Chapter 19

308 12 4
                                    

Chapter 19

Fault

It's so unfair that Haben is having a good time while I am vulnerably thinking of him. Wala rin naman siyang kasalanan kasi sa simula pa lang, sinabi niya na ayaw niya sa commitment.

He was clear with it. I was also clear to agree with him about it. I remember how I told him that I'm also not ready, but where am I now?

Galit ako nang nakita ang kanyang IG story kung saan nasa isang golf field siya. He was laughing with his cousin named Mark and some of their friends. Pinatay ko ang cellphone at mahigpit itong hinawakan.

"Ayos ka lang?" tanong ni Becca nang napansin ako.

Umiling ako. "Hindi."

Nasa kiosk kami sa labas ng building namin at nagpapahinga. Kakagaling lang namin sa isang 2-hour class at nagpasyang umupo muna sandali. Wala si Shyra kasi may meeting daw sila sa org na sinalihan niya.

Shyra wasn't really great after the fight with Ed. Gusto ko mang alamin kung kumusta na sila, tinikom ko na lang ang bibig ko. Pati nga si Beth ay ayaw nang pag-usapan si Polo sa harap niya. it's as if their names are taboo.

Hindi ko rin naman siya masisisi kasi naiintindihan ko.

"Ba't parang galit ka?" Beth asked.

Bumuntong-hininga ako at ipinatong ang mga siko sa batong mesa at ginulo ang buhok. "Hindi ko alam."

"Kung ayaw mong pag-usapan, okay lang. I don't want to push you but I hope you know that I'm concerned, Beck."

"I know, I know... It's just..." Tumingin ako sa kanya. "Things are getting weird, Beth. And I felt like going into that shithole once again."

The breakup damaged me. I vowed that I will not engage myself with that kind of thing anymore. Pero heto na naman ako. At malala pa kasi alam ko na malabo ang ugnayan namin ni Haben.

"Kasalanan ko bang mag-assume?" I asked.

Beth smiled weakly. "Siguro?"

Nagbuntong-hininga ako. "Kasalanan ko nga."

"Kasi sinabi na niya sa 'yo from the start."

"But it felt real, Beth. Alam ko na may gusto rin siya sa 'kin."

"Again, nag-a-assume ka na naman."

I wanted to explain to her how Haben kissed me that day. Gusto kong ipaliwanag kung paano siya tumitig sa 'kin. Kung paano niya ako kausapin.

Don't tell me it's just all in my head because I know one when I see one.

"Paano kung ganyan din pala siya sa iba?" maingat na tanong ni Beth.

"Paano kung hindi?"

Beth sighed. "You know, Beth, kung gusto mo talaga na alamin, tanungin mo na lang si Haben."

I thought of that, too. Pero mas nangibabaw ang takot ko.

Hindi na ulit kami nag-usap tungkol doon nang dumating si Shyra at inaya kaming kumain sa labas.

Buong hapon, pinag-isipan ko ang sinabi ni Beth. I never really approached him. Naghintay lang naman ako na mag-chat siya o 'di kaya ay pansinin ako.

Simula nang inisnob niya ako sa coffee shop, hindi na kasi ako nag-abala pang kausapin siya. I took it as a sign that he doesn't want to talk to me anymore. But I did not really exert an effort.

Puno ng what if ang utak ko. Pilit kong pinag-isipan kung ano ang sasabihin ko kung sakaling mag-uusap nga kami.

But I know I need to put a period on it. It's now or never.

Beneath the Moon's PhasesWhere stories live. Discover now