End

388 19 8
                                    

End

Para na akong baliw na nakangiti habang nakatingin sa picture frame na nasa kwarto namin ni Rebecca. It was from the photo booth when we were in college. Pinagdikit namin ang mga kopya namin at pina-frame.

Sa tuwing gumigising ako ay ito ang una kong tinitingnan. We were so young. We were so happy. We are still happy.

Naputol ang pagtingin ko roon nang tumunog ang buzz. Dumiretso na ako sa pinto at binuksan ito. Kaagad na pumasok ang mga pinsan ko at tuluyang naging maingay ang unit.

"Gago, sabi ko naman sa 'yo na dalawa ang color na bilhin natin, eh!" nakasimangot na sabi ni River kay Jimson.

"So kasalanan ko pa ngayon? Sabi niyo ako ang bahala."

"Oo pero sinabi ko nga na dalawa ang kulay."

"Edi sana ikaw na lang pala ang bumili," kalmadong sabi ni Jimson kahit halos pumutok na si River.

Magsasalita pa sana ito kung hindi ko siya hinila.

"Smile ka na, River. Bawal ang mga mainitin ang ulo rito."

"Edi palabasin mo na 'yan," tukso naman ng kapatid niyang si Chester.

"Kung ikaw kaya ang palabasin ko?!"

"Guys," ani Gab. "Please let's not shout. Nasa isang unit lang tayo. Let's get the work started before it's too late."

"Mabuti pa nga," ani Jeno Emmanuel.

Sumunod rin si Joseph at nagsimula nang ayusin ang mga biniling mga decorations. It was only 1 p.m. but the sky was so dark. May bagyo ba?

Malakas ang ihip ng hangin at sobrang lamig kaya isinara ko na muna ang veranda at tumulong na.

"Five years na pala kayo, Kuya?" ani Joseph.

"Hindi ba halata?" banat naman ni Chester.

Itong magkapatid talaga, sobrang mainitin ang mga ulo. Napaka-pilosopo pa. Joseph just shrugged and ignored him.

"Hindi nga rin ako makapaniwala na limang taon na pala. Akalain mo 'yun!" ani ko.

"Akalain mo 'yun may nakatagal sa kadaldalan mo?" ani Jeno Emmanuel at mahinang natawa.

Gab chuckled. "Yeah, it's a miracle. Isn't she annoyed?"

"Hindi 'no! Mahal ako no'n! Kayo kasi, malas sa love life."

"Malas sa love life," Chester mimicked.

Plano naming sorpresahin si Rebecca. After we graduated in college, we decided to move together. We bought a unit that's enough for the two of us. Since then, I've been the happiest man.

Nagtatrabaho siya ngayon sa isang kumpanya at nadestino sa management. Ako naman ay nagtatrabaho na rin si Serese Jewels.

Life has been hard. Especially that I want to limit myself with the things I wanted to spoil for the girl of my dreams.

Sa totoo lang, I can buy a house and lot for us. In cash. Pwede ko rin siyang bilhan ng sasakyan. O magkaroon ng room service everyday. But Becca was too persistent to do things slowly.

I thought it was foolish. Pwede ko rin naman kasing bilhin lahat.

Pero nang nakita ko kung gaano siya kasaya nang bumili siya ng sasakyan mula sa pinaghirapan niya, natanto ko na mas maganda pala talaga kapag ganoon.

Lumaki ako na nakukuha ko ang gusto ko. Though I'm not spoiled, I still know that we are capable. Ngunit natutunan ko na mas maganda kapag pinaghirapan.

Beneath the Moon's PhasesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon