Chapter 11

306 15 4
                                    

Chapter 11

Phases

Alam ko na second year pa lang ako at may dalawang taon pa para makapagtapos, pero hindi ko na alam kung kaya ko pa ba. It was a government university. It had an expectation.

Kahit hindi naman ako matalino, hindi rin naman ako bobo. And if I fail, mawawala ako rito.

Siguro masyado lang akong nag-o-overthink.

Huminga ako nang malalim at ibinaon ang ulo sa mga libro ko. Napadaing na rin si Shyra na nasa harap ko. Pareho kaming nag-aaral para sa paparating na final examination. Kaming lang dalawa kasi may ibang lakad si Beth.

Huling sem ko na ito bago mag-third year. Alam ko na may mas ikaka-stress pa ito.

"Pagkatapos nitong exam, magce-celebrate tayo," ani Shyra. "Iinom tayo. Maglalasing. Tutal, summer vacation na."

"I agree. Kailangan nating mag-celebrate. Pero dapat bago natin makita ang scores at grades natin."

Nalungkot si Shyra. "Tama. Para hindi tayo magluksa."

"Kahirap naman mag-party kung bagsak pala ako. Baka iiyak lang ako sa bar."

Kinabahan tuloy ako dahil sa naisip. Hindi naman yata... I poured my best for the final exams. I should not be worried about it that much. Ilang linggo na akong nag-aaral.

Padabog na sinara ni Shyra ang libro niya. "Nase-stress na ako. Makikipagkita ako kay Ed."

"Iiwan mo ako rito?" I pouted.

"Oo naman. Tawagan mo na lang si Haben kung gusto mo ng kasama. 'Di ba, close kayo?" Tinaas-baba niya pa ang mga kilay niya.

I snorted and looked at the books instead. "Hindi na kami close."

Simula noong sa birthday ko, hindi na talaga ako nagtangka pang mag-chat sa kanya. Para kasing mali. At ayoko na ring mag-first move. Makahulugan iyong huli naming pag-uusap.

"Ay sus, ikaw bahala. Paalala lang, nakita namin siya ni Ed noong nakaraan. May babaeng kasama."

I looked away. "Hindi ako affected."

"Maraming tattoo. Astigin. Ibang-iba sa 'yo."

Astigin? Tattoo? That girl must be cool. Just his type. Boring kasi akong tao. Mas gusto ko sa mga simple na mga bagay. Siguro mas masaya na kausap iyong kasama niya na may maraming tattoo.

"Umalis ka na nga," sabi ko.

Natawa siya. "Aminin mo na lang kasi na crush mo siya! Iyong bunny na tinatago mo sa kabinet mo, sa kanya 'yun, 'di ba?"

"Hindi." Sumimangot ako, nahihiya na.

Mas natawa lang siya. "Try harder not to get caught, Rebecca. I caught you staring at it sometimes. Pretty sure it's from Haben. Siya lang naman ang nakausap mong lalaki outside our circle, right?"

"Hindi mo sure."

"Heh. Bahala ka diyan. Pupuntahan ko na ang boyfriend ko. Panay ang reklamo niya na masakit daw ang ulo niya, eh. Bibili ako ng gamot."

I also noticed that. Ed seemed pale nowadays. Pero hindi ko rin naman siya masisisi. Kapag malapit na ang exam, lahat ng estudyante ay maputla at pagod. I bet I look like a mess right now.

"Send my regards," I said.

She clung her bag on her shoulders. "Yeah, sure. Ingat."

I nodded at her. Kumaway si Shyra sa 'kin bago tumalikod at naglakad palayo. I watched her until I could no longer see her.

Beneath the Moon's PhasesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu