon 'yan kaya labas na ako."

Ngumiti ako kay Beth. "Tama naman kasi Shyra, Beth."

"See?" ani Shyra.

"Kailangan niyo ngang mag-usap ni Polo. Pero dapat din pareho kayong kalmado. Kapag galit kasi kayo, baka may masabi kayong hindi niyo magustuhan."

I've been in a lot of fights with Scott before. My parents also fight a lot. Pero normal lang naman 'yan, eh. Ang hindi normal ay iyong magpanggap na walang problema.

Beth and Polo always run away when they have problems. Magbabati lang din naman sila kalaunan nang hindi pinag-uusapan iyong dati nilang problema. And it is not healthy at all.

"I will try to talk to him tomorrow morning," sabi ni Beth.

Ngumiti ako sa kanya upang mas i-encourage pa siya.

Beneath the Moon's PhasesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora