Chapter 03

387 15 2
                                    

Chapter 03

Ride

Hindi ko akalain na pagkatapos kong sabihin iyon kay Haben ay naging praning na ako.

Nagkausap pa kami ro'n at nang nag-text na si Shyra sa 'kin na uuwi na raw kami ay nagpaalam na ako. The following days, I kept on waiting for his message or call.

Alam ko naman na way of comfort lang 'yung pagsabi ko na kung gusto niya ng kausap ay puwede niya akong tawagan. Pero baka kasi totohanin niya.

I was bothered about it that I keep on glancing on my phone, waiting for nothing.

"Para kang baliw," puna ni Beth nang makita niya akong nakatulala sa cellphone ko.

Kami lamang dalawa ang nasa dorm ngayon. Nasa desk ako habang siya naman ay kalalabas lang mula sa CR.

"Sino ba kasi ang hinihintay mo?" aniya.

"Wala," I replied grumpily.

"Huwag mong sabihin na nagte-text ulit kayo ni Scott."

"Hindi na."

"Eh, ba't kasi ganyan ang mukha mo?" aniya. "Isang linggo ka nang ganyan."

"Wala nga kasi-"

"Naku Becca, kilala kita. 'Wag ka nang magsinungaling."

Ngumuso ako. Tumalikod si Beth upang kumuha ng sipilyo. She started to brush her teeth on the open window.

Bawal iyon. Kapag nahuhuli ng headmistress, may multa na dapat bayaran. Baka may parusa rin. Pero wala namang pakialam si Beth do'n. Pati na rin si Shyra.

Ako lang talaga itong masunurin, eh.

Kaya naman tumayo ako para isara nang maayos ang pinto para hindi siya makita. Inayos ko na rin iyong mga kurtina para hindi kami masilipan.

"May crush ka 'no?" ani Beth kahit may bula pa sa bibig.

"Wala! Bakit naman ako magkaka-crush? Sabi ko nga sa inyo na hindi na muna ako magfo-focus sa mga lalaki. Nakita niyo akong umiiyak kay Scott, 'di ba? Tapos ngayon ay maghihintay ako sa isang lalaki? Hell no!"

Natawa si Beth. Muntik pa nga niyang malunok iyong minumumog niya.

"Kadiri ka," sabi ko at bumalik na sa desk.

She rinsed her mouth and looked at me. "Sobrang defensive mo."

"Wala nga kasi."

Tumawa siya at hinugasan ang toothbrush. "Ay sus. Bahala ka na kung ano ang sasabihin mo. Magkukunwari na lang ako na hindi halata ang pagsisinungaling mo."

"Hindi ako nagsisinungaling."

Pero hindi pa rin naniwala si Beth. Aniya, hindi raw dapat ako mahiyang lumandi.

I still kept firm that I'm not waiting for someone. Alam ko na hindi ko dapat pinapansin ang mga ganito, pero hindi ko pa rin maiwasang maghintay na baka mag-approach talaga si Haben sa akin.

It was impossible. I was out of his league. At saka, ang dami niya talagang kaibigan. Pati na rin mga pinsan. Panigurado ay hindi niya ako maiisipan.

He didn't even recognize my name.

Pinatay ko na ang cellphone at itinuon na lang ang pansin sa mga assignment.

* * *

Nagtipon kami ng mga kagrupo ko sa isang school activity sa labas ng department namin kung saan may nakabilog na mga upuan. Lahat kami ay pagod na pagod kasi katatapos lang ng midterms tapos ngayon naman ay ito.

Beneath the Moon's PhasesWhere stories live. Discover now