Chapter 20

340 12 3
                                    

Chapter 20

Comfort

Walang nagsalita sa aming dalawa ni Drake nang hinatid niya ako pauwi sa dorm. Tahimik akong umiyak. Hindi ko napigilan ang luha ko at hinayaan ko na lang.

I don't want to pretend that I'm okay now. Kasi hindi ako okay.

Hindi ko pinagsisihan ang nasabi ko kay Haben. He deserved to hear that anyway.

Huminto ang sasakyan. Tumingin si Drake sa akin, nag-iisip kung ano ang sasabihin. He was uneasy with all of this.

"Pasensya ka na," sabi ko. "Sorry kung nadamay ka pa sa gulo ko. Nakakahiya."

I meant it so much. Kapatid niya pa rin si Haben kahit sang-ayon siya na mali ito. And he looked like my driver the whole time.

"Are you going to be okay?" mahina niyang tanong.

Tumango ako. "I think so. Pasensya ka na talaga-"

"Stop that. We're friends. You can call me anytime."

Napangiti ako. The fact that he hugged me earlier was so not him.

Masungit at tahimik na tao si Drake. Halata rin na mahilig siyang mag-boss sa kahit saan. At nagkakilala lang kami dahil sa pakiusap niya tungkol kay Haben.

Pero naging mabuti siyang kaibigan. He was the epitome of peace. Drake can comfort you with silence—that's what makes him unique.

"If you ever feel lonely, call me and I'll be there," aniya.

"Okay. Salamat ulit."

Pagod akong lumabas mula sa sasakyan niya. I did not even wait for his car to go away anymore like I used to do all the time. Gusto ko lang na humiga at umiyak.

Nakayuko lang ako kasi namumugto ang aking mga mata. Hindi na nga ako bumati pabalik sa mga ka-dorm ko. I just walked towards my room like a zombie.

Pagpasok ko sa loob, nag-aaral sa mesa sina Beth at Shyra. Tumingin sila sa akin. May itatanong sana si Beth ngunit nahinto siya nang napansin ang mga mata ko.

That was the cue.

Sumandal ako sa pintuan at humikbi. It was small and tiny sobs, then it became an ugly cry.

Maya-maya pa ay umiyak na rin si Shyra. I placed my hands on my face as I cried my heart out. Shyra was also crying so hard.

Bihira lang siyang umiyak. Si Shyra ang pinakamatapang at pinakapalaban sa aming tatlo. Pero wala na akong panahon pa para magulat doon.

Naglakad ako papunta sa kanila at umupo sa bakanteng mesa.

"Ano ba 'yan, naiiyak na rin ako," ani Beth.

"Ed is a fucking idiot," sabi ni Shyra sa pagitan ng pag-iyak. "Kung ayaw na niya sa 'kin, edi sana sabihin niya. He just discarded me like a rotten cabbage. Putangina."

"I got rejected by Harold Benedict Serese."

Tumingin silang dalawa sa 'kin. Shyra even stopped crying for a moment.

"Ano?" tanong niya.

"He rejected me."

Beth pouted and hugged me from the side. "I'm sorry, Beck."

"Ano bang problema sa mga lalaki ngayon?" ani Shyra.

"I'm sorry, guys," bungad ko habang umiiyak pa rin. "I know you already warned me about him. Deep inside, alam ko rin na walang patutunguhan ang nararamdaman ko para sa kanya. I guess I was just too hopeful that he'll change."

Beneath the Moon's PhasesWhere stories live. Discover now