Chapter 21

328 13 6
                                    

Chapter 21

Home

Nanginginig ang mga kamay ko sa buong biyahe. Nagsimula na akong umiyak kahit hindi ko pa naman alam ang buong kuwento. Tahimik lang din si Drake habang nagmamaneho.

My heart pounded and I couldn't breathe properly because of crying. Drake silently handed me the water bottle.

"Thanks," I muttered.

Ininom ko iyon at bahagyang kumalma. Still, my hands were shaking.

"Are you gonna be fine, Rebecca?" Drake whispered.

"Hindi ko alam," my voice broke.

"Do you want me to stay?"

Dahan-dahan akong umiling. "Hindi na, Drake. Maraming salamat."

His lips pursed in a thin line, not satisfied about my answer.

Halata na ayaw niyang makinig sa akin. Gusto niyang manatili para sa akin ngunit nahihiya na ako. I want to but he has a life.

"Just... run to me if you are sad. I will always be here," seryoso niyang sabi habang hindi inaalis ang tingin sa daan.

I gave him a weak smile because that's what I could offer. Hindi ako mapalagay at gusto kong lumipad papunta sa mga kaibigan ko.

Habang papalapit nang papalapit sa ospital, para na akong nasusuka. I don't know if I can make it.

Nahalata ni Drake na hindi ako mapakali kaya hinawakan ng kanan niyang kamay ang kaliwa kong kamay. His other hand was on the steering wheel. He squeezed it and smiled at me.

Bihira lang ngumingiti si Drake kaya alam ko na sincere siya. Somehow, I calmed down. I smiled back.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng ospital. Napahinga ako nang malalim.

Tumingin ako kay Drake. He gave a small nod. I nodded back. Buong tapang akong lumabas ng sasakyan.

Pagpasok sa ospital ay dumiretso na ako sa floor na tinext ni Shyra sa akin. Sobrang lamig ng kamay ko habang naglalakad. The white walls haunted me. I got very anxious when a lady in a wheelchair passed by.

Nang nakita ko ang mga kaibigan ko, tumulo ang mga luha ko.

Polo was standing while comforting Beth before his girlfriend came running towards me. Shyra was drained, sitting on the bench while facing the wall. Niyakap ako ni Beth.

"A-Anong nangyayari?" tanong ko.

Umiyak siya. "Si Ed..."

"Anong nangyari, Beth?"

Kumalas siya sa yakap at tumingin kay Polo. He sighed and walked towards me.

"I'm sorry for being an asshole, Becca," bungad niya sa akin.

Humikbi si Beth at lumayo nang kaunti at tinakpan ang kanyang bibig gamit ang kamay.

"H-Hindi ko kayo maintindihan. Bakit kayo umiiyak? Anong ginagawa natin sa ospital? Bakit ka nagso-sorry? Tsaka nasaan si Ed?"

"Nasa loob si Ed. It's his chemo session."

Kumunot ang noo ko at napahawak sa pader. "Anong... Bakit..."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I wasn't dumb. Alam ko kung ano ang chemotherapy. Alam ko kung para saan ang chemotherapy. Pero hindi pa ako handang marinig ang katotohanan... Ang katotohanang ibig nilang sabihin sa tawag kanina.

"Ed has leukemia, Beck. Stage four."

Tumingin ako kay Ed at napasinghap. I let the words sink in.

Beneath the Moon's PhasesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz